C5. Reasons

7 0 0
                                    

Trust is like a mirror, you can fix it if it's broken, but you can still see the crack in that mother fucker's reflection.

--

Claren Rousin's POV

It's been a year simula ng huli naming nakita ni Kate si Leila. Leila Hamelton. She used to be our bestfriend. Yeah. Past tense kasi past na. Tampo? That's an understatement. I hate her. I hate her for not trusting us. I hate her kasi tinago nya samin yung totoo. We both know na may sakit sya. Na shes dying.

Masisi nyo ba kami? Hindi nya kami pinagkatiwalaan ei.

"Best, tingin mo tama yung ginawa natin kay Leila kahapon?"

I sighed.

"No. Mali ang ipahiya sya sa harap ng madaeng tao. Pero, nabigla lang din ako. I dont know what to say nung bigla syang iniluwa ng lupa sa harap natin best"

"Yeah. Pero Claren, arrgh. Muka naman syang okay diba? I miss her"

"Yeah. I miss her too. Pero hayaan na muna natin. Kung one of these days ei, sincere syang magsosorry satin, why not diba? Hindi naman tayo kontrabida sa storyang to. I just want her to apologize"

"Hmm. Sabagay. Sana maging okay na lahat ng to."

Isang sorry lang Leila. Isa lang. At tatangapin ka ulit namin.

"Hey girls"

Swabeng bati ni Leon samin ni Kate.

"Oh. Nakita mo na sya?"

Si Leon. Sya yung pinaka nasaktan sa biglang pagkawala ni Leila noon. We saw how he suffered because of Leila's sudden disappearance.

"Huh? Who?"

Nagkatinginan kami ni Kate. Walang alam si Leon sa lahat. Hindi na din namin sinabi for his own good.

"Si Leila"

Kate said. Parang hindi naman shock si Leon sa narinig.

"Hmm. So shes studying here again. Great"

"Move on ka na ba Leon?"

I asked him.

"I still love her. But I dont want her in my life again"

Mariin nyang sagot sa tanong ko.

Pare pareho kaming natahimik dahil sa sagot ni Leon.

"Sige na. Uuwi na ko. Leon, hatid mo na nga lang yang si Kate since magkalapit lang naman kayo ng bahay"

Pag iiba ko ng topic. Nandito lang naman kasi kami sa park. Yung lagi naming tambayan. Uwian na kasi kanina pa.

"Osige. Bye Claren"

"Bye best. Prends soins de toi"

"Sige. Take care din. Bye guys"

With that, naghiwahiwalay na kami.

Leila Hamelton's POV

Andito lang ako sa park ngayon. Second day ng klase. After class dito ako dumiretso. Nagbabakasakaling makikita ko sila dito. And tama nga ako they are all here. Gustong gusto ko silang lapitan, pero natatakot ako. Im afraid na ireject ulit nila ako. Natatakot ako.

Uuwi na sana ko ng biglang nagdilim ang paningin ko. Babagsak na ko pero may sumalo sakin. Someone saved me from falling. Then nagdilim na lang ang lahat.

"Okay. Thank you doc"

Nagising na lang ako na puri puti lahat. If Im not mistaken, nasa hostpital ako.

"Ku-kuya?"

"Yeah. Tsk. Pinakaba mo naman ako ei. Kala ko kung ano ng nangyari sayo"

"Pano ko napunta dito? Sa pagkakatanda ko nasa park ako"

"Idunno? Sabi ng doktor may naghatid daw sayo na lalaki at yun tinawagan nila ang family number natin"

"Sinong lalaki?"

Ah. Naalala ko na. Nahimatay ako kanina sa park pero sa pagkakatanda ko, may nakasalo sakin.

"I don't know kung sino. Pero buti na lang at naihatid ka nya dito agad, kung hindi. Tsk. Nako. Sya lets go. Sabi ng doktor pede ka na daw sa bahay na lang magpahinga"

"Okay"

Sino kaya yun? Pero, kung sino man sya, I should thank him.

For saving me.

Yuri Albert's POV

Buti na lang sinundan ko yung babaing yun kanina. Para kasing wala sya sa sarili nya nung pumunta sya sa park.

Para syang zombie na naglalakad.

Napansin ko lang din na may tinitingnan syang dalawang babae at isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan sa pwesto nya.

Aalis na sana ko ng bigla syang natumba. Buti maagap ako at nasalo ko sya.

Napamura na lang ako nun sa sobrang taranta.

Flashback
"Sh*t"

Nahimatay yung dyosa. What to do?! Argh.  Nagdrive ako papunta sa pinakamalapit na ospital.

"Excuse. Excuse. Help her"

Then nagdatingan na ang mga nurse at dinala sya sa isang room. Kinausap ako ng doctor.

"Kamag anak mo ba ang pasyente?"

"Aish. No. Pakitawagan na lang tong number na to"

Binigay ko yung family number nila. At umalis na.

End of flashback

Ayun nga. Nandito na ko sa bahay ko ngayon. That girl. I should protect her. She's fragile. From now on, i will always look after her. Simula kasi nung lumuhod sya sa harap ko sa Canada, hindi na sya nawala sa isip ko kaya, pinilit kong hanapin sya. Since ospital namin yun, nakuha ko ang records nya and I found out na meron syang Leukemia. Im so shocked ng malaman ko yun. Kaya napagdesisyunan kong hanapin sya, biglang gusto ko syang protektahan. There's something in her eyes kaya ganun ang naramdaman ko.

----

#Yuri

How To End a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon