Prince's Point of View
Heto na naman. Lakad mode lang. =_= Kasakit na sa paa. Pero gagawin ko lahat para maging successful ang gagawin ko bukas. Sana magustuhan ni Lara ang gagawin kong surprise sa kanya bukas. Alam ko na late na ako masyado para sabihin sa kanya. Pero I will do my BEST.Gusto ko din na bago ako umalis ng bansa, malaman na dapat ni Lara. Ang OA ko na masyado. Alam kong konti lang ang boys na katulad ko pero mas maganda na 'to para sure na magustuhan na ni Lara.
Pupunta na ako sa Flower Shop para bumili ng flowers. Alangan namang bibili ng isda!
May namatay na naman daw na joke kanina. Sabi sa balita.
Whoa! Bakit andito kaya itong mokong na ito.
"Oy! Gerald! Bakit ka andito? Tsaka ikaw? Bibili ng flowers? Kelan ka pa natutong manligaw? Nyahaha!" Ako. Pero natamaan din naman ako sa sinabi ko kay Gerald.
"Oy ka din! Ako?! Manliligaw sa babae?! Pare naman! Alam mo naman na girls ang nanliligaw sa akin eh!" Gerald.
"Wow Pare! Ang hangin! Sobra! Sige na nga, di na ako kokontra! Hahah! " Ako.
"Sige Pare! Bye na! May aayusin pa ako eh!" Gerald.
Ha?! Wait lang! Bakit bumili si Gerald ng favorite flower ni Lara ko! Ko talaga? Makaangkin lang oh! Ah, siguro para sa iba yun. Di lang naman siguro si Lara ang may favorite nun. THINK POSITIVE. E pero kasi e. Nalink din kasi si Lara kay Gerald nung classmates pa lang kaming tatlo.
FLASHBACK
"Gerald! Pahiram nga ako ng notes mo sa English. Di ako naglecture e. " Ako. Tamad na ba ako masyado nung bata ako?
"Sure! Andyan sa bag ko. Kunin mo na lang!" Gerald. Isa pa 'tong tamad o. Para kunin lang ang notes nya. Ay, nagsalita ang hindi tamad.
Binuksan ko na yung bag nya. *may sound pa* (Yung sound ng zipper pag binubuksan)
Hahahaha! Ganyan lang talaga ako nun. Baliw. Hanggang ngayon pa rin naman e.
Ayun nga, kumuha ako ng isang notebook. Di ko naman kasi alam kung nasan yung notebook nya dito. Hay. Tapos may notebook dito na ang cover e, picture ni Princess Lara. Puro Dear Diary Dear Diary naman ang nakasulat. Pero ito ang pinakamatindi:Dear Diary,
Bakit ganun? Crush ko na talaga si Princess Lara? Ang bait nya kasi tapos maganda pa. Matalino.
Yours Truly,
GeBoy. :)
Hay. Kabading talaga nun. Tapos yun di ko naman namalayan na may nakabasa palang ibang classmates namin.
Sinigaw pa nung classmate ko na:
"SI GERALD, CRUSH NYA SI PRINCESS LARA!"
Sabi pa nung isa na:
"BAGAY SILA!"Narinig pala ni Gerald tapos tumakbo sya papunta sa akin at hinablot nya yung notebook nya slash diary pala. Tapos ang sama ng tingin nya sa akin.
END OF FLASHBACK
Ngayon ko lang narealize na masyado na pala akong naging kampante na walang makakaagaw kay Lara sa akin. Buti pa si Gerald, alam na ni Lara na may gusto sya sa kanya. E ako kaya, kelan? E di ba nga Prince mamaya? E pano kung para kay Lara nga yung flowers na
Basta NO WAY!

BINABASA MO ANG
SECRETLY INLOVED
Romansa"FATE brings people together no matter how far apart they may be."