Just Fangirling I

94 3 2
                                    

Kirsten's POV
Hay nako, may pasok nanaman. Sana malapit na magbakasyon. Palagi naman kamu pinapagalitan sa loob ng classroom dahil sabi ng mga teachers na WORST SECTION kami sa buong batch. Wala akong pake dun basta makita ko lang ang mga kaibigan ko.

Few moments later...

Ayos na gamit ko. Ay, yung blue notebook at pencilcase ko. Gumagawa kasi aKo ng sarili kong mangga. Otaku and Kpop ang hilig ko. Biased group ko ang Boys Republic. Certified Royal Family ako. (Kaway Kaway sa lahat ng royal family)
*BEEP BEEP* Andyan na ang service ko.

Pagpasok nya sa service...

Maxine: Hindi ka nagonline kagabi.
Kirsten: Sorry naman. Nawawala WiFi namin.
Carmel: Nga pala Kirsten, napanood mo na yung latest episode ng Boys Republic?
Kirsten: Oo. Kaninang umaga ko Lang pinanood. Grabe, malapit na magdikit yung lips nila Sunwoo at ni Minsu.
Carmel: Oo nga. Ang unang lumapit kaya si Sun Woo. Nakakatawa silang dalawa. Hahahha
Kirsten: Nadownload ko nga pala yun sa tablet ko. Pagkagising ko kasi pinanood at dinownload yun eh. At meron din akong dinownload para kay Maxine.
Maxine: Ano naman yun?
Kirsten: * pinatugtog yung Memory*
Maxine: Meron ka nyan. Hay nako Kirsten.
Kirsten: Dinownload ko rin yan. Buti nga umabot pa yun bago kayo dumating. Patugtugin na lang natin nyan hanggang makarating tayo sa school.
Carmel: Sige.

Sila Maxine at Carmel nga pala ang mga kaibigan. Si Maxine magkaibigan ko na yan since lumipat ako dito nung prep. Si Carmel naman, nung grade 2 kami magkakilala pero ngayon lang naging mas close ngayong grade 7. Silang dalawa ang magkaklase at ako ang nahiwalay.

Nang nasa school na sya.....

Kirsten: Baba ko lang tong bag ko. Tapos dun na lang sa tambayan natin.
Maxine & Carmel: Sige.

Ang tambayan namin ay sa may harap ng sewing room na dating Activity room. Dun kasi makikita mo halos buong school kasi nasa 3rd floor kami. Dun mo din makikita kung sino ang mga pumapasok.

Carmel: Ano gagawin natin dito?
Maxine: Malamang, hihintayin si Coffee. Diba Kirsten
Carmel: Yie kinikilig si Kirsten!
Kirsten: Kayong dalawa talaga.
Carmel: Uy, si Coffee!
Kirsten: San?
Maxine: Kasama ni Raphael.
Kirsten: Okay...

Actually, hindi nya REAL NAME ang Coffee. It is just a code name. Ang real name nya Max Santos.

*RRRRRRIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGG*
(Flag Ceremony)

Kirsten: Hay nako...
Carmel: Hatid na kita sa room nyo.
Kirsten: Sige. Ayoko dumaan sa harap ng room nila ng mag isa.
Carmel: Okay.
Maxine: Good luck sa inyo.

Hindi naman kalayuan ang room namin sa room nila Carmel at Maxine pero madadaan namin ang room ni Coffee. Nasa likod ko si Carmel nang muntik ko na mabangga si Coffee kasi napaka crowded yung corridor nila. Hayst, buti hindi napansin ni Coffee yun. Nung nasa harap na kami ng room ko.

Kirsten: Carmel, si Coffee...
Carmel: Oo, nakita ko yun. Basta mamayang recess sa tambayan ha.
Kirsten: Sige.

Pagkatapos ng Flag Ceremony, unang subject na namin. Ang unang subject namin ay MATH. Oo, MATH. Tapos yung teacher namin dun ay ang adviser namin na napaka sungit. Kung sabagay, matandang dalaga na yun. Halos wala na nga nakikinig sa discussion. May sari sariling usapan sila dyan. Pero ako nakikinig na lang ako nyan kahit alam ko na (nagkukumon) kasi wala naman ako masyadong makakausap dahil nga nasa ibang section sila Carmel at Maxine.

Pagkatapos ng 1st at 2nd subject...

Hay, hindi pa rin lumalabas sila Carmel at Maxine kasi ang 2nd subject nila ay yung MATH teacher namin. Hay... Medyo matagal pa yan. Kung tutuusin nga, section nila ang parang STAR section dahil sila yung maraming may pake sa mga school works at matitino sila. Ibang iba kami sa kanila. Sa kabilang section naman, nandun si Coffee nakaupo lang habang feel na feel ko na bored na sya dahil MATH din ang subject nila kaso ibang teacher naman ang kanila.

OneShotStoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon