CHAPTER 3:

109 14 2
                                    

Chapter 3:

THIRD PERSON

Nagmamadali si Zandro umalis sa Condo na ini-ukapa niya para sakanilang dalawa nang babae, na naka-siping niya. Alam niyang mali ang ginawa niya ngunit hindi man lang siya inu-usig ng konsensya dahil sa totoo lang ay wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang iyon.

Wala siyang iniwan na note o kung ano man, binayaran niya 'rin muna yung room bago umalis para wala ng iba pang maiwan na problema.

Nang makita niya ang ilang tawag mula sa pinsan at ilang tawag mula sa cellphone number ng kaniyang Girlfriend na hindi man lang niya inintindi hanggang matapos siya sa babae. Saka niya lang naisip na kung ano na kaya ang kalagayan ng Girlfriend niya. Kung nakauwi ba ito ng ligtas at ga'nun din kaya ang kapatid niya? Sana naman walang nangyaring masama sa dalawang taong mahal niya.

Agad niyang tinawagan ang pinsan para matanong at makibalita na rin, kung ano ang importante nitong sasabihin kung bakit ang daming missed call siyang natanggap mula rito. Maka-ilang ring din nang sinagot nito ang tawag niya at ga'nun nalang kasakit sa dibdib niya at ikina-hinto niya sa paglalakad ng marinig mula sa kabilang linya, na kaniyang pinsan ang balita. Na napahamak ang Girlfriend niya at ngayon ay nasa Hospital ito. Hindi niya na tinapos ang pakikinig sa pinsan at nag madali siyang nag-tungo sa kotse niya at pinaharurot papuntang Hospital kung saan naka-ukupa ang kaniyang kasintahan.

Nang makarating siya sa Hospital ay ga'nun nalang ang panlulumo niya ng makita ang kalagayan ng kasintahan na bugbog sarado ang buong mukha at ga'nun din na maraming pasa sa katawan nito. Napa kuyom-kamao siya ng makita ang sinapit ng kasintahan. Ngayon ay inu-usig na siya ng konsensya, gan'un na 'rin  ay nakakaramdam na siya nang galit para sa sarili, dahil kung hindi niya sana inuna ang libog, hindi sana ito mangyayari sa Girlfriend niya. Hindi sana ito nakaratay sa kama at nag-aagaw buhay. Agad siyang lumapit sa kama nito at may namuo at kusang tumulo ang luha niya nang pasadahan nang tingin ang kasintahan.

Binugbog ito ng mga hayop na bumaboy sakaniyang kasintahan. Awa at galit ang nararamdaman niya. Awa para sa sinapit ng kasintahan at galit para sa sarili at sa mga hayop na gumawa nito sa kasintahan. Sisiguradohin niyang mabubulok ang mga ito at mararanasan 'din ng mga taong bumaboy sa kasintahan ang hirap na dinanas mula sa mga kamay ng mga ito.

Napaluhod siya sa gilid ng kama nito at napahagulhol at panay hingi ng tawad kahit pa hindi ito naririnig ng kasintahan.

Ilang araw at linggo ang lumipas pero hindi pa 'rin nagigising ang kaniyang kasintahan. At kahit papano habang pinag mamasdan ito nawawala na ang ibang pasa nito sa katawan. Halos kunti lang ang tulog niya at hindi na siya nakakapasok sa kanilang kompanya. Hindi alam ng mga magulang niya ang nangyari sa kasintahan dahil hindi pa naman kilala ng mga ito ang kaniyang Girlfriend. At ang tanging excuse niya lang sa mga ito ay mag babakasyon siya kahit na alam niya na ang hiningi niyang bakasyon ay ilalaan niya lang sa pag aalaga sa Girlfriend niya.

At sa tuwing sasapit naman ang gabi bago siya makatulog sa tabi ng kasintahan ay paulit-ulit niyang binabanggit ang paghingi ng tawad dito habang ang luha ay walang tigil sa pagtangis. At namamalayan niya nalang ay nakatulog na pala siya.

Sa ilang araw, linggo at halos isang buwan mahigit ay nagkaroon rin ng himala para sakaniya dahil gumising na 'rin ang kasintahan. Ngunit ka-akibat ng sayang nadarama ay kabaliktaran naman sa nadarama  ng kasintahan at ito'y takot nang magmulat ito ng mata. Nag sisisigaw ito at pilit na tinatakpan ang katawan kahit alam pang may suot naman itong damit. Agad niyang niyakap ang kasintahan, ngunit nagulat siya ng itulak siya nito.

"Babe ako 'to si Sandro."mayhalong panunuyong pagtawag niya sa kasintahan at pilit niyang kinukumbinsi na tumahan, nang makilala nga siya ng kasintahan ay agad siya nitong dinaluhan ng isang mahigpit na yakap, na para bang takot na takot na bitawan siya ulit. At paulit-ulit na binabanggit na 'binaboy nila ako' . Hindi niya maatim na makita sa ganoong kalagayan ang kasintahan na puno ng takot at sakit na nararamdaman. Ang tanging nagawa niya lang ng mga panahong iyon ay 'wag itong iwan. Kahit na nalaman niya 'rin na nagbunga ang kababoyan ng mga hayop. Balak sanang ipalaglag ng Girlfriend ang bata ngunit hindi niya pinagawa at inako nalang ang responsibilidad para sa bata, kahit masakit ito para sakaniya, ngunit alam naman niya na mas masakit ito para sa kasintahan ang buhayin pa ang bata na alam niyang nagbunga lang dahil sa pambababoy ng mga hayop rito. Ngunit hindi rason ang kumitil ng buhay para lang matakasan ang problema. At ipinaliwanag niya sa kasintahan para lubos nitong maintindihan ang nais niya at buti nalang nakumbinsi niya ang kasintahan. At nang makumbinsi niya nga ito ay agad rin niyang inaya itong magpakasal. Para kahit pa ipakilala niya ito sa mga magulang ay hindi na rin ang mga itong  magdadalawang isip na sumang-ayon sa relasyon na meron sila ng kasintahan.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now