CHAPTER 9:

78 2 0
                                    


CHAPTER 9:

"MA'AM, andito na po tayo."pag-imporma ng kanilang driver sa kaniya, na siyang dahilan ng pagtigil niya na sa ka-dudotdot ng cellphone. Na siya ring pagpapabalik ng kabang nararamdaman. Ngunit ang kaba na iyon ay mas tumindi pa ng malaman niyang nasa harap na siya ng building ng lalake.

Pero bakit ba siya kinakabahan? E' wala naman siyang ginawang kasalanan. Kung kasalanan man ang nangyari sa kanilang dalawa , anim na taon nang nakalilipas. Ay dapat maging ang lalake ay makaramdam din ng kabang nararamdaman niya ngayon.

Argeh!

Imbis na mabahala sa kabang nararamdaman, ay napagpasyahan niya na lang bumaba at nagpaalam na sa driver. Nang maka-pasok sa loob ay agad na may sumalubong sa kaniya. Isa sa mga empleyado ng kompanya at ina-assist siya kung saan ang opisina ng kanilang Boss. Mukhang ini-expect na nila na darating ang dalaga, kaya ganito na lang kung asikasohin siya. Nang makarating nga roon ay iniwan na siya sa harapan ng mismong pinto ng opisina ng kaniyang magiging Boss.

Hindi niya alam kung papasok na ba siya o mag aabang na lang sa harap ng pintuan nito. Mga ilang minuto na ang lumipas ay nasa labas pa rin lang siya ng pintuan ng opisina ng lalake. Hinihintay na magbukas na lang ito ng kusa para sa kaniya.

Dahil talagang ngayon ay parang nanghihina na siya sa kinatatayuan niya.  Nanginginig ang kaniyang kamay at mas doble-dobleng kaba na ang kaniyang nararamdaman. Napa sign of a Cross pa siya at napadasal para lang mawala ang kabang nararamdaman.

Sinama niya sa pag-pray niya ay bumukas nang kusa ang pintuan. Kaya gaya ng kaniyang hiling na kusa na lang itong bumukas para sa kaniya, ay nangyari nga habang naka-pikit siya dahil sa tahimik na pagdadasal. Naramdaman niya lang ang kusang pagbukas ng pintuan ng opisina ng kaniyang Boss. Dahan-dahan naman siyang napamulat ng mata dahil d'on at may pagtatakang itsura sa mukha ng kaniyang Boss, ang bumungad sa kaniya. Siguro dahil sa nabungaran rin nitong tila nagdarasal siya sa labas ng pintuan.

Agad na lang siyang umayos ng pustura dahil sa pagkahiya, pero dahil tila nanghihina ang kaniyang mga tuhod dahil kaharap niya na ito ay muntikan pa siyang matumba. Kung hindi lang siya agaran nitong nahila.

Ngunit sa paghila nga nito ay siyang dahilan naman ng paglapat ng kanilang mga dibdib at paglapit ng kanilang mga mukha. Ngunit bago pa may umusbong na kung ano, ay agad siyang humiwalay rito. Dahil hindi niya gugustohin ang kung ano mang epekto ng Binata para sa kaniya.

"Sorry,"kasabay ng pagtikhim dahil tila masasamid siya sa sariling laway. "Good morning, Boss,"pagbati niya rito at napayuko na lang dahil sa nararamdaman niyang kahihiyan at para din maka-iwas sa tingin ng Boss niya.

Ngunit imbis makarinig ng tugon sa kaniyang pagbati ay bigla na lang itong tumalikod sa kaniya at pumasok na lang sa loob ng opisina. Habang hindi sinisirado ang pintuan nito, kaya alam niyang sign na 'yon para pumasok siya.

Nakatayo lang siya sa gilid, nang makapasok ng loob. Wala siyang kibo at hindi rin niya alam kung ano o pa'no siya kikilos sa loob ng opisina nito. Dahil wala rin naman sa kaniyang tinuro ang kaniyang Abuelo. Ni wala nga siyang experience sa ganitong bagay o trabaho.

Habang nga nag-iisip ng gagawin ay pinagmamasdan niya rin ang lalake na busy  sa mga paper works na tinatrabaho nito. Tila hindi muna rin nito iniintindi ang presensya niya kaya panatag itong ginagawa ang trabaho.

Ngunit imbis na mabagot sa pagkaka-tayo at paghihintay. Ay sinusulyapan niya na lamang ito ng palihim. Habang nga ginagawa niya ang simpleng pagsulyap na iyon sa Binata ay bigla na lang sumagi sa kaniyang isip ang nakaraang ala-ala na may nangyari sa kanilang dalawa.

Na kung paano niya natikman ang mga labi nito na ngayon  pinagmamasdan niya na lang sa malayo. Na kung paano iyon naglakbay sa buo niyang katawan para sambahin at mabigyan lamang ng sapat at nararapat na atensyon ang kaniyang katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now