CHAPTER 5:

94 8 2
                                    

Chapter 5:

THIRD PERSON

Nang makita ng Seniora ang apo ay agad itong napatayo sa kinauupuan at maiyak-iyak ang mga matang napatingin rito. Dahil parang 'di maka-paniwalang muling nasilayan ang kaniyang apo. Sa ilang taon ba naman nitong hindi naisipang magparamdam ay malaking puwang ang nawala sa puso ng Seniora,  kaya labis na lamang ngayon ang nararamdaman nitong  tuwa dahil sa muli nilang pagkikita ng kaniyang apo.

Kaya agad itong nagmadadaling lumapit sakaniyang apo upang yakapin ito ng mahigpit at binigyan ng paulit-ulit na halik sa mga pisngi nito.

"Apo ko... Bakit ngayon ka lang bumalik ha? Alalang alala ako sayo,"ani nito at halata sa tono ng boses nito ang lungkot.

"Sorry ho La. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob...Alam ko naman po na malaki ang nagawa kong kasalanan sainyo ni Lolo."ani niya rito habang tinutugon ang yakap ng kaniyang Abuela.

"Na'ko Apo matagal ka na naming napatawad. At nagsisisi 'rin kami ng iyong Lolo na hinayaan ka lang naming umalis. Dapat inalalayan ka lang namin at pinangaralan, dahil alam naman naming buntis ka na. Sorry Apo ha, nadala lang talaga kami nang galit dahil nga sa nangyari."paliwanag ng kaniyang Abuela.

"Alam ko naman po 'yun Lola. Pasensya na po. Sorry po talaga."paumahin niya at bumitaw na sa pagkakayakap sakaniyang Abuela at kasabay naman nito ay ang boses na dumagundong sa buong sala. iyon ay ang boses ng kaniyang Abuelo.

"MIKA!"pagbanggit ng kaniyang Abuelo sa kaniyang ngalan gamit ang madiin na tono at halata sa mata nito ang tinitimpi pa 'ring galit para sakaniya kaya agad nakaramdam ng takot si Mika.

Agad namang naibaling ang kaniyang atensyon ng may maramdamang maliit na kamay na kumapit sakaniyang braso, ng mapalingon siya rito ay mababakas sa mukha ng kaniyang anak ang takot at pag-aalala para sakaniya. Dahil nga sa nakikitang galit ngayon sa mukha ng kaniyang Abuelo.

"Okay lang si mommy anak. Kakausapin lang si mommy ng Lolo."ani niya na may ngiti sa mga labi kahit batid niya namang pilit ito. Upang ipakita lamang sakaniyang anak na maayos lang siya, dahil ayaw niyang ito'y nag aalala  sakaniya.

"Come to my office now!"pahabol pang ani ng kaniyang Abuelo, bago iniwan ang sala kung nas'an sila ngayon..

"Lola."saklolo niya sakaniyang Abuela.

"Hindi galit iyang Lolo mo. Alam mong ganyan lang 'yan. Kakausapin ka lang 'nun,"ani nito at ipinagtutulakan na siyang magtungo na sa office ng kaniyang Abuelo na nasa loob lamang ng kanilang mansion. Ang mala style library na office nito dahil sa dami ba namang nakaimbak na libro. Daig pa ang nag su-suply ng libro ang office ng kaniyang Abuelo.

Labag man sa kaniyang kalooban na magtungo, ay wala siyang magawa dahil ayaw niyang dagdagan pang lalo ang galit ng kaniyang Abuelo para sakaniya.

Nang makapasok nga siya ay tahimik lamang siyang naghihintay sa ibabato nitong salita o mura. Habang nakayuko, dahil natatakot siyang makita ang galit na mukha ng kaniyang Abuelo.

"Asan na ang ama ng batang dala mo?"tanong nito, na nagpabasag sa namumuo sanang katahimikan.

"Lolo kasi-,"

"I don't want to hear your excuses. What I want is an answer to my question,"putol ng kaniyang Abuelo habang may matalim na tingin ang ibinabaling sakaniya.

"H-hindi ko po alam,"nauutal niyang ani at alanganing napatingin sakaniyang Abuelo. "Hindi ko po alam, dahil simula't sapul po hindi ko po nakilala ang ama ng aking anak . I was very drunk that night, and I didn't know what was happening. I don't even remember the full details of that night, even the appearance of my son's father,"dahilan niya na pilit itinatago ang totoong nangyari.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now