CHAPTER 4:

97 12 2
                                    

THIRD PERSON:

"Sure ka na ba sa desisyon mo Hon?"paninigurado ni Zandro sa asawa dahil napagdesis'yon na nitong umuwi ng Pilipinas. At tanging ngiti at tango lamang ang itinugon nito sakaniya.

Ilang taon din silang nanirahan sa New York, bukod sa pagtira rito'y ang pagpapagaling 'rin ng asawa nito ang kanilang ginawa, nagpa-therapy ito na makakatulong sa asawa upang ma-over come na ang trumang dinanas nito. Todo suporta lang lagi siya sa desisyon ng asawa at wala siyang tutol. Hanggang sa nagsilang 'rin ang kaniyang asawa ng lalake'ng anak. At manang-mana ito sa asawa dahil napaka-guwapong bata ang iniluwal nito.

At kahit hindi niya ito kadugo ay sobrang napalapit siya sa bata at gan'un din ang bata sakaniya, sobrang spoiled nga nito sakaniya. At tuwang-tuwa siya sa tuwing tatawagin siyang Daddy nito.

Sobrang sarap sa pandinig dahil sa wakas ay naging ama na siya kahit alam niyang hindi ito kaniya. Kahit alam niyang tanging asawa lang niya ang tanging naguugnay sakanilang dalawa ay tanggap niya ito.

Alam niyang mahirap tanggapin nang kaniyang asawa na binuhay pa ang bata. Ngunit wala na rin itong nagawa dahil nang magsilang ito at lumaki na ang bata ay unti-unti niya 'rin itong natanggap.

At kung titingnan para na silang isang masaya at perpektong pamilya, na parang wala nang ibang makakatibag sa pamilyang meron sila.

---

Lumanghap ng sariwang hangin si Zandro. Pinapakiramdaman ang masarap na simo'y ng hangin na tumatama sakaniyang mukha. Napangiti nalang siya dahil after 6 years ay nakabalik na 'rin siya sa bansang kaniyang pinagmulan.

Nabasag ang kaniyang pagmumuni-muni ng maykumalabit sakaniya-
"Daddy where are we going now? I'm so tired na po."sabi ng limang taong gulang na kaniyang anak na agad niyang ibinaling ang atensyon rito at ikinarga ito.

" Malapit na tayo sa bahay na'tin anak. Don't worry malapit kanang magpahinga. Where's your Mom?"he asked.

"Pumunta lang po ng CR."tugon nito. At napatango nalang siya sa saad nito.

At inintay nalang nila, ang kaniyang asawa na makabalik upang maka-uwi na nang tuloyan sa kanilang tahanan. Nangmakabalik nga ito ay agad na silang sumakay sa nag-aabang na kotse at nagpati-anod lang sila hanggang sa dalhin na sila sakanilang tahanan.

Agad na humilata ang kanilang anak sa sofa pagkarating na pagkarating at ng makapasok na nga sila ng bahay, natutuwa nalang sila ng asawa dahil sa tinuran ng anak.

Nagulat nalang siya ng may dumampi sakaniyang labi, na labi ng asawa na agad niyang ikinabaling ang atensyon niya rito, na may ngiti na ngayon sa labi.

"Thank you so much."mutawi nito habang naka-ngiti habang tinitingnan siya ng may pagpapasalamat na tingin at tanging maalab lang na halik ang itinugon niya rito. Nahinto lang ang kanilang halikan ng magtikhim ang kanilang anak.

"Aherm! Daddy't Mommy itigil niyo po muna 'yan. Gutom na po kaya ako."sabi nito na ikina-ngiti lang nila. At ibinaling nga ang atensyon nila sakanilang anak.

"Maghahanada na'ko ng makakain na'tin. Dalhin mo muna sa kwarto 'yang mga gamit na 'yan."utos sakaniya ng asawa at tango lang ang itinugon niya rito, nag pahabol pa siya ng halik na ikinangiti lang ng kaniyang asawa, hanggang sa tuloyan na nga siyang tumalima sa utos nito.

Nang mai-ayos niya na ang kanilang mga gamit ay agad na rin siyang bumaba papunta nang kusina upang tulongan ang asawa sa paghain, nang makapagsimula na silang kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag ayang magpahinga na ang kanilang anak.

"Mommy, Daddy I want to sleep na po. Where's my room po?"

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now