CHAPTER 7:

88 3 1
                                    

CHAPTER 7:

"Lintik, Jane ! Pinakaba mo ko,"bulyaw niya sa kaibigan na tawang-tawa lang sa reaksyon niya.

" Grabe Bess! Haha. Ang epic ng mukha mo..."ani nito na hindi pa rin mapigilang matawa.

"Pagpatuloy mo 'yan,"inis na ani niya na rito, na siyang dahilan kung bakit pinipigilan na ng kaniyang kaibigan na humalagapak ng tawa.

"Bakit ba gan'on na lang ang reaksyon mo? Para kang ewan,"

"Baliw ka ba? Ikaw ba naman ang biglang hilain na lang at ipasok sa kotse. Palagay mo sinong matutuwa r'on at di magugulat? Tsk!"ani niya habang naparolyo na lamang ng mata.

Pero ang totoo niyan ay talagang ang kabang nararamdaman niya at gulat, ay dahilan na baka 'yong lalake ang humila sa kaniya, na hindi niya akalain na muli niyang makikita after ng ilang years na lumipas.

"Sorry na... Fini-flex ko lang naman 'tong kotse na ninakaw ko..."ani ng kaniyang kaibigan na sinamaan niya lang ng tingin. "Joke lang. Ikaw talaga, hindi ka talaga mabiro,"ani na lamang nito at sinimulan na ang pagmamaneho.

"Ano nga pa lang ginagawa mo rito?"tanong niya sa kaibigan.

"May kinita lang ako. At tamang-tama paglabas ko ay nakita kita. Kaya hinila na lang kita papasok sa kotse ko. Maganda ba?"

"Maganda sa loob ewan ko lang sa labas. Hindi ko nakita ng ayos dahil sa paghila mo."

"Ayos lang 'yan. Asan na ang inaanak ko?"tanong ni Jane sa kaibigan.

"Nasa bahay. Iniwan ko muna kay Lola, dahil may pinuntahan kami rito ni Lolo. Balak niya kong pagtrabahuin sa ibang kompanya. Para daw hindi ako makatanggap ng special treatment, kachuchuhan,"inis niyang sumbong sa kaibigan.

"Ayos na rin 'yan. Atleast mukhang may maiipon ka ring pera. Baka makatulong pa 'yan sainyo ng anak mo. H'wag mong gawing malas ang ganitong bagay. Maswerte ka pa rin. Malay mo ang Boss mo na ang nakalaan para sa'yo,"biro nito na siyang ikinatigil niya. Bigla niyang naalala ang lalake at ang ilang taon ng nakararaan na nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Tila nag-init ang kaniyang pisngi ng bumalik sa alaala niya ang eksena.

"Wuy! Bakit namumula ang pisngi mo?May pagnanasa ka ba sa magiging Boss mo?"tanong nito na may nakakalokong ngiti habang naka-tingin sa kaniyang mukha na tila hinuhuli ang reaksyon niya. Pero ibinaling niya lang ang tingin sa labas.

"Wala akong pagnanasa sa magiging Boss ko,"tugon niya rito.

"Bakit namumula ka kanina?"

"Wala 'yon. May naalala lang,"kaniya na lang ani at hindi na muling nagsalita. Na gan'on rin naman ang ginawa ni Jane.

Pinili niya na lang manahimik dahil baka kung ano pang kadaldalan ang simulan ng kaibigan at pati siya ay mapagdiskitahan...

Nang makarating sila ng mansion ay agad na siyang bumaba sa kotse nito at sumunod naman si Jane sa kaniya.

"Mama! Ta'Nang!"sigaw ng bata na siyang ikinalapad ng ngiti ni Mika at Jane.

Agad naman lumuhod si Mika para pantayan ang papasalubong na yakap ng anak. Pagkatapos nitong yumakap ay binalingan rin ng bata ang Tita'Ninang niyang si Jane.

"May pasalubong ako sa'yo, Baby Boy,"ani ni Jane na siyang
ikina-tuwa ng bata.

"Thank you po, Ta'Nang!"pasasalamat ng bata at hinalikan sa pisngi ang Ta'Nang nito.

"Yiieh! Sweet naman ng Baby Boy ni Ta'Nang..."ani ni Jane at hinalikan din sa pisngi ang bata. " Pa'no ba 'yan, Mika. Saka na lang ulit ako pupunta dito. Dumaan lang talaga ako dahil na miss ko na tong ina-anak ko. Mauna na'ko."

"Sure ka. Hindi ka ba muna papasok?"tanong niya sa kaibigan.

"Hindi na, kailangan ko ng umalis. Ba-bye,"paalam nito sa dalawa bago nagmamadaling nagtungo sa kotse nito at pinaandar na paalis.

Tanging pagkaway na lang ang ginawa ng mag-ina habang nakikitang papalayo na ang kotse ni Jane.

" Mommy, why didn't Ta'Nang even go inside?"tanong ng kaniyang anak.

"Because Ta'Nang has something to do important now. She will visit, if she has a free time. Don't worry I will tell to your Ta'Nang to visit here for you, My baby Boy,"paniniguro niya sa anak na ikina-ngiti naman ng bata.

"Yehey! I really miss Ta'Nang po kasi. Sayang hindi na tayo nakatira sa bahay niya,"ani nito na medyo mababakas ang pagka-lungkot sa tono ng boses nito.

"Why, Baby? Ayaw mo ba na andito na tayo sa Lola at Lolo mo?"tanong niya sa anak habang hawak ang pisngi nito.

"Gusto po. Pero sana andito po si Ta'Nang. Kasama na'tin dito po."

"Huwag ng malungkot ang Baby ni Mama. Promise ko sa'yo kukulitin ko Ta'Nang mo para bisitahin ka niya palagi rito sa bahay. So don't be sad na. Okay?"

"Okay po,"tugon nito.

"Patingin nga ng smile ng Baby Boy ko,"pagkasabing-pagkasabi niya n'on ay siya ng paglapad ng ngiti ng anak. Napa-ngiti na lamang rin siya dahil rito. Tumayo na siya ng ayos para magsimula ng maglakad papasok.

"Tapos ka na bang kumain, Anak?"she asked to her son.

"Yes po, Mommy. Lola Ganda, the person who fed me."

"Did you thank to your Lola Ganda?"

"Yes po."

"Very good naman pala ang Baby Boy ni Mama na 'yan"ani niya rito sabay gulo sa buhok ng anak. Ngunit imbis na mapangiti ang anak ay kusa na lang pumorma sa anak ang pagkabusangot sa mukha nito.

Natawa na lang siya sa naging reaction ng anak. Ayaw kasi talaga nito na ginugulo ang buhok nito, pero sadyang inaasar niya ang anak kaya niya ginawa 'yon.

Walang reklamo na lang ang anak sa ginawa ng kaniyang Ina. Hanggang nga sa makarating na sila sa loob.

"Apo ko,"agaw sa kaniyang atensyon ng kaniyang Abuela at agad siyang nilapitan upang halikan siya sa pisngi. "Asan ang iyong Abuelo?"tanong nito.

"Kausap pa po ang kaibigan niya. Iniwan ko na po sila d'on dahil medyo sumama po pakiramdam ko,"dahilan niya. Na siyang biglaang pagka-alala ng kaniyang Abuela para sa kaniya.

"Ayos ka na ba ngayon , Iha?"alalang tanong nito.

"Opo. Akyat lang po muna kami ng anak ko sa taas,"paalam niya sa kaniyang Abuela.

"Sige. Pahinga ka ng mabuti,"ani ng kaniyang Abuela, na tanging tango na lang ang kaniyang itinugon. Bago inaya ang anak na magtungo na sila ng kanilang kuwarto.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now