Chapter 10

8 2 0
                                    

Tiffany Cosette Lavigne

Almost one week na ang nakalipas nung nangyari ang party but still lahat ng sinabi ni Harold sa'kin hindi ko parin makalimutan. I don't know why but there's a part of me na naniniwala sa mga sinabi nya sa'kin. Naguguluhan ako and I wan't to figure things out kundi maloloka talaga ako.

Katulad nalang nung isang araw, I was on my way home since galing ako sa park na malapit sa village when I crossed paths with an old man siguro sya yung nangangalaga sa park na pinuntahan ko kasi papunta sya dun para maglinis, obvious naman sa mga dala nya. Then tatawid sana ako but then he stopped me...

"Bakit po?" I asked him politely.

"Ineng mag iingat ka sa pagtawid ha?" Weird, of course mag iingat ako ayaw ko pang mamatay noh.

"I will manong, thank you po sa paalala." I said then smiled at him.

"Alam mo ba na may batang nasagasaan 'dyan sampung taon na ang nakalilipas, nasaksihan ko 'yun mismo dahil isa ako sa mga taong nandito nung mangyari yun..." bigla akong kinabahan 'nun nung sinabi nya iyon... hindi ako nagsalita hinintay ko lang 'syang ituloy ang mga sasabihin nya.

"Matanda na ako pero hindi ibig sabihin 'nun makakalimutin na ako, hinding hindi ko makakalimutan 'yun dahil sa bawat panaginip ko gabi gabi 'yun ang napapanaginipan ko..." nakatigil kami sa tabi habang pinapakinggan ko yung kwento nya, bakit nga ba ako nag aaksaya ng oras makinig sa mga kwento nya?

"Naaalala nyo po ba kung ano ang pangalan nung nabangga?" I bravely asked him. I was curious kung sino iyon at hindi ko alam kung bakit. Ngumiti sya sa'kin ng malungkot.

"Isa sa mga anak ng dati kong amo, si Tiffany." Sabi nito. Biglang nanlaki ang mata ko, coincidence lang naman na magkapangalan kami diba? Sobarng lakas ng kabog ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga.

"Kung hindi nyo po mamasamain pero ano po ba ang family name ni Tiffany?" Sobrang occupied ang isip ko. Puro what-ifs ang pumupuno sa utak ko.

"Lavigne, mabait ang batang 'yun hindi ko lubos maisip na mangyayari sakanya 'yun. Batang bata pa sya nung umalis ako bilang hardinero sa mansyon nila." Nagsimulang mag init ang gilid ng mata ko ng mga panahon na 'yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumakbo ako palayo pagkatapos nyang sabihin 'yun.

Hanggang ngayon hindi ko maalis sa isip ko 'yun para akong nag sosolve ng isang puzzle, unti unti kong na re realize ang mga nangyayari. What if totoo yung sinabi ni Harold? What if ako nga yung batang 'yun?

Pero kasi malabo, kung ako nga 'yun dapat sana ay alam ko. Alam kong hindi 'yun itatago sa'kin nila mommy. Baka nagkamali lang talaga ng sabi si manong?

Pero kasi, Tiffany Lavigne malinaw na malinaw na sinabi ni manong, anong gagawin ko? Itanong ko kaya kila kuya?

*knock*knock*

Kumatok ako sa pinto kung nasaan sila kuya, ito yung game room sa bahay kung baga. Pagka katok ko pumasok ako at nakita ko silng naglalaro.

"Pwede bang itigil nyo muna 'yan?" Sabi ko sakanila, mukhang wala naman silang balak tumigil kaya nagpatuloy ako.

"Pwede nyo bang ikwento sakin ang mga nangyari ten years ago?" I asked them, bigla naman silang napatigil. Lumingon sila parehas sa'kin.

Bigla namang tumayo si kuya Lace,"May pupuntahan nga pala ako ngayon." He said tapos lumabas sya ignoring what I've asked them to tell me earlier.

Ibinaling ko kay kuya Carlo ang tingin ko,"Sorry princess, may mga aasikasuhin pa pala akong papers para sa upcoming proposal sa bagong product na ipoproduce ng company." Sabi nito at lumabas din, why are they ignoring what I've asked? Was I the only one who doesn't know a thing about what happened years before?

Loose StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon