Chapter 12

25 1 0
                                    


Samantha Michaella Yap

Nandito sila ngayon sa bahay ko well except for Tiffany and Harold, understood naman na MIA si Tiffany ngayon since kakakilala palang nya sa'min but for Harold? Nah, sanay na kaming MIA sya palagi.

"Hindi ba pupunta si Bee?" Tanong ni Marco sa'kin habang busy sa paglalaro. You read it right, 'Bee' ang tawang ni Marco kay Harold pang asar lang nya ganun. Ewan ko ba 'jan sa sobrang landi pati lalaki ayan nilalandi na din.

"Tigil tigilan mo nga 'yang kaka 'Bee' mo." Sabi ni Jayvin at hinampas si Marco gamit ang controller na hawak. Nag p-playstation kasi yung dalawa.

"Walang text yung Bee mo, MIA naman parati yun."

Nag indian sit ako sa tabi ni Yzo at Steph nasa gitna nila ako. Kumuha ako ng snacks na na dala nila.

"Si Gab?" Tanong ni Steph.

"Papunta na raw." Pagkasabi ko 'nun on cue na may biglang nagdoorbell tumayo ako para buksan 'yung pinto.

"Gab!"

"Aish, wag ka ngang sumigaw. Nasa harap lang ako o, wala ako sa kabilang bundok." Sabi nya sabay irap.

"Taray ah, meron ka?" Singit ni Marco habang nakasilip sa pinto, dala pa nya 'yung controller. Psh.

"Shut up, hindi nyo ba ako papapasukin?"

"Pa'no kung hindi? Papasok ka ba?" Singit ulit ni Marco. Binatukan ko nga tapos tinulak ko paalis sa pinto at pinapasok si Gab.

"Taray mo, meron ka?" Salubong na tanong ni Yzo kay Gab.

"Pati ba naman ikaw Yzo? Magsama kayo ni Marco, nakakaloka." Sabi nya at sumalampak din sa sahig. Inirapan lang sya ni Yzo.

"Itsura mo, mukha kang namatayan." Sabi ni Steph. Automatic naman napatingin kami sakanya. Tama nga si Steph, namamagang mata para din 'syang puyat.

"May nangyari ba?" Tanong ko. Natawa naman 'sya.

"Wala, nagbreak lang kami ni Renz." At natutuwa pa 'sya ha?

"Alam mo Gabriella Monic, sa lahat ng nakipagbreak ikaw lang ang natutuwa. Hindi ka manlang ba iiyak?" Takang tanong ni Marco sakanya. Diba naglalaro sila?

"Hoy! Yung saksak bunutin nyo! Tataas ang kuryente ko!" Sigaw ko sakanila. Aba naman hindi naman sila ang magbabayad e.

"Nabunot na, tsaka kailan ka pa naging concern sa bills mo?" Pangaasar sa'kin ni Marco.

"Shut up. Hindi ikaw ang nagbabayad, ako." Sabi ko at ibinaling ang atensyon ko kay Gab,"Oo nga, natutuwa ka pa?"

"Nakaiyak na ako kanina pati kagabi, tama na 'yung iyak na 'yun hindi 'sya kawalan para iyakan ko ng todo." Sabi nya. Sabay sabay naman kaming tumango sa sinabi nya.

"Hmmm, buti naman kung ga'non hindi sya worth it para iyakan kaya tama lang 'yan. Buti hindi ka nabaliw jan? Patay na patay ka pa naman dun." Sabi ni Steph sabay tawa.

"Marami pa'ng iba jan. I'm happy kasi I still have a chance to pick the best fish in the sea." Sagot nya kay Steph.

"May nakita akong kotse na umalis, nag pahatid ka sa driver mo?"

"Nah, si Lace yun." Matic na pagkasabi nya 'nun yung mga mukha namin parang mga ewan. Kasi nga diba? Hindi sila masyadong nagkasundo ni Lace nung unang meet-up nila tapos biglang ganito.

"MAGKASAMA KAYO?" Sigaw ni Steph.

"Aray naman Stephanie, katabi mo ako o?" Sabi ni Jayvin halatang nairita sa nakakabinging sigaw ni Steph.

Loose StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon