Chapter 9

10 1 0
                                    

Daelan Cedric Lavigne

"Lace, halika dito." Sabi ni dad. Lumapit ako, paglapit ko pansin ko na nandito ang business partners ni dad.

"Bakit po dad?" Tumingin naman ako sa kanila. "Hello po. Good evening!" Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Lace I want you to meet Mr. Sanchez and Mrs. Sanchez. Siya ang mga business partners ko and close friends na rin nung college pa ako."

"So bakit niyo po ako pinatawag?" Takang tanong ko sakanila seriously anong kinalaman ko dito?

"Anak, meet your future in-laws." Sabi ni dad, future in-laws?

"What do you mean by that dad?" Naguguluhan kong tanong.

"Lace, napagkasunduan namin na i-arrange ka at ang anak nila for marriage. We need to do this para mag merge ang company nila at company natin. It would be helpful for both companies kung magpapakasal kayo." nagulat ako sa sinabi ni dad. So, ang ibig sabihin ba nito nakatali na 'ko?

"Dad, pag usapan natin 'to. Tayong dalawa lang." Nag excuse si dad kila Mr. Sanchez at pumasok kami sa loob.

"What's this all about dad?!" I exclaimed.

"Look, Lace this is for your own good--" sa tingin mo ba mapapabuti ang matali ako sa babaeng hindi ko mahal?!

"For my own good? Or for the sake of the company? Dad naman, hindi pa ba sapat sainyo yung success na nakukuha ng company para ipakasal nyo ako?!" I shouted, alam kong hindi ko dapat sigawan si dad pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ako galit sakanya, galit ako sa ginagawa nya.

"Stop raising your voice Lace, I'm still your father!" He also shouted, nagulat ako. Hindi pa ako nasisigawan ni Dad kahit sa mga oras na pinapagalitan nya ako dahil sa mga kalokohan ko.

"Please Dad, don't do this thing. Parang inaalisan nyo na din ako ng karapatan na maging masaya." I told him, halos lumuhod na ako sa harap nya wag lang niyang ituloy ito.

"I'm sorry Lace, but it's already settled. I promised you, you will be happy with the woman you are going to marry." Masaya? Joke ba yun? Akala ko sa mga movies at lumang panahon lang nangyayari yun. 21st century na, uso pa pala yun? At ang masaklap pa biktima ako nito.

"Happy? Naririnig mo ba ang sarili mo dad? Do you even think that I'm going to be happy by just marrying someone I don't love? I don't even know her." Masaya bang matali sa babaeng hindi mo mahal? Hindi diba?

"Matututunan mo din syang mahalin, mabait sya at palangiti. Magugustuhan mo sya. Pipili ba ako ng babae na hindi mo tipo?" Sagot nya sa'kin.

"Bulls-hit dad, matututunang mahalin? Ayokong magaya sya sa mga babaeng naka-fling ko. Magiging pampalipas oras ko lang sya dad." I've dated so many f-ucking girls pero hindi ko mahanap sakanila yung kulang sa buhay ko. Ito pa kayang arranged lang sa'kin?

"Her name is Gabriella Monic Sanchez. Find her, nanjan lang sya sa party kasama mga kaibigan nya." Si dad yung tipo na hindi sya titigil hangga't di nya nakukuha ang gusto nya.

"I'll do everything 'wag nyo lang akong ipakasal sakanya."

"Wala kang magagawa Lace."

"Let's have a deal." I told him. Mukha naman 'syang nachallenge.

"Sure, what is it?"

"I'll let her choose between Yes or No, you already knew my tactics kapag ako ang nagpapili ng ganyan Dad." He just smiled at me.

"Trust me, fate is a little tricky. Don't be sure that everything's will be going on your way." He said. I balled my fist, I never thought that Dad would be like this.

Loose StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon