Chapter 24: Masakit

3K 53 4
                                    

Pag gising ni patrick nasa Ospital na siya at nasa tabi na nya ang kanyang papa Cardo pati si mark at ang kapatid nyang si patty.
"Pa nasaan po ako!?"tanong ni patrick na halatang hindi pa makakilos.
"nandito ka sa ospital dinala ka ng nakakita sayo nong na aksidente ka"
"kuya kamusta pakiramdam mo!?"si patty na halatang nag aalala sa kanyang kuya.
"ok na patty..wag kanang mag alala ha!?"
"rick buti gising kana papunta na dito si jenny"
"salamat mark"
"sa susunod kasi mag iingat kana"sabat ng kayang papa.
"hindi naman mangyayari yun kung hindi umulan,madulas kasi kaya ako sumimplang.
"tingnan mo to dinahilan pa ang ulan"
dalawang oras na ang lumipas tsaka lang dumating si jenny.pumasok siya agad sa kuwarto ni patrick.
"oh my god bhe anong nangyari sayo!?"
"wala to kunting gasgas lang"
"gasgas ka dyan eh naka seminto nga ang binti mo"
"wag kanang mag alala ok na ako bhe!!"
"ok ba yan tingnan mo nga!?"
"ano kaba!?relax ka lang bhe malayo sa bituka to"
"ang sabihin mo ang bilis mong mag patakbo!?"
"bhe...ok na ako...wag kanang mag alala.."
"ano ba nangyari!?"
Malakas ang ulan tapos yun nawalan ng control hangang sa sumimplang nalang ako"
"bhe next time mag iingat ka naman"
tumango tango lang si patrick.dahil sa linggo naman si jenny ang nag bantay nong gabing yun.lahat ng paraan ng pag aalaga ay ginawa nya,masaya si patrick dahil nasa tabi nya si jenny,kinalimutan muna ni jenny ang tungkol sa picture.lunis ng madaling araw nag paalam si jenny kay patrick para pumasok sa trabaho,pan samantala muna nyang iwan si patrick.Dahil may pasok na si jenny hindi siya makapunta kay patrick kaya tinatawagan nalang nya Ito palagi.Thursday ng gabi ng puntahan nya si patrick sa ospital,naabutan nya si mark sa labas ng kuwarto ni patrick.
"hi mark!!bakit nandito ka sa labas!?"
"ay jenny ikaw pala"
"oh parang nakakita ka ng multo!?"
"ha wa...wala..kala ko Saturday kapa ng gabi pupunta eh!?"
"hindi ko matiis si pat eh,bakit nandito ka sa labas!?sino tao sa loob!?"
"ha...kasi ano!?"
"anong kasi ano!?"
"wala!!punta muna tayo sa canteen"
"bakit pa eh may dala akung pagkain!!halikana sa loob"
"jenny kasi....ano!?"
"ano ba!?may nangyari ba kay patrick!?"
hindi na nakapag pigil si jenny pumasok na ito sa loob,hindi na siya naawat ni mark.pag pasok sa loob kasunod si mark nagulat siya sa nakita niya.
"anong ibig sabihin nito!?"
"jenny....!?jenny..mag papaliwanag ako"si patrick.
"hon sino siya!?" si rica
nakatingin lang si jenny at halos hindi naka galaw sa kinatatayuan nya,ang babae ma nakita nya sa picture ay kaharap nya ngayon at nakita pa nya na nakayakap kay patrick.biglang tumulo ang luha nya at halos hindi siya makapag salita ng mga sandaling yun.nang hawakan siya ni mark bigla siyang natauhan.
"jenny please mag papaliwanag ako"
"wala kanang dapat ipaliwanag patrick alam ko na,siya yung babae sa picture na nakita ko sa wallet mo..!?"
"hon sino ba siya!?"tanong ni rica
"ako lang naman ang girlfriend nya"
"ano bang pinag sasabi mong babae ka!!?ako ang girlfriend ni patrick at mag papakasalns kami"
"oh sige sayong sayo na siya at saksak mo sa baluktot mong dila Englisherang palaka!?"
Hindi na nakatiis si jenny,umalis nalang ito.pag labas nya ng pinto kasunod parin si mark.
"jenny..!?""
"isa kapa!!pari pariho kayung mang luluko"
hindi na nakakapag salita pa si mark.nag tuloy tuloy si jenny sa kotse nya at doon siya umiyak ng umiyak.
Samantala si mark hindi nya alam kung paano nya maayos ang glpriblemang yun.gusto nyang habulin si jenny ng mga sandaling yun pero hindi nya magawa.
"hon ipaliwanag mo nga kung ano tong mga nangyayari..at totoo ba ang mga sinabi ng babaeng yun!!?"
"Oo totoo girlfriend ko si jenny ano masaya kana!?"
"Bakit nagawa mo sakin to!?"
"sorry pero hindi ko sinasadyang mag mahal ng iba"
"kahit anong mangyari itutuloy parin natin ang kasal"Hindi na kumibo si patrick gulong gulo siya sa mga sandaling yun at alam nya na nasaktan nya si jenny ng husto.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang naospital si patrick.nasa bahay na ito at magaling na,nailalakad narin nya ang paa.pero ang mas iniisip nya mula nang nagkaharap si rica at jenny ay hindi na nag pakita sakanya ang dalaga,kahit tawag o text manlang.inaayos narin nila ang kasal kahit labag sa loob niya.sa isip nya
si rica lang naman ang may gusto at nag mamadali.
Samantala si jenny patuloy parin sa pag limot sa mga nangyari at alam nya na wala ng pag asa ang relasyon nila ni patrick,kahit sandali lang silang magka relasyon ay mahal na mahal nya ang binata,balita pati na ikakasal na ang dalawa.
Kapag naalala nya na iba na ang kasama ni patrick nasasaktan siya.si patrick ang first boyfriend,first kiss nya at first love nya.pero kahit ganun paman ay kailangan nyang magpaka tatag isiping wala na talaga sila ni patrick.
Hating gabi na natulog si jenny,na nood pa kadi siya ng DVD doon nalang nya binubuhos ang sakit na nararamdaman nya.kinabukasan maaga siyang nagising.nag handa para sa pag pasok uli ng trabaho,pag baba nya narinig nyang may kausap ang mommy nya sa sala dali dali itong bumaba ng hagdan,nang makita nya kung sino ang kausap ng mommy nya sumimangot ito.
"Mommy anong ginagawa ng lalaking yan dito"
"jenny mag usap tayo"
"mommy paalisin nyo yan dito ayaw kung makita ang pag mumukha nya"
"jenny please...hayan mo akung mag paliwanag"
"jenny kailangan nyo g mag usap"ang mommy ni jenny.
"pero mommy wala na kaming dapat pag usapan"
"mag usap kayo!!wag matigas ang ulo!!"
"pero mommy"
hindi na kumibo ang mommy nya iniwan sila sa sala.
"jenny please.."
"pwede ba papasok pa ako sa trabaho"
lumakad si jenny papuntang pinto pero hinwakan siya sa braso ni patrick at hinila sabay yakap kay jenny.
"jenny please hindi ko kaya na mawala ka!?"
tinulak ni jenny ang binata at sabay sampal sa pisngi nito.
"Niluko mo ko pat eh..sabi mo wala tayong lihiman.sasabihin natin kung ano yung problema!!ang sakit sakit eh..tiniis ko lang mula nong nakita ko yung picture na yun sa wallet mo,dahil umaasa ako na sasabihin mo yung tungkol doon,gusto ko sayo mismo mangling.tapos sasabihin mo na hindi mo kayang mawala ako"
"jenny sasabihin ko naman talaga!!?"
"kailan!?paano!?pero huli na pat...ito na tayo wala na tayong pag asa.ikakasal kana sakanya"
"hindi jenny hindi...ayaw ko siyang pakasalan,gusto ko ikaw ang ihaharap ko sa altar"
"paano siya pat!?minahal mo siya at kitang kita naman na mahal ka rin nya"
"jenny ikaw ang mahal ko"
"sinungaling... "
"jenny totoo lahat ng mga sinabi ko"
"lumayas kana!!"
"jenny....mahal kita. kahit lumuhod pa ako sa harap mo gagawin ko"
"please patrick umalis kana....aaaaliiiiisss...."
walang nagawa si patrick nang mga sandaling yun,umalis nalang siya.pina takbo ang kotse ng mabilis.si jenny naman ay umiiyak na napasandal sa sofa,lumapit ang mommy nya.
"jenny anak alam kung masakit,pero kailangan mong mag paka tatag,pag subok lang yan sa inyo ni patrick,nakita kung mahal ka nong tao at malalampasan nyo rin yan."
"mommy ang sakit sakit kasi,hindi ko akalaing ganto kasakit ang magmahal"
"alam mo anak pag nag mahal ka ihanda mo ang sarili mo kasi hindi puro saya o ligaya yung mararamdaman mo,may masakit din,matagal gumaling ang sugat sa puso,mas maganda nga yung nadadapa ka at nasusugat ang tuhod,mabilis gumaling wala na rin ang kirot pero nandoon ang piklat at pagdating ng panahon na malaki kana at makita mo ulit yung piklat maalala mo na nadapa ka.ngingiti ka nalang.kaya kapag hindi mo ginamot yang sugat dyan sa puso mo,wala nga yang piklat pero habang buhay mong dadalhin ang sakit"
"mommy...thank you po kasi nandito kayo"
iyak ng iyak si jenny ng mga sandaling yun.halos kalahating oras siyang naka upo at nag papa hupa ng sama ng loob.late na siya pumasako sa trabaho namumugto ang mga mata.sinalubong siya ni lovely.
"best anong nangyari sa mata mo!?"
"wala best puyat lang ako"
"anong puyat ka dyan!?adik kaba!?namumula mata mo at halatang umiyak ka"
"best please.."
"ano nga nangyari sayo!?"
"malalaman mo rin"
"talaga bang wala na kayo ni patrick!?"
"best ayaw ko munang pag usapan yun"
"ahh..ok sige..balik na ako sa table ko ha."
"mabutipanga."
Nag paka busy nalang si jenny para hindi nya maalala yung nangyari kaninang umaga.hindi nya parin maiiaalis na mahal na mahal nya si patrick.

KIDNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon