Chapter 7: Pag Harap sa katutuhanan

6.9K 104 2
                                    

Maagang gumising ang apat para sa pag alis nila papuntang tacloban.
biglang nag ring ang cellphone ni jenny,nang makita nyang ang tumatawag nanginig ito.
"patrick tumatawag si tita lucy!!"
"wag mo nalang sagutin"
pinatay ni jenny ang cellphone para hindi na ito makatawag.
nag bihis na sila at hinanda na ang mga gamit na dadalhin ni lovely. 7:30 na sila nakaalis ng bahay,habang nasa daan sila si lovely ang bumasag ng katahimikan.
"uy bakit ang tahimik nyo!?"
"iniisip ko lang si tita"
"bakit anong meron sa tita mo!?"
"parang siya yung mastermind sa pag kidnap sakin"
"anong pag kidnap!?hello tita mo yun ano kaba!?"
"totoo yun"si patrick"
"ano ba talaga nangyari sayo jen!?"
"nong time na nawala ako kinidnap ako ng tropa nila Patrick"
"ha!?ano!?paanong nangyari yun!?ang gulo nyo!!masisiraan ako sa inyo!?"
"ganto kasi yun kinidnap siya ng tropa naming baliw,at hindi namin alam na patay na patay siya kay jenny"si patrick ang nag kuwento.
"ako na mag kukuwento patrick"
"buti panga"
Habang nasa biyahi ang apat kinuwento ni jenny ang lahat kay lovely pati narin yung pag peyansa ng tita nya sa magkapatid.
"sigurado jenny na tita mo nga yung mastermind ng pag kidnap sayo"
"yun nanga anong dahilan bakit nya ginawa yun?"
"tanong ko lang totoo bang kapatid ng nanay mo yang tita mo!?"si lovely ang nag tanong.
"ang totoo kapatid ni mama si tita sa father,kasi nong namatay yung lola ko nag asawa ulit si lolo,17 years old palang si mommy nong namatay si lola"
"mabait ba tita mo!?"
"pag kasama ko siya ang bait naman nya,pero madalas silang mag away ni mommy"
"naku te mahirap yan dapat alamin mo sa mommy mo kung bakit sila nag aaway kasi pati ikaw nadadamay"
"siguro nga dapat kung kausapin si mommy"
"at dapat hinaharap mo yang problema na yan,kapag indi mo inasisakaso baka lalo pang lumala ang sitwasyon mo,hahayaan mo ba na nasa labas yung kumidnap sayo at hahayaan mo rin ba na manalo ang tita mo,ikaw ang may karapatang lumaban at harapin yung mga taong gumawa sayo nito"
Dahil sa sinabi ni lovely parang naisip nya na bakit siya mag tatago?bakit nya kailangang tumakas?alam nya na mananalo sya sa laban.
"pero kailangan muna nating mag isip kung ano ang dapat gawin"si patrick
"tama si lovely dapat nating harapin ang mga taong yan"si mark
"sige pupunta tayo sa laguna doon natin planuhin ang lahat"
"tatawagan ko sila tita carmen at tito mario para mapag planuhan natin kung ano ang dapat gawin total alam na natin kung sino ang puno at dulo nitong problemang ito"si mark na nabubuhayan na ng loob.
"sige punta muna tayo ng laguna,tatawagan ko si mommy at daddy sa facebook o skype para malaman nila kung ano yung mga nangyayari dito habang wala sila"
nag tuloy sila sa bahay nila patrick sa laguna.pag dating nila tumawag na si mark sa tita at tito nya para pumunta ng laguna at si patrick naman kinausap ang papa nya na kung pwedi ay doon muna sila jenny sa bahay nila,pumayag naman ang papa ni patrick.pina kilala ni patrick si jenny at si lovely sa papa nya.
"pa si jenny po at ang kaibigan nyang si lovely"
"magandang umaga po tito"si jenny
"magandang umaga rin sa inyo,tawagin nyo nalang akung tito Cardo"
"ah sige po"
"ikaw ba yung jenny!?"
"opo ako nga po yunn tito"
"naikuwento na kasi sakin ni patrick yung mga nangyari,total eh kasama ang anak ko sa problema na yan,tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya"
"salamat po tito"sagot ni jenny
"jen tawagan mo na ang mommy at daddy mo"si patrick
inabot ni patrick ang laptop kay jenny,agad naman nyang kinuha.binuksan nya ang facebook account.
"oh my god daming messages!!"
pag open nya.
"puro kay mommy at daddy,pati kay tita"
"anak umuwi kana na nag aalala na tita mo sayo,bakit kaba nag layas may problema kaba?
Christina Zalasar ang mommy ni jenny.
"jenny malapit na kaming umuwi dyan ng mga kapatid mo sa sunod na buwan,sabi ng tita lucy mo nag layas ka daw!!?umuwi kana kila tita mo,kung may problema ka sabihin sakin!?" si Jonathan Zalasar ang daddy ni jenny.
"ang kapal din mukha mong layasan ako,hindi mo ako matatakasan jenny kahit saan ka mag tago hahanapin kita" Lucy jean Cruz ang tita ni jenny.
Napa iyak si jenny sa nabasa nyang yun.agad nyan tinawagan ang daddy nya,mas malapit siya sa daddy nya kaysa sa mommoy nya.
"salamat nag ring din"
"hello jenny..."sa kabilang linya
"hello daddy..."
"jenny anak ano bang nangyayari sayo!,sabi ng tita mo lumayas ka daw!?bakit mo ginawa yun!?"
"daddy may dapat kayung malaman tungkol kay tita"
"anong kailangang malaman!?"
"nong time po na nawala ako,kinidnap po ako at muntik na akung ma rape at patayin ng mga kumidnap sakin,at si tita ang mastermind ng pangingidnap"
paanong nangyari yun!?"
naipakulong na po namin yung kumidnap sakin may mga tumulong po sakin.akala namin ok na po ang lahat kasi sinampahan na namin ng kaso,nagulat nalang po kami nang may nag peyansa sa mga kidnappers"
"sino ang nag peyansa sa mga kidnappers!?"
"si tita lucy po"
"ano!?sigurado kaba!?"
"opo sigurado po ako daddy,kaya po kailangan po kayung umuwi dito daddy!maawa naman po kayo sakin dad,hirap na hirap na ako at isa pa dad malaya na po yung mga kidnappers ngayon,siguradong hahanapin kami noon at papatayin.ikaw narin po mag sabi kay mommy"
"sige anak uuwi na kami dyan ngayong linggo na to,at mag hanap ka ng pwedi mong pagtaguan ng hindi alam ng tita lucy mo"
"opo daddy,wag nyo pong tatawagan si tita lucy kunwari hindi nyo pa alam ang nangyari"
"oo sige mas mabuti narin na hindi muna nya malaman na alam ko na ang mga ginawa nya,humanda siya pag uwi ko dyan,mai iingat ka anak at wag my ng pababayaan ang sarili mo,matatapos rin lahat ng problema anak.."
"ok dad salamat po"
umiiyak na si jenny nang matapos nilang mag usap ng daddy nya.
nagkalakas ng loob si jenny dahil sa daddy nya.
ayaw nyang tawagan ang mommy nya dahil siguradong papagalitan at hindi maniniwala sa mga sasabihan nya.
"jenny ano na plano natin"si patrick.
"kailangang makabalik tayo sa tarlac kung saan natin sila pina kulong"
"bakit naman"
para sabihing sa mga pulis na tita ko ang nag peyansa sa magkapatid"
"tama yun nalang gawin natin para hanapin ng mga pulis ang magkapatid"si patrick ulit ang nag salita.
"mas maganda kung antayin natin dito si tita carmen at tito mario,dilikado pag doon pa tayo nag stay sa bahay nila sa tarlac"si mark
"jenny kailan daw uuwi daddy mo!? si lovely.
"sabi ngayong linggong to"
"sa mommy mo!?"
"ayaw ko munang mag sabi sakanya"
"bakit!?dapat malaman din ng mommy mo!!"
"bahala na si daddy doon,para kasing walang pakialam si mommy sakin"
"baka busy lang talaga mommy mo"
"palagi naman eh"
hindi na muling nag salita si jenny.nakatingin nalang siya kay lovely.
"jenny anong iniisip mo!?"si patrick
"iniisip ko lang kung bakit ako nagkakaganito!?"
"malalampasan rin natin to lalo na ikaw"
"ay tika lang te ha labas muna kami ni mark bibili kami ng makakain"si lovely
"tika bakit ako!?"si mark
"halika kana!!sasamahan mo ako diba!?"
"ano!?ikaw nalang"
"sama ng ugali mo!!tara na hindi ko kaya alam tindahan dito"
"sige nanga"
At umalis narin ang dalawa.
"rick punta muna ako sa shop ha dyan muna kayo"si mang Recardo
"sige po pa"
"sige jenny maiwan muna kita dyan"
"sige po tito"
Naiwan ang dalawa sa sala.
"bakit mo nga pala ginagawa lahat nang to!?"si jenny
"dahil...dahil..tulad nga ng sinabi ko sayo may kapatid akung babae at nanay"
"hindi sapat na dahilan yun patrick"
"gusto ko lang makatulong sayo at ayaw kung mapahamak ka uli,isa pa naging tropa ko ang gumawa sayo ng hindi maganda at damay din kami sa kasong to!!"
"kung sa iba ba nangyari to tutulungan mo parin!?"
"oo naman,ayaw kung na may napapahamak lalo na kung babae"
"napaka bait mo naman"
"kasi hindi kami tinuruan ng mga magulang namin ng masama at pinalake kami sa tama at mabuti"
"salamat ha!?"
"saan!?"
"sa pag tulong mo sakin"
"tsaka kana mag pasalamat pag natapos na lahat ng to"
"tanong ko lang!?yung magkapatid ba naisama nyo na dito!?"
"oo nong birthday ko"
"alam nya pala dito!?baka pumunta yun dito lalo na ngayon na alam na ni tita na alam ko na kasabwat siya"
"bakit hindi ko naisip yun"
baka madamay ang papa at kapatid mo"
"subukan lang nila,baka ngayon lang ako makaka patay ng tao"
"kaya nga paano yan kung pumunta sila dito!?"
tamang dumating ang dawa galing sa tindahan,may dala ng meryenda.
"mark diba nag punta na dito yung magkspatid"
"oo nong birthday mo!!bakit?
"dilikado pala tayo dito?"
"gabi naman sila nag punta dito tapos hindi naman sila nag tagal diba?"
"kahit na,alam mo na utak noon?"
hindi na nag isip pa ang apat,magugulo nanaman ang utak nila pag pati yun iisipin pa nila.ilang oras na ang lumipas.nag iisip parin ng pweding gawin,hangang nakatulog si jenny sa sofa.pinabayaan nalang siya ng tatlo para mapanatag ang utak nito.
si patrick naman ay nag papatugtug sa cellphone nya,si mark at lovely ay nag kukuwentuhan.

KIDNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon