Chapter 10

295 13 0
                                    

Kathryn's POV

"Daniel ano ang ibig sabihin ni Daddy kanina at ganyan ang epekto sa'yo para kang... tanga" tinignan niya lang ako at ngumiti na naman siya na parang ewan, baliw bulong ko.

"Ano sabi mo Kath?"

"Ha?!? wala naman akong sinabi ah!" ngumisi lang siya sakin at unti-unting lumalapit ako naman umatras lang ng umatras hanggang sa wala na akong maaatrasan eh ang sikip kaya nasa loob kasi kami ng kotse, pauwi na.

"Dan--niel ano ba m--ma--mabubunggo tayo! Tumingin ka sa daan!" hininto niya sa tabi at ginawa na naman niya ang ginawa niya kanina.

"Ano sabi mo kanina? Baliw?" hindi ako umimik at nakatingin lang ako sa mata niya at bababa sa mapupula niyang lips.. sheyt sarap halikan "oo Kath baliw ako... baliw na baliw sa'yo" biglang bumilis ang tibok ng puso ko parang may nagkakarera sa loob. Tinulak ko ang mukha niya at umayos ng upo, pinaandar na niya ulit ang sasakyan.

Habang nasa daan parin naka tingin lang ako sa bintana iniisip yong sinabi niya kanina, hay Daniel huwag mo naman akong paasahin dahil sa bawat ginagawa at sinasabi mo sa akin hindi ko maikakaila na nahuhulog ako ng paulit-ulit sa'yo. Sinusubukan ko naman na itigil ko na ang pagmamahal ko sa'yo pero ang hirap, mahirap turuan ang puso na huwag kang mahalin at magmahal na lang ng iba. napakahirap.

"Kath?" nagising ako sa boses ni Daniel kaya napamulat ako at bumungad sa akin ang maamo niyang mukha ang sarap naman sa pakiramdam na gigising ka na ang una mong makikita ay mukha ng mahal mo.

"Mabuti naman at gising ka na, breakfast in bed.. and ah sorry but i need to go na Kath may aasikasuhin na naman ako sa opisina, bye " hinalikan niya ako sa noo at kinuha niya na ang coat niya sa couch at bag niya.

Ako nanaman mag-isa ano kaya ang magandang gawin ngayong araw? Tumunog naman ang phone ko kaya sinagot ko ito ng hindi tumitingin sa caller id eh sa kumakain pa ako eh.

"Huwag mong sayangin ang araw na ibinibigay ko sa'yo dahil kukunin ko na ang akin!" tinignan ko kung sino ito.

"Baliw ka talaga Barretto pinakaba mo ako don!" tumawa lang siya sa kabilang linya ang saya-saya niya, mabilaukan ka sana.

"Gumana naman alam ko kasi na di mo titignan kung sino ang tatawag dahil maaga pa at bilang ikaw tulog kapa siguro ngayong panahon o kumakain na" natatawa parin siya habang nagsasalita ang saya nga niya.

"Maubusan ka sana ng hininga kakatawa!"

"Ang harsh mo girl! Tumawag lang ako para yayain kang mag mall shopping tayo you know bonding."

"Okay kita tayo sa rockwell 1pm" binaba ko na ang tawag at maghahanda pa ako.

I'm wearing my usual get up, fitting na floral crop top, black shorts and sneakers with a beanie then i just did a messy bun cause I like messy, it looks hot but it doesn't matter cause I'm always hot.

"Parang walang asawa ah at kung makadamit parang dati lang! Hi chix" sabay kindat ni barretto "ew Julia don't be such an eeewwyy don't tell me badang ka na? HAHAHA"

"Excuse me sa ganda kong to?" Bumalik na siya sa dati mabuti naman.

Before I forgot, that's Julia Barretto my bestfriend and pakners in crime together with Chienna Filomeno yah secretary ni Daniel and Julia Montes na busy sa work.

Pagkauwi ko sa bahay nagluto lang ako ng ulam para kay Daniel, naligo at humiga na sa kama. I feel exhausted pano ba naman kasi pinasok namin lahat ng stalls sa mall at hindi kami lumalabas ng walang bit-bit, nabilhan ko nga rin si Daniel, pagkakita ko kasi nito siya agad ang naisip ko.

Dahil sa pagod di ko namalayan na nakatulog na pala ako naalimpungatan lang ako dahil sa may humalik sa noo ko pero di ko na ininda at natulog lang.

Napanaginipan ko ng gabing iyon inaya raw ako ni Daniel lumabas at pumunta kami sa dalampasigan at naglakad lang doon, it feel so real na sana nga totoo iyon. Sana.

Hanggang pangarap na lang ba?

-------------------------------------------
Oh maging katotohanan na!

Lame. super duper lame.
nilalait ang sariling story. HAHAH

ComVo please! desperadang author humihingi ng comment and vote from you! Please please please... pretty please.

Next Update later or tomorrow hihi.

xoxo bishes~

The LegateeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon