Chapter 12

323 12 1
                                    

Magkaka-alaman na ba? Hihi
Read the note below thank you!

****
(Play the music- Broken Angel by Boyce Avenue)

Kathryn's POV

Nandito ako sa condo ko ngayon ayoko munang umuwi sa bahay dahil sigurado akong nandoon si Daniel. Bakit ba nagkakaganito ako eh yon lang naman ang sinabi niya ah di naman niya sinabi na mahal niya ako, pero kung maka react ako napaka oa.

Eh sa sawang-sawa na ako umasa eh, nasasaktan ako araw-araw tuwing nakikita ko siya at may ginagawang mga bagay na nagpapakilig sa akin. Parang kinain ko lang rin ang mga sinabi ko noong isang araw na hindi ako susuko na aasa parin ako hanggang sa huli na mahal niya rin ako base sa ipinapakita niya. Na handa akong magpakatanga para sa kanya, pero anong nangyari hindi ko rin nagawa dahil nakakapagod rin pala ang umasa ng walang kasiguraduhan.

"Kathryn.." napalingon ako sa nagsalita.

"Chienna, salamat at dumating ka. Chie di ko na alam ang gagawin ko asa lang ako ng asa dahil akala ko may patutunguhan to pero parang wala naman parang umaasa lang ako sa wala, wala naman siyang pake sa akin eh. Napaka big deal na sa akin kanina yong sinabi niya sa akin para sa akin pinapa-asa niya naman ako."

"Bakit Kath sinabi ba niya sa'yo na hindi ka niya mahal? Hindi naman di ba? Baka naman mahal ka rin niya pero pinangunahan mo na siya."

"Yan na nga Chie eh baka lang walang kasiguraduhan." Iyak lang ako ng iyak wala na bang tigil ito?

"Kath huwag ka munang sumuko dahil alam kong may nararamdaman din siya sa'yo. Ikaw lang yang nag-iisip ng ganyan at umaabot pa sa punto na sinasabi mo sa sarili mo na itigil mo na ang pagmamahal para sa kanya. Hindi pa naman huli ang lahat Kath, wala pa siyang sinabi sa'yo na hindi ka niya mahal. Maniwala ka may patutunguhan yang asa mo ng asa. Basta huwag mong kalimutan nandito lang ako para sa iyo"

Narealize ko ang sinabi niya may punto rin ang sinasabi niya hanggat sa walang sinasabi si Daniel na hindi niya ako mahal aasa ako.

Daniel's POV

Kanina magtatapat na sana ako kay Kath na mahal ko siya pero natakot ako, natakot ako na baka hindi niya ako mahal.

Nagtataka rin ako kung bakit ganon ang inasal niya kanina at kung ano-ano ang mga sinasabi niya na tama na raw at huwag ko na siyang paasahin. Ano ba ang ang ibig niyang sabihin?

Tumutunog ang phone ko, tumatawag si Alex.

"Paaarreee!!" sigaw ko sa telepono medyo may tama na.

"Daniel lasing ka ba?"

"Henddee noohh, anuu baa yeenngg mgaa seneseebee moo"

"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!"

"Naassaa Detrop akooo"
Bastos! binabaan ako ng telepono, humanda siya sa akin mamaya.

Tipsy lang naman ako, kaya ko pa noh!

"Daniel! Ano ba ang nangyayari sa'yo"

"Kasi naman pare di pa nga ako nagtatapat basted na agad, sakit bro. tagos dito oh" sabay turo ko sa dibdib ko.

Napakalaking epekto talaga sa akin nong nangyari kanina, ganon ko kamahal si Kath.

Alex's POV

Dinadamayan ko si Daniel ngayon, Alam kong masama ang pinag dadaanan niya ngayon. Kailangan niya ng kaibigan para mailabas niya ang sakit na nasa dibdib niya.

Inom lang siya ng inom, hinayaan ko na lang iba talaga ang ginagawa ng pag-ibig. Natigilan ako sa sinabi niya lasing na'to. Iba siya sa Daniel na kilala ko na matapang ang CEO at heir ng Padilla Companies ito ngayon nagpapakalasing dahil sa pag-ibig.

"Mahirap din ang magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao kung sa simula pa lang tumitibok na ang puso mo para sa kanya. Hindi madaling turuan ang puso na iba na lang ang mamahalin." nakatitig lang siya sa baso na hawak niya. Hindi na muna ako nagsalita at pinapakinggan lang siya.

"Nagiging tanga ka dahil sa pag-ibig. Handa mong tanggapin ang lahat ng sakit para sa taong minamahal mo kahit pa durog na durog na ang puso mo handa ka paring magsakripisyo at maging tanga ulit...
Bakit kaya kapag nagmahal ka nasasaktan ka rin? " tumingin siya sa akin at parang sinasabi na sagutin ko ang tanong niya.

"Dahil nga para na iyang package deal kahit anong gawin mo darating rin ang panahon na masasaktan ka, sinusubok lang niyan kung hanggang saan ka aabot at kung kailan ka bibitaw." uminom na naman siya ulit bago nagsalita.

"Paano naman kung palagi ka na lang nasasaktan hindi ka parin ba bibitaw?"

"Darating sa punto na handa ka ng bumitaw pero maisip mo lang siya handa ka namang magpakatanga at kakapit ka parin, dahil sa umaasa ka at dahil mahal mo siya." tumatango lang siya sa sinabi ko.

"Kaya pala ito ang ginagawa ko ngayon kumakapit parin dahil sa umaasa ako at dahil mahal ko si Kath, pero parang ayaw niya ring makinig sa akin."

"Huwag kang tumigil bro alam ko noon pa mahal na mahal mo si Kath at noon pa nasasaktan ka na pero binabalewala mo lang. Noon pang mga panahon na mga bata pa tayo."

Nginitian niya lang ako at tumayo na siya, hindi pa siya nakakalayo may sinabi ako ulit sa kanya.

"Don't hurt her bro, she's our angel. Do everything so that our broken angel would be happy again." I smiled at him at naglakad na siya palayo.

Daniel's POV

Nawala ang kalasingan ko ewan ko pero bigla lang nawala.

Pupuntahan ko ngayon si Kath sa condo niya napag-alaman ko na na sa condo siya dahil nagtext sa akin si Chienna.

Ng nakarating ako sa condo niya kumatok ako at pinagbuksan ako ni Chienna ng pinto.

"Nasa kwarto siya" tinanguan ko siya at naglakad na papunta sa kwarto, mabuti at hindi naka lock pag pasok ko nakita ko siyang naka upo sa kama na nakaharap sa bintana.

"Kath.."

-----------------
--------------------------------
The end is near guyyss, please comment and vote huhu sige naa pleasseee.

I'll be publishing another story pagkatapos nito KN parin sana suportaan niyo din. Kahit konti lang ang nagbabasa nito I'm still thankful dahil may nagbabasa parin hihi.

ComVo please!

xoxo~

bishes :*

The LegateeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon