Challenge # 9

114K 3.7K 484
                                    

"Putang ina kasi, pare! Sinabi nang pahiram ng dragon! Natalo ako! Sayang ang loots!"

Natawa ako habang inaayos ko ang mga gamit ni Azul. Si Axel John kasi ay galit na galit kay Ido dahil nga hindi daw sya pinahiram ng dragon nito sa nilalaro niyang game. Axel John was so preoccupied while playing wih his Ipad, sobrang focus niya na noong dumating ako kanina at tinanong ko sa kanya si Azul ay hindi niya alam na nakalabas pala ng ospital ang kaibigan niya. Ang akala daw niya ay tulog pa si Azul kaya hindi siya naliligalig sa kinauupuan niya. Hindinko rin naman maitanong masyado sa kanya kung may ideya siya kung saan ito pupunta, basta alm kong babalik si Azul. Ngayon rin kasi ang paglabas niya ng ospital.

May kaunting kalungkutan sa aking puso habang inaayos ko ang mga gamit na iuuwi niya. Tandang-tanda ko kasi ang huling usapan namin at kung paano iyon nagtapos. Seryoso siya sa sinabi niya na kailangan ko siyang layuan dahil masama siyang tao. Hindi ko maintidihan ang bagay na iyon. Akala ko ay magkaibigan na kami. One moment, he was opening up to me and we're friends and then the next moment we're more than strangers. Hindi ko talaga maintindihan. I just sighed. Itinupi ko nang maayos ng kumot na ginamit niya habang nasa ospital siya. Kahit yata bawalan ko ang sarili ko na 'wag siyang isipin ay hindi ko naman magawa. Bakit ba kasi mahirap para sa akin ang lubayan siya?

Kagabi ay napuyat ako dahil sa kakalista ng mga pros and cons ng pagkakakakilala ko sa kanya. Inalala ko ang unang beses na nakita ko siya. Binaril niya ang lalaking nang-hostage sa akin. He practically saved my life that time so mabuti ang kabanatang iyon sa buhay namin pero, iyong pangalawang beses ay hindi ko masasabing masaya para sa parte ko. He kidnapped me and I saw how brutal he can be. Alam kong kaya niyang pumatay ng tao at kailangan kong matakot sa kanya but as I got to know him, nalaman ko na hindi naman siya dapat katakutan. Azul is a odd person, he is very loving to his friends and I admire him for that. Hindi man niya pinakikita ang kabutihan ng loob niya, alam kong busilak ang kanyang puso.

Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinabi niya sa akin ang mga bagay na iyon. I wanna be friends with him. I wanna be involved in his life.

"Alam mo, Leira, masarap kang magluto. Bakit hindi ka magtayo ng restaurant?" Nagulat pa ako nang magsalita si King David sa likuran ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala siya. Tumingin ako ngunit nabigo ko dahil wala pa rin si Azul sa loob ng silid na iyo. Pinlit ko na laman ngumiti at ibinalik ang atensyon ko sa pagliligpit ng gamit ni Azul.

"Salamat. Si Mama lang ang nagsasabi sna magaling akong magluto, hindi ako naniniwala pero dahil sa'yo nanggaling, sige maniniwala na ako."

"Kaya nga..." King David sat on the chair next to me. Hindi talaga ako komportable sa presensya niya. Sa lahat sa kanila, sa kanya ako pinakanatatakot, hindi ko maipaliwanag kung bakit pero ayoko sa kanya. "Dahil marunong kang magluto, alam mo kung anong mga bagay sa pagkain, diba? Tulad ng sinigang, masarap iyon sa patis na may sili, ang puto sa dinuguan, ang chopsuey sa pritong isda... parang si... Simoun Paul at si Arruba. Sila ang bagay at hindi kayo..."

Napakunot ang noo ko. Wala sa loob na inirapan ko si King David. Hindi ko ubos maisip kung bakit niya nasabi sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bagay na iyon. Iniisip niya ba na gusto ko si Azul at isa akong banta sa kung anumang meron kina Arru at Azul?

Manhid kasi ako. Nito ko lang naman talaga naisip na may something sa kanilang dalawa. Noong araw na ipagsigawan ni Arruba sa mundo ang pagkatao ni Simoun ay noon ko lang naisip na malaki ang pagmamahal ni Arruba sa kanya. Kaya pala ganoon na lang ang tingin nila sa isa't isa. Mahal nila ang isa't isa at hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasama. Lalong hindi ko naisip na dahil sa akin kaya hindi sila magkasama.

"A-anong ibig mong sabihin?" Puno talaga ako ng pagtataka. Napansin ko na pati si Axel John ay nakatingin na sa amin. Interesado na rin siya sa pinag-uusapan namin. Sino ba naman ang hindi magiging interesado? Nakatitig sa akin si King David.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon