Maaga akong gumising nang araw na iyon para maghanap ng trabaho. Ayaw sana ni Papa na magtrabaho pa ako. Gusto niya muna na magpahinga ako because according to him, I've been working my ass off for a very long time now and I needed a break.
Kaya lang, hindi naman ako mapakali sa bahay. Gusto kong magtrabaho. Naiinip kasi ako sa bahay. Maghapon lang ako sa bahay, lahat na yata ng palabas sa tv ay napanood ko. Madalang na din akong maligo sa ngayon dahil tamad na tamad.
Kagabi, gumawa ako ng panibago kong schedule para bumalik sa dati ang buhay ko at nakukuha ko naman ang gusto kong resulta mula sa schedule na iyon. Balik na naman ako sa dati. Bilang at kalkulado ang kilos at galaw. Dahil sa schedule ko, I know that I am in the right track.
Isang linggo na ng nakalipas mula nang puntahan ako ng demonyitong si Simoun Paul at mula noon ay hindi na siya nagparamdam o nagpakita man lang. Ayos lang naman sa akin iyon pero kapag natatahimik ako ay naaalala ko siya at nakakaramdam ako ng disappointment dahil hindi na siya nagpakita sa akin.
Gusto ko si Simoun pero ayoko ng komplikasyon. Ayokong manakit ng ibang tao. Siguro, nakilala ko si Simoun para ipaalala sa akin ang buhay sa labas ng schedule ko pero hanggang doon na lang kaming dalawa. Siya ay para kay Arruba at sana ay maging masaya sila.
"Pa, aalis na ako!" Matapos kong kumain ay nagpaalam na akong aalis. Ni-check ko muna lahat ng papel na dadalhin ko para sa pag-a-apply just to make sure na wala akong nakalimutan. Naglakad ako patungo sa kanto at doon ay nag-abang ako ng jeep. Hindi naman nagtagal ay nakasakay na ako.
Sa listahan ko ay nilagyan ko ng ekis ang lahat ng kompanyang may koneksyon sa Consunji at Vejar. Hindi ako papasok sa kompanya na iyon. Ayoko nang makatrabaho ang mga taong masasama ang ugali tulad ni Hera Vejar. Nakakadismaya ang ugali ng babaeng iyon.
Huminto ang jeep sa business central ng Metro. Doon ako bumaba at inisa-isa ang mga offices doon. I was always enthusiastic and efficient. Ipinakikita ko na ready to learn ako. I am eager to do everything for work.
Inabot ako ng tanghali sa pag-iikot doon. Nang kumalam ang sikmura ko ay saka ko lang naisip kumain at habang nakaupo ako sa loob ng isang fast food restaurant ay namataan ko si Arruba na nakatayo sa labas habang nakangiti sa akin. She waved at me. Wala akong nagawa kundi ang kumaway habang ngumunguya ng french fries. Kumabog ang dibdib ko nang makita kong pumasok siya sa loob. Hindi nagtagal ay nakaupo na siya sa harapan ko. Tulad ng dati ay may nakahanda siyang ngiti para sa akin. Hindi naman ako kumibo. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Bakit niya ako pinuntahan? Hindi ba halata na iniiwasan ko sila?
In a span of time na nakasama ko sila, alam kong mababait sila, pero hindi ko kasi makalimutan ang ginawa sa akin ni King David at Axel John. Why would they do that to me? Oo nga at gusto ko si Simoun Paul, pero anong pakialam nila doon? It's still my feeling, it's my life. Anong kiber nila?
"Kamusta ka na? I haven't seen you in a while." Mahinahon ang boses niya pero habang nakatingin naman ako sa kanya ay walang humpay ang salitang plastic sa isipan ko. I don't want to hate her, but I now do.
"Busy lang ako sa buhay ko." Tinapos ko agad ang aking pagkain kahit may ten minutes pang nakalaan doon. "See you, Arruba. Kailangan ko na kasing umalis."
Binilisan ko ang lakad ko at agad na lumayo doon. Nakasimangot ako. Naaalala ko ang mukha ni King David at ni Axel John habang kinakausap nila ako sa ospital. Ngayon ko lang naisip na ginawa nila iyon para kay Arruba. Si Arruba kasi ang nag-iisang babae sa grupo nila. Maybe they want to make her happy - isang bagay na masaya sana kung hindi naman ako ang nasaktan.
Inis ako sa kanilang dalawa dahil una pa lang ay pinatay na nila ang paniniwala ko sa forever. I smirked at that thought.
Sa panahon ngayon, ulol na lang ang naniniwalang may forever.
BINABASA MO ANG
Simoun: The Aggressive Man Challenge
Fiksi UmumSimoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kanyang pagkatao. And he knew that thing is right in front of his face -- but he always choose to ignore it - but as his life goes on, would he...