"Hindi ko ma-contact si Mariella. Kailangan niyang malaman ang nangyari kay KD."
Naulinigan ko si Axel John na nagsasalita sa labas ng silid ni Leira sa ospital. Naiingayan ako kaya tumayo ako para isara ang pintuan ng silid ng asawa ko. Tulog na tulog si Leira. Bakas sa mukha niya ang takot, ang hirap at sakit. I wish to take all the bad feelings she has in her heart. I want her to be the happy Leira I met back then. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Inilagay ko iyon malapit sa aking noo at saka lumuha. I have never been so scared in my life. Losing her means losing my own sanity – just like what happened to Arruba – sadly, that was the result of her love. I never intended for it to happen. Hindi ko rin naman gusto na masaktan si King David.
"Azul..."
Napatuwid ako nang pagkakaupo nang marinig ko si Judas. Hindi ko na namalayan na nakapasok na siya sa silid ni Leira. Nasa Batanes pa rin kami at dinala namin si David at Leira sa isang maliit na ospital doon. Naoperahan na si David at naghihintay na lang kami ng chopper para ilipat siya at si Leira sa isang malaking ospital sa siyudad.
"Jude..." Walang sabi-sabing yumakap siya sa akin. Judas didn't speak, he didn't even cry. Ako pa ang mas naiiyak para sa kanya. I know how hard it is to lose someone and right now, Jude is on the verge of losing his only sister.
"I'm sorry, Simoun." Judas finally spoke. Tinapik ko ang likod niya. "I –n-never...." Judas paused as if he was controlling his emotions. "I'm just so sorry." Lumayo siya sa akin. Nilapitan niya si Leira at hinaplos sa noo. I spoke to him.
"The doctors said she's okay..." I whispered. Judas slowly turned his head on me. Nakangiwi ako. "She just needs to rest until she fully recovers. I'm sorry, Judas." Huminga ako nang napakalalim. "Anong plano mo?"
"Dadalhin ko si Arruba sa L.A. Gising na si KD at ipinaliwanag niya sa akin na kaya niya gustong kunin si Ate ay para dalhin sa isang mental institute sa L.A. He said that Arruba needs professional help and that's exactly what I am going to give her. Hindi ko hahayaang mawala ang Ate ko. Literal siyang baliw sa pag-ibig sa'yo... Pero hindi kita sinisisi, Simoun. Ginawa mo ang dapat. Hindi rin ako galit kay King David, sinubukan naman niya, now, everything is on my hands."
Wala akong masabi. Tinapik ko na lang ang balikat ni Judas at sabay kaming nagbuntong hininga. Bigla ay bumalik sa isipan ko ang sinabi niyang gising na si David. Tumingin ako sa kanya at ibinilin ang asawa ko. Umalis ako saglit para puntahan si King David sa silid niya. Nang marating ko ang lugar na iyon ay natagpuan ko si Ido na sinusubuan ng grapes si King David habang si Axel John ay pinupunasan ang pisngi nito.
I just stared at them. Si Ido na nakangiti habang pinagsasabihan si KD. Larawan sila ng magkakapatid na pinangangaralan ang bunso. I cleared my throat. Lumingon silang lahat. Sumeryoso naman ang mukha ni King David nang makita ako. Mabuti at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala sa likuran niya. Kanina habang itinatakbo namin siya sa ospital ay sinabihan ko siyang 'wag matutulog. Wala naman siyang ginawa kundi ang ngumawa at manghingi ng tawad sa akin at kay Leira. Isama pa ang pangalan ni Judas.
"Iwan ninyo muna kami." Utos ko sa dalawa. Tumayo naman agad si Axel John. Si Ido ay tiningnan lang ako. Inilahad niya sa harapan ko ang palad niya.
"Baril." Tila ba inuutusan niya ako. Ngumiwi ako at binunot ang baril sa likuran ko at inilagay iyon sa palad ni Ido. "Masunurin talaga. Pa—kiss nga!"
"Gago!" Nayamot ako. Tinulak ko si Ido na tatawa-tawang lumabas ng kwarto. Matagal akong tumitig sa pintuan bago ko hinarap si King David na tahimik lamang. Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kanina.
Sorry, Kuya.
He seldom calls me his big brother but I am his big brother at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya ngayon. Galit ako sa kanya kanina but now, all I wanted was to ask him why and then just embrace him. Nilapitan ko siya. Nakita kong napalunok siya, wala pa man din akong sinasabi ay humagulgol na naman ang bata. Napailing ako. Para bang inagawan siya ng kendi talaga.
BINABASA MO ANG
Simoun: The Aggressive Man Challenge
General FictionSimoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kanyang pagkatao. And he knew that thing is right in front of his face -- but he always choose to ignore it - but as his life goes on, would he...