Challenge # 27

111K 4.3K 1.1K
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Matagal mo na palang alam!"

"Pa, kumalma ka. 'Wag mong sigawan si Ate."

Hindi matigil ang luha ko. Nasa bahay kami noon at si Papa ay galit na galit sa akin. Nakayuko lang ako at hindi ko malaman kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na kaya hindi ko sinabi kahit na alam ko at masakit sa akin ay dahil ayokong masaktan si Azul. Tama na siguro noon iyong lalayo ako at iiwasan siya. Tama na siguro na umalis kami sa buhay ng isa't-isa at kalimutan ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung maiintindihan ako ni Papa. Basta ang tanging dahilan ko lang ay dahil ayokong masaktan pa si Azul at ang pamilya ko. Sasaluhin ko na ang lahat basta hindi lang malaman ni Papa ang tungkol dito - but then he already knew and I am in so much mess.

"Bakit, Leira!?"

"Sorry, Pa." Napahagulgol ako. "Sorry." Sa galit ni Papa ay hinampas niya ang mesa sa harapan namin. Nagulat ako.

"Alam mo kung gaano kasakit para sa akin ang ginawa niya sa Tiyo mo! Dapat ay sinabi mo para matagal na siyang nakulong!" Hindi ko alam kung anong lumukob sa aking pagkatao at tumayo ako pra sagutin si Papa.

"Hindi niya iyon sinadya! Hindi naman siya masamang tao! Oo nga at pinatay niya si Tito pero sa tingin ninyo po ba ay ginusto niya iyon? He only reacted in the situation he was in and I'm sure that he never wanted to hurt our family!"

Sinampal ako ni Papa. Napasinghap si Mama at pumagitna sa aming dalawa. Niyakap ni Mama si Papa pero hindi niya rin napigil ito.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Leira?" He asked me. "Sinasabi mo sa akin na hindi niya sinasadya?! Pinatay niya ang kapatid ko! Pinatay! Tapos sasabihin mo sa akin na hindi niya sinadya? Pinatay pero hindi sinadya?! Nasaan ang utak mo? Masamang tao si Azul!"

"Oo! Pero mahal ko siya!" I cracked. Natigilan ang lahat. Humahagulgol na ako. Nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ako makahinga dahil sa luha at sa sama ng loob. Bakit ba hindi ko mapigilan ang pagmamahal ko para kay Azul. Siya ang maling tao. Isang tao na dapat hindi ko nakilala at ang taong dapat pala ay hindi ko minahal ngunit nakasulat kami sa palad ng isa't isa kaya siguro kahit na anong iwas ko sa kanya ay nahahanap niya pa rin ako.

"I know how ridiculous it sounds but I love him. Itinago ko sa inyo dahil ayokong may gawin kayong hakbang. Tanga na kung tanga pero naisip ko noon na kung aalis na lang ako sa buhay niya at lalayo sa kanya. Itatago ko ang sarili ko - mahal niya ako - naisip kong tama na ang parusang iyon para magsisisi siya sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na isusuko niya ang sarili niya, Papa." I sobbed hard. I bit my lower lip. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ni Papa. Binigo ko siya.

Noong namatay si Tiyo ay ako ang kakampi niyang naghahanap ng hustisya para kay Tiyo pero ngayon - sinubukan ko naman - alam ng Diyos na sinubukan ko namang ibalik sa paghahanap ng hustisya kay Tiyo ang atensyon ko pero hindi ko talaga maalis sa puso ko ang pagmamahal ko kay Azul.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo, Leira. Hindi kita pinalaking ganyan! Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa ng Tiyo mo para sa'yo?!"

"Alam ko! Pero alam ko rin na hindi ipagkakait ni Tiyo sa akin ang kaligayahan ko!"

"Putang ina, Leira dahil sa ginagawa mo lalong mabubulok sa kulungan ang lalaking iyan!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Pa! 'Wag mong ipakulong ang asawa ko."

Muli na namang natigilan ang lahat. Umiyak na si Mama. Papa looked back at me. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na kasal na kami at kahit kailan hindi ko binalak sabihin sa kanila sa ganitong paraan. Mas gusto ko iyong walang komplikasyon, iyong masaya lang. Ayoko nang ganito na lahat kami ay emosyonal at galit ang nararamdaman. Papa shook his head.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon