Chapter 80: Empty Territory

1.5K 75 1
                                    

Chapter 80: Empty Territory

GANOON na lamang ako literal na napanganga. Naitapon ko pa ang cranberry na hawak ko nang mapagtanto kung saang teritoryo ako patungo. Napabangon ako mula sa pagkakaupo at aligagang nag-isip ng paraan upang tumakas. Taranta akong luminga-linga sa loob ng sasakyan, at wala akong makitang paraan upang tumakas. Nang lingunin ko si Ernest ay prente lamang itong nakaupo, animo'y walang problema at hinihintay na lamang kaming tuluyang makarating.

Mas lalo akong nangamba nang tuluyan nang pumasok ang limousine sa gate ng mansiyon. Nakita ko ang paglawak ng ngisi ni Ernest, wari ba'y natutuwa sa reaksyon ko.

"A-anong ibig sabihin nito?" Taranta kong tanong habang sumisilip mula sa bintana. Papalapit na kami ng papalapit sa mansiyon, at bawat madaanan namin ay talaga namang kaaya-aya at halata mong hindi pinababayaan. Gayunpaman, kahit na gaano pa kaganda ang lugar na 'to ay hindi ako pwedeng maging kampante.

Nasa lugar ako ng mga Lumier! Nasa teritoryo ako ni Gleeson! Ibig sabihin lamang nito'y nasa panganib na naman ako, at wala akong kakampi sa lugar na ito!

The Lumier Royal wants to take the Dauntless Royals down. And frustration is starting to eat me out! Ayokong maging gawing pain ng mga Lumier upang mapabagsak ang mga Dauntless. Hindi ko sinasabing kaya nilang mapabagsak ang mga Dauntless, at lalong hindi ko sinasabing may pakialam sa akin ang mga maharlikang bampira na iyon. Ngunit ayoko nang maging pabigat kay Intrepid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya, ngunit ayoko nang maging dahilan ng ikakapahamak niya.

"Ano'ng ibig sabihin nito!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw, dahil doon ay napalingon sa akin si Ernest

Hindi parin nawawala ang ngisi nito, "Ang bilis namang nawalan ng epekto ang pulbos sa'yo."

Hysterical akong napaupo at muling napalingon sa teritoryong pinapasok namin, "Please! Ibalik mo na ako! W-wala kayong mapapala sa akin!"

Hindi nagsalita si Ernest, pinanuod niya lamang akong mahibang at mataranta.

Nagsimula nang mamuo ang aking mga luha. Mukhang naaalis na nga ang epekto niyong pulbos dahil pumapasok na sa akin ang iba't-ibang emosyon. Takot, pangamba, nerbyos, lahat ng masasamang pakiramdam ay pumapasok na sa katawan ko.

"This isn't my idea, I'm just following his orders."

Naikuyom ko ang mga kamao ko, "Gleeson Lumier's orders? Fuck you all!" Inipon ko na ang lahat ng aking lakas ng loob, "Ibalik mo ako!" Marahas kong saad at sinugod si Ernest.

Ngunit talagang isang hamak na mortal lamang ako at siya naman ay bampira, dahil sa isang iglap lamang ay nakakulong na ako sa mga bisig ni Ernest.

Tuluyan na akong naiyak, "Parang-awa mo na, pakiusap! Huwag mo akong ibibigay kay Gleeson!"

"Why? Because your master will be mad?"

Nangunot ang noo ko habang pilit na kumakalas sa kaniya, "W-what?!"

"Who's your master by the way?" Aniya at inilapit ang bibig sa tainga ko, mabilis naman akong nanghina nang gawin niya iyon, "Is it the Royal Dauntless, or the Royal Ferdinand?"

Frustrated akong umiwas sa kaniya, "W-wala!"

Nagsitayuan ang lahat ng buhok ko sa katawan nang dilaan ni Ernest ang likod ng aking tainga dahilan upang manghina ako nang tuluyan. Kakaibang kiliti ang hatid niyon, nag-iinit ako, at pakiramdam ko'y babagsak na ako anumang segundo sa halo-halong nararamdaman.

"Well then, you'll be having a master from now on." Bulong niya atsaka ako walang hirap na kinarga. Wala na akong lakas na lumaban, hindi ko alam kung anong ginawa niya ngunit wala na akong magawa at wala na nga akong nagawa nang huminto ang limousine at lumabas si Ernest habang karga ako papasok sa mansion.

Fallen ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon