Chapter 23: Another Royal

3.2K 183 0
                                    

TWENTY THREE: Another Royal

PINANUOD ko lamang ang pagtingala niya, at ganoon na lamang ako kalakas na napasigaw nang tumalon siya ng walang pasabi. I just found myself screaming in fear when he jumped off the great walls with me hugging him tight while him gripping my waist hard.

"Hayop ka!" Sigaw ko sa kalagitnaan ng kaniyang pagtalon. Inidiin ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil sa takot, mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit ko sa kaniyang leeg. Wala na akong pakialam kung gaano kami o kadikit, ang gusto ko lamang ay humawak ng mahigpit dahil natatakot akong mahulog.

Hindi ko na naiwasang magmura, "You're not going to make it!"

Sa oras na iyon ay gusto kong manakal. Ayos lang naman sa aking gawin niya iyon, ang sa akin lang ay dapat nagsabi siya, kula na lamang ay atakihin ako sa puso habang nasa ere.

Ilang segundo ang aking hinintay bago ko tuluyang naramdaman ang aming pagbagsak. Mariin ang pagkakapikit ng aking mga mata, sobrang diin. Takot na takot ang dumilat dahil pakiramdam ko'y anumang oras ay mahuhulog ako at mamamatay.

Bakit kailangan ko pang maranasan 'to?

"Open your eyes, we are fine." bulong ni Intrepid.

Pakiramdam ko'y binisita na naman ako ng mga espiritu sa paligid dahil ganoon na lamang kabilis na nagsitaasan ang mga buhok ko sa katawan nang malumanay siyang nagsalita sa aking harapan.
Marahan akong dumilat. Hindi ko naitago ang aking pagkamangha nang mapagtantong nasa tuktok na kami ng pader, hindi nga ako nagkamali nang isipin kong napakalaki at napakalawak niyon. Nagmukha talaga kaming langgam sa lugar na iyon.

Ganoon na lamang literal na bumilis ang aking paghinga nang mapagtanto kung gaano kami kalapit. Kaunting-kaunti na lamang ay masasakop niya na ang maaari niyang masakop sa akin, at nang oras na bumagsak sa kaniya ang aking paningin ay tila gusto nang kumawala ng aking puso sa aking dibdib. Bakit ba ganito siya kaaya-aya, at bakit walang katulad niya sa aking mundo? Paano ako makakahanap ng katulad niya sa aking mundo? At bakit ako naghahanap ng katulad niya?

Nahihibang na nga siguro ako.

Mabilis akong nag-iwas ng paningin at niluwagan ang aking pagkakahawak sa kaniya upang lumayo. Binitiwan na ako ni Intrepid at mabilis pa sa alas kwatro akong lumayo sa kaniya upang humigop ng sapat na hangin. Hindi ko maiwasang kapusin ng hininga kapag malapit siya, natatakot akong ang presensya niya ang maging dahilan sa paghinto ng aking hininga. Huwag naman sana.

Pakiramdam ko'y namumula na naman ako, kung hindi ako lalayo ng ilang metro ay baka marinig niya ang pagdagundong ng aking puso. Hindi nga siya maganda sa aking kalusugan, kailangan ko nang umiwas sa bampirang 'to.

Tumakbo ako sa gilid ng pader upang tingnan ang dalawang bampirang naiwan sa baba. Sa nakikita ko ay nagtatalo pa sila. Mukhang balak na lamang kargahin ni Darius si Bree, hindi nga lang iyon madali kay Bree dahil suot na ni Darius ang kwintas. Ako ngang mahina ang pang-amoy ay nanghina sa kwintas na iyon, paano pa si Bree na bampira?

"Your majesty, you can go now, we will follow as fast as we can!"

Dumagundong ang malakas na tinig ni Darius sa ibaba. Mukhang mabilis na kausap si Intrepid dahil humakbang na ito papalayo. Nagdalawang isip pa ako kung susunod o hintayin na lamang si Bree, ngunit sa huli'y nagdesisyon akong sumunod dahil baka may umatake na naman sa aking bampira roon.

Sumunod lamang ako sa kaniyang likuran. Nakakahiya mang tingnan ngunit literal na napapabuka ang aking bibig sa pagkamangha at gulat. Napakaganda ng likod na bahagi ng teritoryo ng mga Dauntless, paano pa nga sa harapan? Siguro'y isa na itong paraiso. Hindi lang ito mansion sa aking paningin dahil sa malaking pader pa lamang ay nagmukha na itong Kastilyo. May mga tore pa ang nasabing mansion, hindi nga ito mansion sapagkat isa itong kastilyo.

Binilisan ko ang aking pagkahakbang upang masundan ang maharlikang bampira. Kung saan tumungo si Intrepid at doon rin ako, maingat lamang ako sa aking kilos. Isa parin akong mortal at walang karapatan sa kanilang mundo lalo na sa kanilang Kastilyo.

Nasa likod na bahagi na kami ng Kastilyo, ginto at kayumanggi ang kulay ng mga pader. Hindi ko talaga maiwasang mapahanga lalo na sa mga estatwang nakabida sa bawat sulok ng Kastilyo. Bawat kanto ay may estatwa na animo'y bantay roon, may mga nakatayo ring metal na estatwa ng mga mandirigmang manikin. Sa likod pa lamang iyong bahagi, paano pa kaya kung nasa kaloob-looban o kaya naman ay nasa harapan na?

Kinabahan ako nang biglang huminto si Intrepid. Nangunot ang aking noo dahil luminga-linga ito sa paligid. At mas nadoble pa ang aking kaba nang ilang segundo lamang ay may biglang humablot sa akin. Masyado iyong mabilis, hindi ko nakita kung paano siyang gumalaw at paanong nasa leeg ko na ang kaniyang mga labi.

Naghuramentado ako at mabilis na nanlaban ngunit isang hila lamang ng aking mga kamay ay mabilis akong napipi, inilagay ng bampirang iyon ang aking kamay sa magkabilang gilid upang libreng magawa ang kaniyang gusto. Napapikit ako ng mariin, lumikha pa ng tunog ang lakas ng aking paghinga. Sobra-sobrang kaba ang aking nararamdaman dahil sa gulat, hindi matatawaran ang sindak na noon ko lamang nararamdaman. At talagang nilalamon na nga ako ng takot.

"Sweet," bulong nito atsaka inilapit ang kaniyang bibig sa aking leeg.

Namuo ang luha sa aking mga mata at muling naghanap ng lakas upang itulak ang kung sinumang umagaw sa akin sa likuran ni Intrepid. Malakas na malakas ang pagkalabog ng aking dibdib, wala si Bree upang protektahan ako, at hindi ko alam kung papakialaman ba ako ni Intrepid dito.

"A mortal," bulong nito sa aking tainga.

Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan. Kaunti na lamang ay hihimatayin na ako sa kaba. Ganoon na lamang nanlaki ang aking mga mata dahil nakakita na naman ako ng kaantas ni Intrepid.

"Nice scent..." bulong pa nito, dahil doon ay mas lalong nanubig ang aking mga mata.

Napapikit ako ng mariin. Si Intrepid lang talaga ang ayaw sa amoy ko, karamihan sa mga bampira ay namamangha sa natural kong amoy.

Napasinghap ako nang muli kong maramdaman ang maiinit niyang labi sa aking leeg. Dumiin ang aking pagkakadagan sa pader at tuluyang tumulo ang aking mga luha. Dumiin pang lalo ang pagkakapikit ng aking mga mata nang maramdaman ang matutulis niyang ngipin sa aking leeg. Napakainit niyon, sobrang init.

Kaunti na lang sana'y bibigay na ako at babagsak ngunit isang tinig ang nagpahinto sa nilalang na may hawak sakin.

"Back off, Stalwart, get your filthy hands off her!"

Madiin at malamig ang paraan ng pagsalita ni Intrepid, maging ako'y nakaramdam ng takot.

"Anyone who takes a bite will die in my hands, I swear..."

Tuluyan na nga akong nanghina sa mga sinabi ni Intrepid. Mabilis akong inalalayan at sinalo ng may hawak sa akin na dinig ko'y Stalwart ang pangalan. Mahina ang aking katawan ngunit malinaw sa aking paningin kung paano ngumisi iyong Stalwart sa madilim na aura ni Intrepid.

"I see," said Stalwart, "It's been a long time, cousin."

Tila nayanig ang aking sistema. Hindi ko alam kung swerte ba ito o malas. I just met another Dauntless again!

"It's been a long time, Stalwart." Bati ni Intrepid sa nakakaimbyerna niyang pinsan.

Kaunti na lamang talaga ay hihimatayin na ako sa takot. Sadya bang ganoon ang nagagawa ng kanilang presensya at kilos? Nakakapanghina, sobrang nakakapanghina.

"Welcome back, Intrepid..."

Tila huminto ang aking mundo nang mapagtantong hindi basta-basta ang lugar na tinatapakan ko. We are finally here, in the big, big, big, Dauntless' mansion that seemed to be a castle.

"I see, you marked her..."


-

Fallen ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon