ARCADE
Halos paliparin ko na ang sasakyan, makauwi lang ako kaagad. Galit ang nangingibabaw sa buong sistema ko, nagngingitngit ang kalooban ko. Paano niya nagawa 'yon sa akin? Bakit? Ano bang kulang? O di kaya ay sumobra ba ako? Hindi ko magawang umiyak, sayang lang ang luha. Hindi dapat iniiyakan ang mga manloloko. Punyeta, sa ganda kong 'to? Am I not good enough?
Pagdating ko ng bahay, walang ilaw. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng alak sa ref. Nakita ko sa lamesa ang sulat ng nanay ko. Nagpunta raw ito ng San Manuel at hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Maigi na rin na wala siya ngayon dito dahil alam kong puputaktehin lang niya ako ng mga tanong kung bakit hindi ko kasama umuwi si Luna.
Hanggang ngayon, paulit-ulit na sumasagi sa utak ko ang nakita ko kanina sa hospital. Akala ko pa naman siya na talaga ang mapapangasawa ko, mali ako. Okay na sana eh. Too good to be true pala talaga.
"Ano meron? Nainom ka?" nag-angat ako ng tingin, hindi ko napansin na dumating pala si Kuya. "Independence Day kasi ng buhay ko ngayon, Kuya." wala sa sariling sagot ko sa kanya bago binuksan ang isang bote at inialok ko sa kanya at agad naman nitong kinuha saka lumagok na rin kaagad. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya, sa harap ko kasi ito umupo.
"Napaano ang mukha mo?" takang tumingin lang siya sakin. "Bakit? Ano bang meron sa mukha ko bukod sa kagwapuhan?" nakangisi niyang sabi kaya agad kong pinitik ang kanang cheekbone niya na siyang ikina-ngiwi nito, ako naman ngayon ang nakangisi sa kanya. Parang ngayon lang niya napagtanto na may pasa siya.
"Ah, wala. May gago kasi sa kanto, eh. Napagtripan ako." sagot nito pero halata namang meron itong itinatago. Nagkibit-balikat nalang ako bago tumungga ulit ng alak. May hinugot siya sa bulsa bago ito hinagis sa akin na nasalo ko naman. Medicine bottle.
"Vitamins mo, baka ubos na 'yong last na binigay ko eh. Tandaan mo, Ark. Twice a day dapat ang pag-inom mo niyan. 'Wag na 'wag mong kakaligtaan." bilin pa nito sakin. Tinitigan ko lang ang hawak ko bago tumingin ulit sa kanya. "Saan mo kinukuha 'to Kuya?" tanong ko na naman. I remember that he started giving me the same vitamins three years ago, I think that was a month after I came back here from San Manuel.
"From my boss, it's not yet available here in the Philippines kaya wala kang mahahanap na ganyan. Pricey 'yan Arcade, 'wag mong sayangin." tumango lang ako. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan at kung anong trabaho ng kapatid ko. Sa tuwing tatanungin ko, umiiwas siya. Ang totoo niyan, ayaw ko rin naman na makalimutan ang pag-inom ng vitamins na binibigay ni Kuya. Ang gaan kasi sa pakiramdam kapag tini-take ko ang pills na 'to. Idagdag mo na rin na himalang nawala ang insomnia ko dahil dito. It's like magic!
"Whatever your problem is, I know that it will be fix in no time Arcade. Don't think too much." seryosong sabi nito bago siya nagpaalam at umakyat na sa sariling kwarto.
---
Nagising akong may humahaplos sa pisngi ko pero hindi ako agad nagmulat ng mata. Rinig na rinig ko ang bawat hikbi nito habang paulit-ulit na bumubulong ng sorry, para bang takot na takot na marinig ko. "Get your fucking filthy hands off me." madiin na sabi ko at naramdaman kong parang nabato naman siya sa narinig kaya ako na mismo ang nagtanggal ng kamay nito sa akin bago bumangon mula sa kama.
BINABASA MO ANG
Flirty and Thirty
RomanceIlang taon na akong ganito, nabubuhay na parang may kulang sa pagkatao ko. Kulang ako dahil ang puso ko, ninakaw ng isang istrangherang nagpabago ng buhay ko. Tumititig nalang ako sa kawalan, tulala. Huminga ng malalim, ibinuga sa hangin ang pangung...