Chapter 8

232 17 0
                                    

ARCADE


Okay naman ang naging birthday celebration ko, naghanda si Mama at kasalanan ni Rocky ang lahat. Hindi talaga siya nakinig sa akin na 'wag ipagsabi sa nanay kong uuwi ako. Pero nakatikim ako ng pabirong pingot dahil sa regalo ko sa kanya, masyado raw mahal at isa pa, hindi naman daw kailangan. Present ang pamilya Cuevas sa munting salu-salo namin, si Luna lang ang wala, kinausap pa ako ng magulang niya at sila ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kanilang anak sa akin. Nanghihinayang nga lang sila dahil malabo na raw na maging manugang nila ako.


Maayos naman ang takbo ng mga sumunod na araw, pinili kong maging productive. Ayokong magkaroon ako ng bakanteng oras, hangga't maaari nga ay sobrang pagod akong darating sa bahay para after ng night routine eh matutulog nalang ako. Tipong wala na akong lakas lalo na ang utak ko para mag-isip pa ng kung anu-ano.


There are times that Rocky catches me dumbfounded and I don't pay attention to her even she's killing me with her stares. She even scanned my phone assuming that she'll find something that serves as a clue why I'm acting this way. I trust Rocky, but I'm afraid of what her reaction will be when I finally say what bothers me.


"I swear Arkie, babasagin ko talaga si Sweppy kapag hindi ka pa nagsalita." Yeah, Rocky named my ride Sweppy. Ang corny niya. "Tell me where have you been for two months first." bawi ko naman, hindi parin kasi niya sinasabi kung saan. May mga times pa minsan na mawawala siya sa kalagitnaan ng araw tapos hindi na naman namin alam kung kailan ang balik.


I'm just staring at my laptop even though I had finish my work already because I know that I'll be more annoyed if I give her a glance. "Is it because of my sister?" I heard her say before sitting beside me. "No, Rocky." I answered sparingly. "Eh, bakit ka ganyan? Parang araw-araw nagpupunta ka sa lamay sa hitsura mo." palatak niya sabay agaw ng laptop sa akin at in-off ito.


I feel like she's about to lose patience with me, and that's the plan for her to stop. "Eh, kung hindi si Ate ang dahilan ng pagka-broken mo simula noong birthday mo hanggang ngayon, sino?" she even stomped her feet while saying that, tss. Typical Rocky. But wait--- broken? Me?


Tumagilid pa ito ng upo para humarap sa akin. "Paalala ko lang bessy, ha? After nang 17th birthday mo, ganitong-ganito ka rin. As in, broken na broken. Kaloka ka, si Ate naging jowa mo pero noong naghiwalay kayo hindi ka naman ganyan, more on galit ka lang. Hindi tulad na naman ngayon na parang araw-araw mong nililibing ang puso mong hindi tinanggap ng kung sino." hindi ko pinansin ang sinabi niya.


"Mukha ba talaga akong broken?" kasi hindi naman eh, may iniisip lang ako. "Oo, tanga!  Ganyang hitsura yung mga wala pa mang ginagawa eh binasted na kaagad. Gets mo?" nakakalokong ngisi pa ang binigay niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso.


"Nananakit ka na, ha. Ibig sabihin totoo." natatawa pa niyang sabi. "Arkie, sabihin mo na kasi. Nag-aalala na si Kuya igop sayo." igop?


"Sinong igop?" tanong ko. "Myghad! Tingnan mo na nangyayari kapag broken ka, nagiging slow ka na! Igop bessy, pogi. Pogi yun. Sakit mo sa ulo." hinila ko naman ang ilang hibla ng buhok niya sa inis. Bwisit. Tawa lang siya nang tawa at lalo pa niya akong iniinis talaga.


"Pati kaya si Tita nag-aalala na kasi you always shut them out, silang dalawa ni Kuya igop kapag gusto nilang makipag-usap sa'yo." nakonsensya naman ako sa narinig. "Tell me na kasi, bessy. Parang 'di mo naman ako bestfriend." nagtatampo pa kunwaring sabi niya.

Flirty and ThirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon