ARCADE
"Tangina, Arcade! Sigurado ka bang sa'yo talaga 'to?" Namimilog ang matang tanong ni Rocky. Sinama ko kasi rito sa El Pueblo de Adinerado, silang dalawa ni Riley na himalang nagpakita sa amin kanina. So, I decided to come here with them to explain everything. Riley didn't seem surprised at what she saw when she got out of her own car.
"Sabi mo sa'kin kanina, bahay! Eh, mansion 'to eh!" Rocky complains but she immediately pulled me inside. Well, it's a seven-bedroom three-story Mediterranian Mansion with elevator and courtyard. Talagang mala-five-star hotel pa ang mga ameneties nito. Gusto kong matawa sa hitsura ni Rocky sa totoo lang pero ganyan na ganyan din naman ang naging reaksyon ko nang puntahan namin ito nila Mama at Kuya noong unang pagkakataon. Iniikot ko sila sa buong mansion, tahimik lang na sumusunod si Riley habang walang humpay naman ang kadaldalan nitong isa.
"Kanino galing 'tong mansion, bessy? At ano ba ang ginawa mo noong past life mo at binigyan ka talaga ng ganito ngayon?" tanong ni Rocky pagkabalik namin sa living area.
"Baka may kamag-anak silang influencial family." si Riley ang sumagot pero tinaasan lang siya ng kilay ni Rocky. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila.
"Hindi ko kilala ang nagbigay ng Mansion na 'to. Basta pagtuntong ko ng eighteen may abogado na nagpunta sa bahay tapos ang sabi niya may nagregalo sa akin ng Mansion dito sa El Pueblo. Hindi lang ito, mamahaling sasakyan din. Sa pagkakatanda ko, Audi R8 'yon tapos every year iba't-ibang brands na ang binibigay. "Eh, nasaan na ang mga 'yon?" usisa pa ni Rocky. "Binenta ko." wala lang na sagot ko, totoo naman kasi.
"Ba't mo naman binenta?! Kaurat ka naman, bessy! Dapat binigay mo nalang sa amin nitong si Riley." nakanguso pa siya niyan bago niya inilingkis ang braso niya sa katabi. "Hindi ko naman kailangan ng mamahaling mga bagay Rocky. Saka hindi ko deserve ang mga 'yon, pinagbabantaan kasi akong guguluhin daw nila si Mama at Kuya kapag hindi ko tinanggap ang mga binibigay ng mga taong 'di ko kilala."
"Ang yaman-yaman mo na pala pero nuknukan ka naman ng kuripot, naalala ko nung nag-aaral palang tayo--- ultimo limang-piso sinisingil mo pa sa akin kapag nangungutang ako." tinawanan lang namin siya at ginulo pa ni Riley ang buhok niya. "Lahat ng pinagbentahan ng mga 'yon binibigay ko sa iba't-ibang charity, sa mga nangangailangan talaga. Ayokong magpakasasa sa mga maluluhong bagay na hindi ko naman pinaghirapan." alam kong naiintindihan nila ang ibig kong sabihin kaya nga naging magkakaibigan kami, sadyang may isang mukhang pera lang talaga.
"How about the Sweptail and this Mansion?" tanong ni Riley. "I'll keep it." simpleng sagot ko nalang.
Pinapanood ko lang silang magkulitan-- panay kasi ang halik ni Rocky kay Riley sa pisngi. Sa aming tatlo, pinakatahimik talaga si Salvidar. Hirap na hirap akong basahin siya, para bang may tinatago siya tungkol sa pagkatao niya. Nagtataka nga ako ngayon dahil hindi niya kami pinapahirapan ni Rocky sa gym o kaya naman ay dinadala sa shooting range. Hindi namin siya nakakasama nang matagal kaya talagang sinusulit namin ang bawat pagkakataon. Kahit na hindi siya masayadong nagsasalita at parang inoobserbahan niya kami palagi, ayos lang. Pero gusto ko talagang malaman kung paano at bakit siya naging ganito. Noong mga bata kasi kami, halos parehas sila ng personality nitong si Rocky. Kaya takang-taka kami noong unang beses niya kaming dinalaw after nilang umalis ng pamilya nila dahil nag-iba talaga siya.
BINABASA MO ANG
Flirty and Thirty
RomanceIlang taon na akong ganito, nabubuhay na parang may kulang sa pagkatao ko. Kulang ako dahil ang puso ko, ninakaw ng isang istrangherang nagpabago ng buhay ko. Tumititig nalang ako sa kawalan, tulala. Huminga ng malalim, ibinuga sa hangin ang pangung...