Chapter 7

242 14 0
                                    

ARCADE


Magi-isang oras na yata akong naga-assist ng mga customer dito sa shop. Proud na proud pa ako sa sarili ko dahil lahat ng customer na inaasikaso ko, bumibili talaga. Ang sarap lang sa pakiramdam. Pinipigilan pa ako ni Shanaiah kanina pero matigas din ang ulo ko gaya niya kaya hindi ako nagpatalo, wala rin naman kasi siyang choice dahil lalong dumadami ang pumapasok sa shop. Understaff daw sila ngayong araw at ang akala nila ay makakaya nila ang lahat ng trabaho ngayong araw pero nagulat nalang din sila sa biglaang dagsa ng tao, idagdag mo pang monday palang ngayon.


"Hi, gorgeous! May I know what are you looking for so I could help you?" pabiro ko pa itong kinindatan. "Hmmm. Let me think first." sabi nito at kunwaring nag-iisip pa. She's cute, feeling ko teenager palang 'to eh.


"I'm looking for a cutie who's stunningly  beautiful and handsome at the same time. She has oval-shaped face with thick eyebrows, sharp nose and luscious lips. And what I really like about her is her blue eyes." napangisi naman ako sa sinabi niya. Did she just described me?


"Too bad, that stunningly beautiful and handsome cutie is not for sale." sagot ko naman sa kanya nang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "And she already have her eyes on someone." dugtong ko pa bago hinanap ng mata ko si Shanaiah na saktong tumingin din sa'kin at kumaway pang nakangiti kaya kinawayan ko naman pabalik.


"In love people really looks stupid." rinig kong sabi nito kaya agad ko siyang sinaway. "Hey, watch your mouth kid." tumawa lang siya. "I'm just stating a fact, cutie." ano raw? Sinong in love? Ako?


"Ilang taon kana? Fifteen?" tanong ko at tumango naman siya. Wow, ang bata niyang bolera. "I'm looking for modest swimsuit, by the way." sakto namang nasa tapat na rin kami ng swimswear section kaya agad ko na siyang inasikaso.


"Here's Pineto Abstract-Print Off-the-Shoulder bikini top plus, the belted high waist bottom." sabi ko habang hawak sa harap ko yung swimsuit, na papasa talagang pang-conservative. "And I think the S size would fit perfectly on you."  dagdag ko at kinindatan ko pa siya ulit. "Fine, I'll take that one." sagot naman nito. ako na nagtulak ng shopping cart niya at talagang in-assist ko siya hanggang matapos siyang mamili ng mga gusto niya.


"Thanks, Cutie!" masayang turan nito habang ako naman ay bitbit ko ang mga shopping bags niya at iniabot sa bodyguard niyang naghihintay dito lang sa tapat ng shop. Ano pa bang aasahan ko? Eh, ginto ang presyo ng mga damit sa shop kaya mga mahaharlika lang talaga ang madalas bumili dito. "You're welcome, kid. See you when I see you." Nagulat pa ako nang bigla itong lumambitin sa leeg ko para yakapin ako, hinaplos ko lang ang likod niya saka rinig kong bumulong ito sa akin. "Always guard your heart, Cutie." She's really something actually, parang matanda siya kung magsalita. Habang namimili kasi siya ay dinadaldalan niya ako. Gusto raw niyang makakilala ng version ko na kaedad lang niya at pagtuntong niya ng eighteen ay pakakasalan daw niya kaagad. Baliw din eh.


"Wow, it looks like you will beat our salesperson of the year if you're working here." hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Shanaiah. "And I want to give you a round of applause for assisting that kid, I think she likes you?" takang napatingin naman ako sa kanya. "Iwas na iwas ang karamihan ng staffs namin sa kanya because she's really mean daw and hobby niyang magpaiyak. But today, para siyang nakakita ng anghel." napa-oh! lang ako sa narinig bago siya sinundan sa may counter kung saan ako nagbayad kanina.

Flirty and ThirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon