Chapter 1: "Hindi ko yan kilala"

24 5 0
                                    

Distinct chattering in the cafe...

May nagtatawanan, nagbabasa, nagtratrabahong mga staff ng café at may nag lalaptop different kinds of people that have different life stories.


"Sir Raze"

"Hello sir Raze"

"Earth to sir Raze!"


I get a hold of myself.


"Yes? Ano yon tapos mo na bang sagutan?" Tanong ko habang nakatingin sa worksheet.

"Kanina pa po, pake check po kung tama ginawa ko" She giggled.

"Okay tama lahat just remember the formula madali lang yan" I smiled.

"Thank you po sir Raze" She smiled.


"So that's it for today, I'll see you again kung kailan vacant mong schedule, just message me okay?" Tumayo na ako dahil may susunod pa akong lakad ngayong araw.

"Okay po, thank you" Tumayo na siya at lumabas ng cafe.


Tiningnan ko phone ko kung anong oras na at mabuti nalang maagang natapos ang session namin ngayon. Next stop is working as a valet sa isang 7-star hotel at hanggang 9PM ang shift ko. Hindi naman masyadong mahirap ang trabaho ko I'll just drive cars ng mga guest na mabait, masungit, mayabang, wala sa mood, businessmen/businesswomen, at lalo na mga celebrity, kasi nga I've told you 7-star hotel to, the fact na isang daan (100) ang nag apply at walo (8) lang kaming natanggap and now nakasakay na ako ng taxi papunta don.


HABANG NAGPAPALIT AKO NG uniform sa room ng mga staff ay biglang tumunog phone ko at nakita ko sa caller ID ay si ate.


"Raziel hi asan ka ngayon? Nasa trabaho ka ba?" Nilagay ko sa yung phone sa balikat habang inaayos ang manggas ng long-sleeve ko.

"Oo ate bakit?" Hinawakan ko nang maayos ang phone dahil mukhang importante.

"Ano kasi Raze... need na naman ni Papa mag pa dialysis this week"

"Opo ate magpapada-" I got interrupted.


"Dialysis dialysis pa dagdag gastos lang yan Raze wag na nak!" Sabat ni Papa, I scoffed.

"Pa pera ko naman to tsaka wala naman akong pag gagastuhan kaya hayaan mo kong mag waldas ng pera para pang pa dialysis mo okay?" I smiled.

"Sige na magpapadala ako mamaya after ng shift ko bye ingat kayo" Binaba ko na agad baka ano pang sabihin.


NASA SAMPUNG SASAKYAN NA ang aking na park at iniikot-ikot lang sa paligid, it's been 30 minutes ang lumipas after that phone call. Hayst. I need a new additional job hindi sapat ang tatlong trabaho para masustinahan ang mga gastusin sa bahay. I sigh.


"Pre!"

"Raziel"

Tumingin ako sa direksyon ng tumatawag sa akin.


"Pre yung sasakyan na naman ni Sara Guanzon ang namaneho ko grabe ang bango" Sabi ni Pedro na kapwa ko valet.

"Sino?" I ask with a confused expression to what he just said.

"Sara Guanzon nga yung artista na model na vlogger pa. Yung Sara Guanzon na yun" He tried to explain sa akin kung sino yun but I'm not interested sa buhay ng iba.


"Hindi ko kilala yan pero good for you pre" I chuckled.

"Grabe naman bakit hindi mo yun kilala eh mahigit labing-limang (15) milyon yung followers niya sa Instagram at Twitter ang ganda niya sobra" Ang weird talaga ng mga tao no? Nakakita lang ng taong exposed sa social media at sila ay nagiging stalker na, geez ang creepy.

"Okay, okay sabi mo eh" I pat his shoulder at naglakad pabalik na sa pwesto ko.


"Teka lang" Lumingon ako kay Pedro.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong oras na ba?" Tumingin ako sa relo ko at 8:56 PM na, mabuti naman at malapit na matapos shift namin.

"8:56" Saad ko at naglakad na ulit.


"SEE YOU TOMORROW SIR" Lumabas na ako sa building and I'm heading home, habang naglalakad ako may pumasok na idea sa utak ko "what if maging artista nalang kaya next job ko" I scoff anong klaseng idea yan nako naman Raziel sana okay ka lang, pero bago ako umuwi dadaan muna ako sa M Cebuana.


NAKARATING NA AKO SA bahay at nakatingin ako sa ceiling, pagod ako pero I can't sleep, ang sakit ng likod, paa, utak, yung katawan ko parang babagsak na. Pag-aaral, tutoring, pagiging valet, buti nalang nalipat na sa weekend ang pagiging waiter ko sa restaurant.


"Raze matulog ka na may pasok ka pa at trabaho, need mo madaming energy" Sabi ko sa sarili but baliktad sa akin eh less sleep more energy, more sleep less energy kaya bumangon ako at nagbasa muna ng libro. Maya-maya ay may tumatawag sa phone ko at nakita ko pangalan ni Levi, I rolled my eyes and answer it.


"Ano Leviathan?" Nilagay ko lang sa mesa ang phone habang naka loudspeaker ito at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Punta ka dito sa bar we're celebrating about sa ranking ko sa podcast-" ang ingay ng background kaya hindi ko na narinig iba niya pang sinabi.


"Huh? Ano ulit sinabi mo?" Tanong ko while closing the book dahil natapos ko nang basahin.

"Number one ulit ako sa ranking Raze!!" Pasigaw na sabi ni Levi. I chuckle.


"Congratulations Lev tsaka always ka namang number one, remember?" Kinuha ko phone ko at humiga na sa kama, it's already 2AM.

"Still. Punta ka na dito okay? Nandito din sina Asmodeus at Samael bilis na" I close my eyes.

"I can't inaantok na ako tsaka may pasok at trabaho pa ako bukas kayo nalang muna dyan bye goodnight congrats ulit" I hang up and fall asleep.

Behind the SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon