Chapter 6: "I'm scared pag nasa hospital ako"

5 0 0
                                    

"Te? Bakit anong nangyari?" Mabilis na ang takbo ng puso ko.

"Si Papa!" Naririning ko ang sasakyan at ibang kapatid ko sa background at nagmamadali ang mga ito.


"Saang hospital yan pupunta na ako" Saad ko at palabas na ng pinto biglang pinigilan ako ni Grey. I look at him and he's mouthing "calm down" hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.

"Sa St. Jude's kami pupunta. We'll see you there Raze be safe okay?" Binabaan na ako ni ate.


I'm having my anxiety attacks at the moment. Breathe Raze breathe. I can't lose any members of my family tama na yung isa na ang nawala ayaw ko ng dagdagan pa.


"Hey?" Saad ni Grey.

"I need to go" Saad ko habangpinipigilan ang sarili na mag breakdown.

"Can I give you a ride? Saan ka ba pupunta mukhang emergency" He asks habang kinakapa ang bulsa.

"Hindi na thank you sa offer" Pa alis na ako.

"No, I insist" Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.


"Okay fine!" Tinabig ko ang kamay niya.

"Ow!" He reacts.

"Sorry Grey. Umm can you drive sa ganyang state?" I ask. Nako naman may nagawa nanaman akong kasalanan sa kaniya.


"It's fine tara na nagmamadali tayo diba?" Naglakad na siya patungong elevator at sumunod naman ako. I don't care about anything else gusto ko lang makarating sa hospital nang mabilis.


LUMABAS NA KAMI NG studio at papasok na kami sa sasakyan niya. I'm tapping my fingers sa tuhod ko. "Pwede pake dalian" sabi ko sa sarili.


"Put your seatbelts on" Saad niya.

"Can we just go. St. Jude's Hospital please" Umupo ako ng maayos,

"Seatbelt muna, remember safety first" He's quite persistent talaga. I sigh.


"Grey." I look at him ordering him to just go. He looks at me at lumapit siya sa akin kaya napaatras ako ng sobra sa sandalan. Inabot niya yung seatbelt at isinuot sa akin. I just look outside the window. I can sense it na nakangiti siya pero hinayaan ko nalang.

"Can we go now. Please" Saad ko habang nakatingin pa din sa labas.


TUMAKBO AKO PAPASOK NG hospital. Nasa room na ba sila? Nasa Emergency Room pa ba? Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko at tinawagan si ate.


"Te! Nandito na ako saan kayo?" Tanong ko agad pagsagot niya.

"Nasa room 136 na kami Raze, everything is fine na don't worry okay?" Sagot ni ate.

"Paakyat na ako" Binabaan ko si ate at tumungo sa elevator. Ang haba ng pila sa dalawang elevator. Fuck!


"Raziel." Nakita ko si Grey na binuksan ang pinto kung saan ang hagdanan. Tumango ako at tumakbo pa akyat, room 136 it is. Shit! Hindi ko pala natanong kung anong floor ang room 136. Napahinto ako sa pag akyat at sumusunod lang si Grey pero naglalakad lang ito.


"Second floor" Saad niya.

"Thank you" Sagot ko habang hinihingal.


"I overheard the phone call that you make kanina, sorry" Napaupo ako sa pagod teka lang nasa 20% nalang katawan ko.

"Okay lang yun" Umupo siya tatlong hakbang mula sa akin. Sinandal ko ulo ko sa tuhod ko at pumikit. Buti naman at okay lang si Papa, I can't afford na mawala din siya.


"You know. I'm scared pag nasa hospital ako" He fake a laugh. I put my arms above my knees and look at him as I rest my head in my arms. Just observing him.

"Hmm? May I know why?" Tanong ko.

Behind the SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon