Prologue:

386 4 0
                                    

Ang pag-ibig parang pagkain – pagminsan mapait, pagminsan matamis. Pero kahit gaano pa natin malasahan ang totoong sarap ng pagkain kung ayaw mo naman dito, hinding-hindi mo makukuha ang totoong lasa nito.

Para sa akin, wala nang mas sasarap pa sa luto ng pinakamamahal kong Papa. At dahil sa pagtiyatiyaga niya sa pagluluto ay nakagawa siya ng isang restaurant. Hindi naman siya ganun kasikat katulad ng mga five stars na restaurant pero dinadayo pa rin ito ng mga maraming tao.

Pero kahit na anak ako ng isang Chef, kailanman hindi ako natutong magluto. Dahil ang mga niluluto ko?

–BOOM-

"Anak, ano na naman yang ginagawa mo sa kusina?" saktong kakarating lang ni Papa nang maabutan niya akong nagluluto.

"Naku, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, kung magluluto ka hinaan mo lang yung apoy para hindi masunog. Tingnan mo nga yan? Pagkain pa ba yan?" Tinulungan na niya akong tapusin ang niluluto ko dahil sunog na.

"Out of the blue, bigla kang nagluto mag-isa?" Muli niyang tanong sa akin. Napatigil ako.

"Ahm ano, papa, wala lang po nagpapraktis lang po ako kung kaya ko na. Kasi cooking po ang practical exam namin sa Home Economics namin."

 Whoooh! Kahit wala kaming subject na ganun yun na ang nasabi ko. Hindi pwedeng malaman ni Papa na nagluluto ako para ibigay sa lalaking unang nag patibok ng puso ko. Tanggapin kaya niya ang luto ko, ehh palaging nasusunog. Pero, kapag tinanggap niya. Kyaaaa! Ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo!

"Hoy Anak!" Bigla akong binatukan ni Papa.

"Ano na naman yang pinapantasya mo diyan at kilig na kilig ka? May boyfriend ka na ba?"

"Hah? Wa-wala po! Si Papa naman."

"Mabuti kung ganun, hindi ka pwedeng magkaboyfriend hah!"

"Alam ko po yun Papa." Yumakap ako kay Papa.

"Hmmm... Pwera na lang kung dun sa kakilala ko."

"Po? Sino naman?"

"Wala anak. Makikilala mo rin siya. Tulungan mo na lang ako dito at tuturuan ulit kita kung paano magluto."

"Opo." Ang weird naman. Sino kaya yun? Hindi kaya si Justin? Tss! Hmmp...

"Ayy, Papa matanong nga kita, ano ang unang birthday gift ang ibingay mo kay Mama?"

"Birthday gift?" Pinatay na ni Papa ang kalan.

"Ang pagkakaalam ko, pinagbake ko siya ng cookies."

"Cookies???" Tumango lang siya.

"Pwede mo ba akong turuan kung paano magbaked ng cookies?"

"Aba, eh bakit biglaan naman ata?"

"Ahm, kasi ano nga, yun na lang ang lulutuin ko sa practical exam namin."

"Sure ka?" Tumango ako.

"Hala sige, iligpit mo muna ito at tuturuan kita."

Hi!! Ako nga pala si Maria Jianne Santiago, o mas kilala sa tawag na MJ. Isang senior high school student sa Mayhaven University. At sa school na ito, nakilala ko ang lalaking nagpapangiti sa akin araw-araw. Ang lalaking ubod ng gwapo. Ang lalaking genius kung tawagin. Since first day of school ng aming Senior High School ay palaging siya na lang ang napapansin ko. Pero ni minsan hindi niya ako napapansin siyempre dahil siya ay STEM samantalang ako ay HUMSS. Saklap diba? Pero ngayon, sisiguraduhin kong mapapansin na niya ako. Lalo na't ito na siguro ang last year na makikita ko siya dahil gagraduate na kami sa Senior High. (Kung gagraduate. XD)

My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon