Chapter 2:

25 0 0
                                    

"Bakit ba kita nagustuhan?" Tama ba yung pagkakasabi ko. "Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi na ako magkakagusto sa'yo!"

Bakit ko nasabi ang mga salitang iyon? Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Bakit nga ba?

(Flashback)

First day of school, excited akong pumasok sa school at the same time ay kinakabahan ako. Excited dahil sa wakas Senior High School na ako, hindi lang kasi ako makapaniwala na makakapasa ako sa Junior High namin, isang himala iyon sa isang tulad ko na palaging pasang-awa ang mga grades. Haaayyss... kaya kinakabahan ako, dahil hindi ko alam kung makakayanan ko ang pagiging isang Senior High.

At ito, hindi ako makapaniwala na nakatayo ako sa harapan ng gate ng school namin, Mayhaven University. Huminga ako ng malalim. This is it! Marami ring mga estudyante akong nakakasabay papunta sa loob ng school.

"Announcements all Grade 11 students please proceed to gymnasium. Thank you!"

Nagulat ako dahil biglang may nagsalita kaya naman nakita ko yung mga ibang estudyante na nagmamadali ring naglalakad. Pero bago ako pumunta sa gymn ay nagdiretso muna ako sa c.r.

Kinakabahan talaga ako!

Habang naghihilamos ako ay may narinig akong kakaibang tunog. Kaya naman sinundan ako ang ingay na iyon hanggang sa makarating ako sa likod ng c.r. at malapit sa puno may nakita akong isang tuta na parang nanghihina. Kaya naman nilapitan ko ito.

"Anong nangyari sa'yo little puppy?" Nagtago ulit siya sa may puno. "Huwag kang matakot hindi ako masamang tao." Bigla kong naalala may tinapay nga pala akong dala kaya naman kinuha ko iyon sa bag ko. "Little puppy, ito oh. Pagkain. Lumabas ka na dyan. Little puppy..." Bakit kaya ayaw niya? "Masarap ito, Little puppy, labas ka na dyan please..."

"Pchh tssk tssk..." Mula sa kaliwa ko ay may isang lalaki ang tumatawag dun sa Little puppy. Ilang beses niya lang inulit iyon at unti-unting lumalabas yung Little puppy dun sa pinagtataguan niya na ikinamangha ko. Tapos kinuha niya yung tinapay sa kamay ko at pinagputol-putol niya iyon saka niya ibinigay sa Little puppy.

"Paano mo nagawa iyon?" Iyon lang ang naitanong ko. Tumingin siya sa akin. Sa totoo lang, natulala na ako. Hindi ako makapaniwala na may nilalang pala talaga ang Diyos ng isang guwapong nilalang. Walang sinabi ang hitsura niya kay James Reid.

"May tubig ka ba diyan?" Tanong niya.

"Gusto mo ng tubig? Nauuhaw ka ba?" Tapos napangiti siya.

Ito ba yung sinasabi nilang Love at first sight? Hindi ko alam kung bakit pero sobrang liwanag niya.

"Hindi, kung magpapakain ka ng tuta dapat kumpleto."

"Huh?"

"Bigyan mo ng tubig yung tuta bago pa niya tuluyang maubos ang mga daliri mo." Bigla akong nakaramdam ng basa sa kamay ko at nakita kong hinihimuran na nung tuta yung kamay ko na hindi ko napapansin kaya naman napatayo ako sa gulat at sa hindi inaasahang pangyayari ay na-out-balance ako. Tila isang slow motion ang nangyari sa akin, hinawakan niya ako sa braso ko, hinila niya ako papunta sa kanya tapos saka niya ako hinawakan sa may beywang ko na naging dahilan upang hindi ako tuluyang matumba. At ngayon, sobrang lapit namin sa isa't-isa. 

Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. 

Ang bango niya. Mga ilang sandali lang din kaming nasa ganung position.

"Announcements all Grade 11 students please proceed to gymnasium. Thank you!"

Binitawan na niya ako.

My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon