Chapter 1:

61 0 0
                                    

Naniniwala ako sa sinasabi nilang tadhana. At siguro ito na ang tadhanang pinakahihintay ko. Siguro hindi niyo maaalis ang kaba sa aking dibdib. Unti-unti ko na siyang nakikita papalabas sa classroom niya. Alam ko maraming haharang sa kanya dahil birthday niya ngayon. Pero kahit na, ang mahalaga maibigay ko ito sa kanya. Ang unang cookies na pinaghirapan kong gawin katulong si Papa. Bago pa man ako makalapit sa kanya ng tuluyan, marami ng babae ang nakaharang.

"Kyaaa!! JM HAPPY BIRTHDAY!!"

Halos yan ang mga sigaw nila habang dumadaan si JM. Siya nga pala si Jiou Mirr Perez. Ang astig diba? Halos magkabaliktad lang ang mga nickname namin. Siya JM, ako MJ. Kaya naman naniniwala ako sa tadhana. Alam kong magtatagpo rin ang landas namin.

Asar naman! Hindi ako makasingit! GRRRR! Bahala na si batman!

"MAGSITABI KAYO!!"

Lahat sila ay natigilan at napatingin sa akin. Pati si JM, nakatingin din siya sa akin. Waaaahh! Totoo ba itong nakikita ko? Oh My G! Napansin din niya ako.

"Hoy! Sino ka ba sa akala mo?" May isang babae ang humarang sa akin. Siya si Gelliene Amante, ang hottest and the most beautiful lady sa school namin. Siya rin ang babaeng parating kasama ni JM simula noong first day of Senior namin. Pero hindi ko siya pinansin, napahiya na naman ako eh, ipagpapatuloy ko ito. It's now or never.

"JM..." Nanginginig ang boses ko.

"Pinagbaked kita ng cookies, sana magustuhan mo. Happy Birthday." Inilahad ko sa kanya ang garapon na may ribbon at lamang cookies. Naririnig kong pinag-uusapan ako ng ibang kababaihan. Yung iba ay pinagtatawanan ako. Pero biglang huminto ang mundo ko dahil nakita kong nakatingin din sa akin si JM.

Totoo ba ito?

Nakita kong iniangat ni JM ang kanang kamay niya.

Kukunin ba niya?

"JM!" Biglang pinigilan ni Gelliene si JM.

"Hoy babae, magbabaked ka lang ng cookies yung sunog pa. Ano sa tingin mo? Tatanggapin niya yan?" Biglang tinabig ni Gelliene ang kamay ko na naging dahilan para malaglag ito.

"JM, let's go. Baka may lason pa yun. Don't worry, may alam akong..."

Hindi na pinatapos ni JM ang sinasabi ni Gelliene dahil bigla na lang itong umalis naiwang nakatulala si Gelliene. Sinamaan lang ako ng tingin ni Gelliene at umalis na rin siya. Sumunod na rin ang ibang kababaihan.

Pinulot ko na lang ang garapon. Mabuti na lang hindi nabasag. Nilagay ko na lang siya sa bag ko. Siguro, hindi talaga niya tatanggapin ang cookies kasi ang pangit ng pagkakagawa ko. Naglakad na ako.

Haaayyy... hindi niya tinanggap. Tss. Sayang! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ang saya-saya ko pa? Yung mga titig niya sa akin kanina. Para akong tinutunaw.

"MJ!!!!!!!!!!" Sa hindi kalayuan may isang lalaking patakbong papunta sa akin at sinisigaw ang pangalan ko.

"MJ, totoo ba?"

"Ang ano?" Niyuyogyog niya ako.

"Sabihin mo sa akin, hindi totoong binigyan mo ng cookies si JM."

"Ahm... hindi..." Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niya akong niyakap.

"Salamat kung ganun."

"Hoy Justin Del Morro! Huwag mong yakapin si MJ!" Nakita kong pinaghahampas nila Patricia Gale Ocampo a.k.a Patty at ni Shaie Cylle Tan a.k.a Shaie si Justin, na naging dahilan para kumawala siya sa pagkakayakap sa akin.

"MJ, ano na nangyari? Naibigay mo ba?" Tanong ni Shaie. Umiling ako. "Paano yan?"

"Okay lang, ang mahalaga naman sa akin ngayon ay nakita niya ako at..." Naalala ko ang mga titig sa akin ni JM kanina. Oh my! Kinikilig talaga ako!

"At ano?" Tanong nilang tatlo.

"Wala, tara na nga! Pinapauwi ako ng maaga ngayon ni Papa kasi may pupuntahan kami." Papalabas na kami ng gate nang masilayan ko ulit si JM na tila ay may hinihintay. Baka yung sundo niya.

"Girl, si JM." Pangungulit ni Patty.

"Oo, nakikita ko."

"Ano pa ang hinihintay mo? Ibigay mo na ulit ang gift mo. Tutal wala si Gelliene sa tabi niya."

"Hoy, kayong dalawa, huwag niyo nang pilitin si MJ..."

Umalis na ako, dahil hindi ko alam kung bakit naglakad ng kusa ang mga paa ko papalapit kay JM parang may magnet.

"Ahm... JM..." Lumingon siya sa akin.

"Happy birthday!!" Ngiti kong sabi at inilahad ko ulit ang garapon na may cookies.

"I can't believe you're so desparate to give it to me. Hindi mo na ba ako natatan—" Hindi natapos ni JM ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang sinuntok ni Justin na ikinagulat naming lahat.

"Wala kang karapatang sabihan si MJ na desperada siya." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko? Desperada. Ako??? Ngayon lang kasi nagsisink-in sa akin yung mga sinabi ni JM. Tinawag niya akong desperada? Bakit? Eh ngayon ko lang naman siya bibigyan ng gift.

Inawat na nila Patty at Shaie si Justin dahil akmang susuntukin niya ulit si JM. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kasi ay nanigas na ako sa kintatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Huwag kang mangialam kung hindi mo naman alam ang buong katotohanan." saad ni JM. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naging automatic ako at tinulungan ko si JM na tumayo siya.

"MJ, anong ginagawa mo?" Narinig kong inis na sabi ni Justin. Bumitaw rin naman agad ako kay JM at tiningnan ko siya. Bakit parang familiar sa akin ang mga mata niya? Biglang tumulo ang mga luha ko.

"Hindi ko alam kung bakit, pero wala kang karapatang sabihan ang isang tao na desperada lalo na kung isang beses pa lang siyang nakakalapit sa'yo na halos kainin na niya ang buong hiya sa katawan niya malapitan ka lang. Bakit ba kita nagustuhan?" Natahimik na lang ako dahil biglang may bumusina na sasakyan malapit sa gate at nakita namin ang isang babae na bumaba roon habang tinatawag si JM. Pinahid ko ang mga luha ko at napatingin ulit ako kay JM na ikinagulat ko dahil nakatingin siya sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi na ako magkakagusto sa'yo!" 

My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon