Chapter 8:

13 0 0
                                    

~Rain rain go away, come again another day, little children wants to play, Rain Rain go away ~

Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana katabi si Little Puppy habang nakatingin ako sa labas. Lumakas na rin ang ulan at hangin. Kamusta na kaya sila Mommy? Sabi niya kasi tatawag ulit siya. Hinawakan ko si Little Puppy sa kanyang ulo. Hindi ako makapaniwala na siya na ang Little Puppy na nakita ko last year. Grabe! Ang laki na talaga niya. At higit sa lahat hindi ako nakapaniwala na kinuha pala siya ni JM tapos Little Puppy pa talaga ang ipinangalan.

"Ate MJ! It's your turn." Tawag sa akin ni JR. Nawala ang pagmuni-muni ko.

At dahil hindi kami pwedeng lumabas ng bahay, ito naglaro na lang kami sa Xbox. Sa una, medyo bano ako at tinuruan lang nila ako kung paano maglaro. Kaya nga lang palagi akong talo sa kanila. Okay na rin at least nakikita kong ngumiti si JM. Sa paglalaro namin ng Xbox halos hindi na rin kami nakapagtanghalian at puro tinapay lang ang kinakain namin. Kaya naman bumawi akong magluto para sa dinner namin.

"Okay, at dahil naulan ngayon, ito na ang sopas." Inihanda ko na ang sopas na niluto ko.

"Wow! Sopas!" Tuwang sabi naman ni JR at umupo na siya sa pwesto niya. Gayun din si JM. Sabay na humigop ng sabaw yung dalawa.

"Ano? Masarap ba?" Tanong ko sa kanila.

"Walang lasa." Seryosong sabi ni JM. Biglang umalis si JR sa pwesto niya.

"Hah? Paanong walang lasa?" Wala palang lasa. Paano nangyari yun?

"Naturang anak ng isang chef hindi marunong alamin kung may lasa ba o wala ang niluluto." Sarkastikong sabi ni JM.

"Tsk! Kung walang lasa, huwag niyo na lang kainin. Ipagluluto ko na lang kayo ng noodles." Kukunin ko na sana sopas na binigay ko sa kanila nang bigla akong pinigilan ni JR.

"JR, ano yang ginagawa mo?"

"Nakulangan lang po Ate sa gatas." Nakita kong nilagyan niya ng evap yung sopas niya.

"Mabuti pa si JR, alam kung ano ang kulang sa niluto mo." Hindi ko alam kung nang-aasar o nang-iinsulto itong si JM.

"Okay na po Ate, masarap na po yung sopas." Ngiti nitong sabi.

"Mabuti naman at nagustuhan mo. Hindi katulad ng isa dyan puro reklamo." Sinamaan ko ng tingin si JM.

"Oo nga pala, may ice cream pa sa ref. gusto mo pagkatapos nating kumain mag-ice cream tayo."

"Opo!" Tuwang sabi ni JR.

"Kapag sumakit ang tyan nan, bahala ka na." Tumayo na siya at umalis.

Woah! Tapos na agad siyang kumain? Teka, nilagyan ba niya ng evap yung sopas? Parang hindi ko naman napansin na kinuha niya yung evap kay JR. Okay ah. Reklamong reklamo tapos kakainin din pala niya. Yung totoo? May sapi talaga. Tsk. Natapos na rin kaming kumain ni JR, at habang naghuhugas ako ng pinggan kumakain naman siya ng ice cream sa salas.

"Ate! Kuya!" Saktong kakatapos ko lang maglinis sa kusina nang biglang sumigaw si JR.

"Oh bakit?" Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya.

"Si mama..." Hinarap niya sa akin ang tablet. Via Skype tumawag sila mommy.

"MJ, kamusta na kayo dyan?"

"Hi Mommy. Ito po mommy, kakatapos lang po naming maghapunan. Kayo po?"

"Ito, delay yung flight namin baka bukas na ng umaga kami makauwi. Si JM nasaan?"

"Bakit?"

Nagulat ako dahil biglang nagsalita si JM mula sa likuran namin. Nakabathrobe lang siya. Oh my G! Kakatapos lang yata niyang magshower.

"Hoy JM! Baka binubully mo si MJ dyan hah."

"Mommy naman, naku hindi po. Sa katunayan po si JM at si JR ang naghanda ng breakfast po namin kanina. Huwag na po kayong mag-alala, okay lang po kami dito."

"Mabuti kung ganun. JM, paliguan mo nga yang kapatid mo, ang dumi na oh... Hala... Sige na, mahina na yung signal hindi ko na rin kayo marinig. Ingat kayo dyan. At---" Nawala na yung tawag, kasabay nun ang biglang paglakas at pagbuhos ng ulan.

"Mukhang nandito na ang bagyo." Pag-aalala kong sabi.

"JR, halika na. Papaliguan muna kita."

Bakit kakaiba yata ang kinikilos ni JM ngayon? Hhmmm! Simula noong dumating ako rito ngayong araw ko lang siya nakitang concern sa kapatid niya. Bakit kaya? Niligpit ko na rin ang pinagkainan ni JR ng ice cream pati ang mga laruan niya. Ang kalat talagang kumain ni JR ng ice cream kaya naman pagkatapos kong ilagay ang mga laruan niya sa kwarto niya ay kinuha ko yung lampaso.

~Don't let them in, don't let them see

Be the good girl you always have to be.

Conceal, don't feel! Don't let them know. Well now they know!

Let it go! Let it go! Can't hold it back anymore

Let it go! Let it go! Turn away and slam the door!

I don't care, what they going to say. Let the storm range on.....~

"The cold never both----" Natigilan ako sa pagkanta dahil nakatayo sila JM at JR malapit sa hagdan. Oh my G! Nakakahiya.

"Kaya pala bumabagyo." Pang-aasar ni JM.

"Ate, tapos na po akong paliguan ni Kuya baka gusto mo ikaw rin." Ngiting sabi rin ni JR.

"Hah?! Ano bang pinagsasabi mo dyan JR?" Umakyat na yung dalawa.

"Teka, ano ba yung sinabi ni JR?"

Aist! Tinapos ko na ang paglalampaso ko, at pumunta na rin ako sa c.r. para magshower.

"Ate, tapos na po akong paliguan ni Kuya baka gusto mo ikaw rin."

Tama ba yung narinig ko kanina? Tsk! Pilyong bata! Pero bakit napapangiti ako? Ibig sabihin ba gusto ako ni JR para sa kuya niya? Paano pala kapag kinasal kami ni JM? Ibig sabihin papaliguan niya rin ako?

"Honey, huwag kang malikot. Pinapaliguan pa kita ehh."

Kyaaaaaaaahhhhhh!!! Oh my G! Kinikilig ako. At biglang kumulog! Ayy! Ano? Tutol? Grabe kung makatiming sa pagkulog! Tsk! Tinapos ko na nga lang ang pagligo ko. Palabas na ako ng c.r. nang biglang nagbrown-out.

"Wow! Grabe hah! Nananadya?" Paano yan? Wala akong makita. (Thunder sounds) Ano ba yan! Nagugulat din ako sa bawat kulog at tanging kidlat lang ang nagsisilbing liwanag ko papaunta sa kwarto ko. Whew! Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ng ko nang biglang may bumonggo sa akin at natumba ako.

"Mama!!!!!!!" Iyak ni JR habang nakayakap sa akin.

"J-JR? Teka... shhh... tahan na." Anong gagawin ko? Nakatapis lang ako ng tuwalya. Ang higpit pa naman ng yakap niya sa akin.

"Mama! Mama! Mama!" Iyak lang siya ng iyak. Takot siguro siya sa kulog lalo na't nagbrown-out pa.

"JR, sandali lang. JM!!!" Aist! Bakit ka ba iniwan ng kuya mo? Kapag lumabas ang kuya mo dun ka muna." Hindi siya naimik. Tatayo na sana ako ng biglang kumulog ulit dahil dun lalong natakot si JR at yun din ang naging dahilan para mahila niya ang tuwalyang nakatapis sa akin. At sa hindi inaasahang pangyayari biglang dumating si JM at may dalang flashlight. Oh... my... G!!!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon