Chapter 5:

17 0 0
                                    

Ito ang unang araw ko sa bahay nila JM. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na iisa na lang ang bahay na tinitirhan namin. Humarap ako sa salamin ng c.r. At nakita ko ang sarili ko. Ang pangit! Ay grabe! Mugtong-mugto ang mata. Shaks! Paano na lang kung makita ako ni JM ng ganito? Baka lalo siyang maturn-off sa akin. Teka nga, bakit siya ba ang iniisip ko? Enebeyen.

"Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ba ako nanaginip lang?"

Sinampal-sampal ko ang sarili ko.

"Para sabihin ko sa'yo, hindi lang ikaw ang gagamit ng c.r." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si JM na nakatayo sa may pinto ng c.r.

"A-anong ginagawa mo diyan?"

"Obvious ba? Eh di nakatayo."

"Ehh, pa-paano mo nabuksan yung pinto?" Tumingin siya sa akin.

"Sa malamang, hindi siya naka-lock."

Hindi naka-lock? Aist!

"Ano?! Tatayo ka na lang ba dyan?" Lalo akong nagulat dahil nasa harapan ko na siya.

"A-anong ginagawa mo?" Natataranta ako ang lapit-lapit na ng mukha niya.

"Ang baba ba talaga ng common sense o sadyang mababa talaga. Ipapaalala ko lang, nang dahil sa'yo gumulo ang buhay ko. Kaya naman, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na dito ka nakatira sa bahay." Tumango lang ko.

"Labas!"

Agad akong lumabas ng c.r. Whew! Grabe lang. Pinag-pawisan ako. Aatakihin yata ako nito sa puso. Sobrang lapit ng mukha niya, kahit alam kong galit siya pero...

kinikilig ako?

Hindi panaginip ang lahat ng ito.

"MJ."

"Ayy kabayo!" Pati siya ay nagulat din.

"Okay ka lang ba?"

"O-opo Tita." Bigla na naman niya akong pinitik sa noo.

"Hindi ba sabi ko sa'yo Mommy na ang itatawag mo sa akin."

"Ah-eh, so-sorry po, Mo-mmy." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Pagkatapos mong magbihis ng school uniform mo ay bumaba ka na para sabay-sabay na tayong magbebreakfast. Okay." Tumango na lang ako at umalis na siya. Napapailing na lang ako. Matapos niya akong pitikin sa noo, pipisilin naman ang pisngi ko. Yung totoo?

May sapi talaga itong si Ti- ah este si Mommy.

Mabilis dumaan ang mga araw. Halos mag-iisang linggo na rin akong nakatira sa bahay nila JM. At dahil dun, unti-unti akong nakarecover sa pait ng nakaraan. Tinulungan ako nila Mommy at Daddy na i-manage ang restaurant ni Papa, sila ang kumausap sa ibang trabahador ni Papa sa restaurant. Namangha rin ako sa kanila dahil halos lahat ng specialty ni Papa ay alam lutuin nila Mommy at Daddy. Ayun sa kwento nila nakilala lang nila si Papa noong college na sila. Mukhang sobrang ganda ng samahan nila.

Papa, alam ko naitanong ko na ito sa'yo pero itatanong ko ulit. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na kakilala mo pala, hindi lang pala kakilala kundi bestfriend pala ni Mama ang Mama ni JM? Nagmukha pa tuloy akong tanga sa kanya noong araw ng birthday niya, tapos halos naging stalker niya ako simula noong middle school. Nakakahiya.

"Girls, tingnan niyo oh. Ginawa ko yan kagabi. Okay ba?" Nawala ang pagmumuni-muni ko dahil may ipinakita si Patty sa amin ni Shaie na isang dress.

"Wow! Patty ang cute naman nito. Ang galing ah, kagabi mo lang yan ginawa?" Tumango lang siya.

"Igawa mo rin ako Patty." Nagpatuloy ang pag-uusap noong dalawa.

My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon