IKA-ANIM NA KABANATA

18 9 1
                                    

‘Investigate.’

SATURDAY. 8:00 A.M

“Natatandaan ko noon kasama ko si Professor Hera sa Teachers Office pareho kaming nagpa iwan sa school dahil inaayos naming pareho ang mga answer sheets na ihahanda para sa paparating na Exam. Natatandaan ko mga bandang alas otso ng gabi nagpaalam s'ya sa ‘akin.” pag kukwento ni Professor Delia, na sa edad 40+ na.

Sa harap n'ya ay si Detective Hashil na seryosong naka tingin sa'kanya at nakikinig sa mga sinasabi nito. Katabi ng detective ang partner n'ya sa kasong ito,si Jaze Viszo. Hindi pa nila nalilibot ang mansion ng pinangyarihan ng krimen, ngunit natingnan na ang bahay kung mayroon bang CCTV roon ngunit bigo sila, dahil nong araw din na iyun ay sira lahat ng CCTV camera, kataka taka.

“Nagpa alam sa'inyo? Uuwi na s'ya non?” hawak ng detective ang isang notebook at roon ay nakikinig sa pagku-kwento ng professor sa'kanya habang ang mata n'ya ay naka tutok sa notebook na hawak n'ya at nag susulat.

“H-hindi...” umiling iling pa ang ginang habang sinasabi iyun, tulala pa 'rin marahil ay hindi pa rin pumapasok sa isipan n'ya ang nangyare sa kanyang ka trabaho na itinuturing n'ya rin na anak.

“nagpa alam s'ya sa akin dahil naiwan daw ng isa sa mga members ng Blacklist Nique ang logo nito, isasa uli n'ya daw at pupunta sya sa party.” pag papatuloy ng ginang.

“Ang sabi ko ay pwede n'ya naman na ipag-pa bukas na iyun dahil gabi na'rin, ngunit umiling lang s'ya sa akin, bukod roon ay sinabi n'ya sa akin na may kakausapin s'yang estudyante na naroon sa party, at hindi daw pwedeng ipagpa bukas.” naka tulala ang ginang at para bang inaalala ang huling pag uusap nila ng ka trabahong si Ms. Hera.

“H-hindi ko na s'ya na pigilan pa kasi napansin ko na'rin ka gabi na iba talaga ang mood ng dalagita... parang galit pa nga s'ya noon at disidido talagang pumunta sa mansion ni Ashanti..” umiling iling na saad ng ginang.

“galit? pa ano niyo naman po iyan na sabi, pwede po bang ikuwento nyo ng buo ang nangyaring pag uusap nyo?” saad ni Hashil.

Tumango tango ang Ginang.

THURSDAY. 7:00 P.M

Padabog na ibinagsak ni Hera ang kanyang hawak na mga libro sa kanyang lamesa sa teachers office habang galit na naka tingin sa telepono n'ya.

Isang saglit pa ay ibinagsak n'ya rin ang kanyang cellphone na hawak at padabog na umupo sa'kanyang upuan.

“bwisit.” galit na saad ni Hera, tila ba hindi n'ya napansin na hindi sya nag iisa sa loob ng room.

Tumikhim si Gng. Delia dahilan upang mapa tingin si Hera sa'kanya, tila ba napa hiya ang dalagita dahil sa kanyang inasal kanina lang.

“P-Professor Del nandito k-ka pa po pala, pasensya na po.” nahihiyang saad n'ya.

“anong problema Prof. Hera? Bakit masama yata ang timpla ng mukha mo? Sino ba ang ka usap mo at parang galit na galit ka?” may pag aalala sa tono ng Gng.

“wala ka ng pake alam don.” pabalang na sagot ni Hera, nagugulat na tumingin sa'kanya si Prof. Delia.

Ni minsan ay hindi s'ya nag pakita o pinag salitaan sa tonong iyun ang Gng.

“a-anong—” hindi natapos ni Prof. Delia ang sasabihin dahil pinutol na iyun agad ni Hera.

“I think it's okay, kung ayusin na lng natin yung answer sheets for exam?”

Bumuntong hininga ang Gng. hinayaan n'ya na lamang ang babae, dahil wala lamang iyun sa mood.

Mahigit isang oras nilang pag aayos ay kapansin pansin ang inis sa mukha ni Hera, bawat minuto rin ay tinitingnan nito ang cellphone at parang may hinihintay.

“Professor I need to go, naalala ko nakita ko ang isang logo ng B.N sa may pathway kanina at narito sa akin yun ngayon. Ibabalik ko lang ” seryosong saad ni Hera habang inaayos ang kanyang bag.

“pero gabi na.. ipag-pa bukas mo na lang iyan, mag kikita naman kayo ng mga iyun bukas.” mahinang saad ni Prof. Delia.

“no. and besides I want to talk to someone na na sa party din na iyun. At hindi ko gustong ipag-pa bukas pa iyun. It's important.” seryosong saad n'ya at saka isinukbit sa balikat ang kanyang shoulder bag saka humarap sa Gng

Bumuntong hininga ang professor “sino ba ang kakausapin mo na ‘iyan? Gano ka importante? Nag aalala lang ako sa'iyo, gabi na at baka kung ano pang mangyare sa'yo, delikado.” nag aalalang saad ng Gng.

Malakas na bumuntong hininga ang dalagita, tila ba nawawalan na s'ya ng pasensya sa kanyang kausap.

“pwede ba? Don't mind me nalang okay? Don't be worried about me, I can handle myself.” mataray na saad ni Hera saka tumalikod sa Gng na nag aalalang naka tingin sa'kanyang pigurang papalayo na rito.

“K-kung alam ko l-lang na m-mangyayare yun sa'kanya ay sana pinigilan ko s'ya... e-edi sana b-buhay pa s-s'ya ngayon..” bakas ang lungkot at panghihinayang sa mukha ng Ginang.

Nagka tinginan ang dalawang detective at bumuntong hininga.
“Ma’am hindi ba talaga binanggit ng biktima ang pangalan ng estudyante na kaka usapin n'ya nong gabing iyun? mayroon ka bang na sa isip niyon?” malumanay na tanong ni Jaze.

“wala ho. Wala talaga.” nanghihinayang na saad ng Gng.

“Thank you Professor Delia sa pag sagot sa mga katanungan namin, salamat.” pag papasalamat ng dalawa at saka na lumakad sa tahimik na pathway ng paaralan.

Narito ang mga guro at ang ibang mga estudyante upang bigyan ng isang simpleng lamay at dasal ang gurong namayapa.

“Detective Hash pwede naman nating icheck ang cellphone ng biktima, na sa atin din naman ang mga gamit n'ya.” pag s-suggest ni Jaze habang naka pamulsang naglalakad.

“hmm I will ask permission to the police. We need to check kung sino ang kausap ng biktima sa cellphone n'ya.” seryosong saad ni Hashil habang deretsong naka tingin sa nilalakaran n'ya.

“May posibilidad na ang kausap ng biktima sa cellphone n'ya ng gabing iyun ay ang pinuntahan nya sa party, at iyun ay ang huli n'yang naka usap bago nagawa ang krimen. Ang huling naka usap ng biktima ay ang maaaring ang pumatay sakanya.” seryosong pag tatapos ni Hashil at magka salubong ang mga kilay na saad n'ya saka na naunang maglakad.

Who's The Killer? (COMPLETED)Where stories live. Discover now