Chapter 10: < The news >

191 11 3
                                    

Mikko's POV:

Ano na kayang lagay ni Nicole sa Thailand?  Nakakamiss na rin yung bugak na yun.  Ni hindi na nag oopen ng mga accounts niya. Wala na kaming balita ni Ales sa kanya.  Grabe naman kasi sa pagka strict ang parents niya ayan tuloy, pasaway kase e. 

Nasa mall kami ngayon ni Ales.  Ay nga pala hindi niyo pa pala siya lubusang kilala. Pero mamaya magpapakilala na rin yun sa inyo. 

" Wala na atang balak magparamdam satin si Nics. " -sabi ni Ales.

" Haay ewan ko nga ba dun.  Naka deactivate siguro yung mga accounta nin kaya di niya nababasa yung mga message natin sa kanya.  Wala tuloy tayong alam king anong nangyayari sa kanya sa Thailand. "

Pareho na lang kaming napa sigh. May nadaanan kaming stall ng MCdo.  Bumili kami ng fries at float  then naglibot at nag ikot pa kami.  Di talaga masaya pag kulang ang magkakaibigan.  Hanggang sa napahinto kami sa Oddysey. 

Nakabukas yung TV sa may counter table at parang may namukhaan ako O.O

Oh my god! 

Tinitigan ko ng mabuti at di nga ako nagkakamali si Nicole nga! Tinawag ko agad si Ales at pinajita sa kanya yung nakita ko.

Breaking news: Sikat na lesbian thai singer/actress na si Tina Jittaleela, caught on cam na may ka date sa Chiang Mai, Thailand.

" At si Nicole yung ka date?  "- malakas na tanong ni Ales.

" I-i dont know.  Diba ayaw niya sa mga tomboy bakit naman siya makikipagdate sa Tina na yon? "

" Pero Mikko can you explain that? Magka holding hands pa sila. "

" Nagugulihan din ako no.  Hindi pa kasi nagpaparamdam yung bruhilda na yun e.  "

Napansin ko naman na nakatingin na samin ni Ales yung mga saleslady at ilang customers.  Kaya mas minabuti na naming umalis na lang sa Odyssey store. 

Umuwi na lang kami dahil nakakabother talaga yung news na yun.  Ano kayang reaction nila Tita.  Napanood na kaya nila ang news na yon? 

Pagdating ko sa bahay agad akong nag send ng e-mail kay Nics.  I need to find a way para ma contact siya.  Letseng babae na yun maiinlove din pala sa tomboy!  Tsk. 

Ales's POV:

Pumipili ako ng DVD na magandang panuorin sa pag uwi namin ni Mikko ng bigla na lang niya akong tawagin.

Nga pala im Maria Ales Castro.  Kaibigan ako ni Nicole and Mikko since first year college. Mas matagal ng magkaibigan yung dalawa since childhood ^_^

Okay back to the topic.

Edi ayun nga tinawag ako ni Mikko at tinuro yung TV laking gulat ko ng makita ko si Nicole na may kaholding hands na lalaki.  Pero mas nagulat ako ng mabasa ko yung caption : " Sikat na lesbian thai singer /actress na si Tina Jittaleela caught on cam na may ka date sa Chiang Mai,  Thailand. "

Lesbian?!  Teka e ayaw na ayaw ni Nicole aa mga tomboy ah? O.O

Kanina pa rin kami naguguluhan ni Mikko.  Medyo napapalakas na din ang usapan kaya pinagtitinginan na kami.  Minabuti na lang namin na umuwi na para di malaman ng iba na kilala namin yung kasama ni Tina Jittaleela. 

Ano ba. Yan?  Bigla bigla na lang may susulpot na ganyang news.  Buti at hindi siya nakilala dahil kung nalaman nila na siya ang anak na panganay ng Montero Clan.  Siguradong big issue to. 

Mitchy's POV:

Ang boring na tuloy ngayon sa bahay.  Mga two weeks na ring wala si big sis dito.  Wala tuloy akong mainis at makulit. Nakakamiss din pala yun kahit ubod siya ng kasungitan no haha.

Kinuha ko na lang yung remote at binuksan ang TV.  Hay nasa news pa -_- . Inilipat ko na sa ibang channel ng may mapansin ako...

Tina?!

Binalik ko ulit sa news at sakto breaking news.  Nagulat ako ng makita ko si Tina na may kasama teka parang may kamukha yung girl.  She looks familiar. Tiningnan ko ng mabuti yung babae at kamukha niya si BIGSIS?!

Kurap kurap!  Si Bigsis nga talaga siya. 

Selosmuch!  Ang sabi niya ayaw niya sa mga lesbian e baket nakikipag holding hands siya ngayon kay Tina ko T_T. Nagde-date sila sa Chiang Mai habang ako naiwang mag isa at miserable dito.  Gusto ko rin makasama si Tinaaaaaa!

Hindi pwede to.  Gusto ko na rin pumunta sa Thailand.  Pinatay ko agad yung TV at dinial ang number ni mommy pero no answer. Mamaya ko na nga lang sasabihin pag uwi nila. ^_^

Kinuha ko na lang ulit yung laptop ko at nanuod ng sandamakmak na video ni Tina.  This is life haha pero kainggit pa rin si bigsis.  Tina kooooo!  T_T

I Love this TomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon