Chapter 1: First day of School

194 5 3
                                    

[ Flossie's POV ]

Trrrrrrng.....

"Ano ba yan!"

Hindi ko mai-off ang alarm clock ko. Wala akong ibang ginawa kundi binato ko ito.

"Gising na......" dinig kong sigaw ni Mama.

Ibinangon ko na ang katawan ko at agad tiningnan ang malaking kalendaryo ko.
Hindi ako makapaniwala. Halos mahulog ang mga panga ko.

Tumakbo ako papalabas ng kwarto ko at inihanda ang mga gamit ko.

Hindi pa lang nakakabangon si Heno ay kumakain na ako ng masarap-sarap na luto ni Mamang agahan.

I waited him IMPATIENTLY! Pano kasi yan, kabagal niya naman ang kuhol pag kumilos.

We waited Glycine sa labas ng bahay nila. Kapitbahay lang naman namin sila.

Sasabihin ko pa pala kung sino siya.

Glycine Monice C. Oryza ang buong pangalan niya. She's my childhood bestfriend. Classmate ko siya since the beginning of highschool. Simple lang siya, matulungin at shy type. Pumantay na ang paa ng kanyang ama. Nakiramay kami noon sa kanila. Nakakalumbay talaga ang life niya. Nahulog ang mga luha ko nung inihunta niya sakin yan.

Naglakad kami ng matulin patungong university. Malapit lang naman. Mga, 50 meters mula sa kinatatayuan ng bahay namin.

First, sa school ay tinanaw namin ang mga names namin sa bulletin board . Ang rami talagang mga students. Nakisiksik na lang kami.

Natagpuan rin namin. Sa Room D ( IV-Yttrium ). Buti't classmate ko na naman sai Glycine. Pati na rin sina Faber at Acacetin. Si Ms. Chinesis ang adviser namin. Bago lang siya dito sa university.

Tumungo na kami sa room. Kapapasok lang namin ay...

"Flossie! Dito kayo o! Rineservan na kayo namin" sigaw ni Acacetin sa amin.

"Nakakahiya ka naman! Ang lakas ng bunganga mo. Malapit pa naman tayo sa Chancellor's Office" sumbat ko sa kanya.

Umupo na kami sa inireserve na upuan nina Acacetin.

Sa nga pala, I'm Flossie Winke A. Colocasia. A 15-year old 4th year highschool student of DIM ( Dmitry Ivanovich Mendeleyev )University. 9th honor. Magaling akong magdrawing at magpaint. Moderate lang ang type of life namin.

Meron na ang adviser namin. Nagpakilala muna siya. Joan Linabelle pala ang pangalan niya.

Sinipi namin ang schedule na nakasulat sa malinis at makinis na blackboard.

Pagkatapos, wala na kaming ginawa. Pwede daw munang maghuntahan basta huwag lang i-high volume ang lakas ng pagsalita.

Naghuntahan kami nina Faber, Glycine at Acacetin tungkol sa vacation habang nagfofold ako ng paper crane.

Pagkalipas ng dalawang oras.....

"Hoy! Di niyo ba tinitingnan ang oras? Recess na!" sabi ni Allamanda, ang reyna ng kalandian.

"Alam namin! Hindi kami bobo. Will you stop judging us?" paaway na sumbat ni Acacetin.

The Last FoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon