Chapter 4: It's time to PLAN

23 2 0
                                    

[Flossie's POV]

Pagpasok ko sa classroom ay nagsisigawan na ang mga students.

"May fieldtrip daw in Vigan next week", sabay na sigaw nina Faber at Acacetin.

Nagplano na kaagad sina Glycine, Faber and Acacetin.

"Ordinary bus daw pagsasakyan", sabi ni Acacetin.

"Pano yan! Walang Wi-Fi", paanas na sabi ni Faber.

"Acacetin, idala mo yung pocket Wi-Fi mo ha!", sabi ni Faber kay Acacetin.

"Flossie, magdala ka ng maraming pagkain", sabi ni Glycine sakin.

"Huwag pa kayong magplan masyado. Excited kayo kasi eh! Mamaya, baka hindi na pala matutuloy!", paalala ko sa kanila.

"Kasama daw natin ang IV-Zirconium(Room C)", sabi ni Acacetin.

"O M Glycine! Si Solani! Yesss...!", sabi ko sa kanya.

"Who's Solani?", tanong ni Faber.

"She's our classmate when were in grade school", sabay naming sagot ni Glycine.

Ayyy! Oo nga pala! Hindi pa kilala ni Faber si Solani.

"Diba si Pyrus ay IV-Zirconium!?", ani Faber.

OMG!

"Pero mahahati daw ang IV-Zirconium sa fieldtrip", sabi ni Acacetin.

"Malay mo, si Solani ay ibang bus", paanas na sabi ni Glycine sakin.

Meron na si Ms. Chinesis...

Nadatnan niya kaming maingay.

"I have an announcement...
Quiet! Sinabi na ngang quiet", sigaw ni Ma'am at nakasimangot pa siya sa harapan.

Natahimik kaming lahat.

Edi WOW!

"Ehmmm...", lininis muna ni Ma'am ang lalamunan niya saka nagsalita sa harapan.

"Wala tayong pasok tomorrow(Wednesday) hanggang sa Friday dahil may seminar lahat ng teachers sa university", sabi ni Ma'am.

Sinabi pa lang ni Ma'am. Mas lumala ang sigawan sa classroom. Ginawang palengke! Sigaw doon,sigaw dito, sigaw diyan!

Nagplano na naman kami...

For the long vacation lang!

"Guys! Anong gagawin natin for the long vacation?", tanong ni Glycine.

Naiba na naman ang topic namin. Kanina lang ay tungkol sa fieldtrip. Ganito talaga ang school life.

"Pasyal na lang kaya tayo!?", ani Faber.

"Saan naman?", tanong ni Acacetin.

Pwede naman sigurong mamasyal
sa house nina papa
o sa bahay na lang nina Glycine.

"Sa mall na lang tayo mamasyal, mas malamig", sabi naman ni Acacetin.

"Kailan and anong oras tayo pupunta?", tanong ni Faber.

"Text na lang o call or chat na lang mamayang gabi", sagot ko.

"Guys! Mag-online kayo mamayang gabi ha!", ani Acacetin.

Uwian na sa hapon...

Habang naglalakad kami pauwi ay may naisip ako.

In a matter of fact, totoo ngang long vacation pero nag-iwan naman ng napakaraming assignment and project. Nakakainis! Halos lahat ng subject ay may assignment.

The Last FoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon