[Flossie's POV]
Hay...!
Nag-unat-unat ako nang tumataas na ang araw sa silangan ngayong bukang-liwayway.
Agad kong ibinangon ang aking katawan saka tiningnan ang kalendaryo sa malinis na wall. Pinunit ko ang isang page dahil August pa lamang yun.
It's almost September!
Kaso ang beginning ay Friday.
Yess! It's fun, fun Friday!
Bumaba na ako saka itinagilid ang dalawang pares ng mahahaba at magagarang kurtina at binuksan ang malaking bintana sa sala. Sinundan ng pang-amoy ko ang simoy ng hanging nagmula sa labas at ngumiti.
Lumabas na ako ng bahay saka inamoy-amoy ang mababangong bulaklak sa garden sabay haplos sa mahabang fence na nakapaligid sa bahay namin.
Iba nga ang dating ko ngayon, iba ang nararamdaman at iba ang isipan/naiisip. I don't know kung bakit ganito. I feel comfortable.
Napadaan naman si Glycine sa labas ng bahay namin habang nagdidilig ako ng mga halaman sa garden.
"O! Bat' anong nangyari sa'yo? Iba ka ngayon ha!", sabay ngiting sabi ni Glycine sakin.
"Hindi ko nga alam kung bakit eh! Pero I feel comfortable ngayon", sabay ngiting sabi ko rin sa kanya.
"Bakit ka pala napadaan dito?", tanong ko sa kanya.
"Nasilip kasi kita sa bintana ko kanina. Feeling ko kasi, ang saya mo ngayon ha! Kaya yun, lumabas na rin ako para makisaya", sagot niya.
"It's fun, fun Friday!", sigaw ko sa kanya.
Nabingi pa siya sa napakalakas kong sigaw sa labas. Napatingin lahat ng ka-village namin sakin. Parang alarm clock sa umaga kasi eh!
Tiyak na nakagising na si Heno o si papa or mama.
"Ate... Haaaay...! Bat' naman ang lakas ng sigaw mo ate? Nabingi pa ako tuloy!", naaantok at gulong-gulo ang buhok na sabi ni Heno sakin.
Natawa nga ako sa kanya. May muta pa kasi siya. Gulong-gulo pa kasi ang buhok niya. Ang creepy!
Humiga na siya sa settee sa balcony ng bahay namin saka pinagpatuloy na naman ang pagtulog.
Pagkatapos kong nagdilig ng halaman ay pumunta na ako sa loob at nadatnan ko na si mama na nagluluto ng breakfast namin. She has started to fry pancakes and served it on the table. Ako ang naglagay ng syrup sa tuktok ng bawat masasarap na pancake.
"Had a big plate of pancakes with syrup for breakfast", sabi ni mama sakin.
BIG word talaga ha!
Nagtimpla rin si mama ng hot choco drink made from cocoa powder. Pampainit daw ng katawan. Edi wow!
Kinatok ko ang kwarto nina papa saka sinabing:
"Pa! Kain na po", magalang kong sabi sa labas ng pinto.
Idinikit ko ang aking isang pares ng taynga sa pinto saka pinakinggan.
Nagulat ako dahil agad nalang nabuksan ang pinto.
"O anak! Bakit?", tanong ni papa sakin.
"Pa, kain na po tayo", sagot ko sa kanya.
"Sige! Sasabay na ako, hintayin niyo ako ha!", dinig kong sabi ni papa habang bumababa ako sa hagdan.
Hindi ko pa pala nasabi ang personal profile ni papa.
Techno Demetrus W. Colocasia ang buong pangalan ni papa. He's a successful electrician. Kaya dito kami nakatira sa village of Orreyung dahil sina mama ang taga dito. Sina papa ay taga ibang probinsya. Taga boondock kasi sila eh. Malayo dito sa province naming Sta.Uninola. Boondock rin dito sa amin. Malayo sa big cities. May tatlo ka pang madadaanang probinsya para makarating ka sa probinsya nilang tinatawag na Buaung. Kaya kung summer ay dun kami frequently nagva-vacation.
Hanggang dito lang po.Cut!
Masaya kaming kumain ng breakfast. Pumunta na sa trabaho si papa.
Ang susunod kong ginawa ay nag-ayos ako sa kwarto ko. Pagdating kasi ng weekend ay madumi na tong kwarto ko. Ako lang naman ang nagkakalat. Wala nang iba. Soundtrip rin sa kwarto at nakikisabay kumanta sa naka-play na music.
Hanggang 8 am akong naglilinis sa kwarto ko.
Si Heno naman ang masipag na naglilinis sa napakalawak naming sala. Dito ang karaniwang nadudumihan dahil sa rami ng bisitang pumupunta. Marami daw! Mga kapitbahay lang naman or cousins or classmates.
Pagdating ng 9 am...
Tapos na ang trabaho. Success!
"Anak! Ingat kayo ha! Pupunta na ako sa trabaho. Babalik ako ng 4 pm. Magpakabait kayo", nagpapaalam na sabi ni mama sa amin.
Nanonood ng TV ang ginagawa namin ngayon. Nagfold rin ako ng paper crane.
Tinawag ko si Glycine sa bahay. Nakisama rin siya sa aming nanood ng 'A Walk to Remember' habang kumakain ng fries. Tragic kasi. Yan tuloy, nahulog na naman ang tubig mula sa mga mata ko. Si Heno, parang wala lang sa kanya. Si Glycine ay napatulo lang ang luha niya ng minsan.
Ako ang nagluto ng lunch. Linuto kong ulam ay sinigang na karne ng baboy. Pinakain ko na rin dun si Glycine. Tatatlo lang kaming nagsaluhan sa lamesa. Saka ako nagtimpla ng masarap at maasim na pineapple juice.
Yun! Umuwi rin si Glycine after lunch dahil may gagawin pa daw siya sa bahay nila. Sayang! Pero I feel HAPPY pa rin.
Soundtrip muna kami ni Heno sa balcony habang nakaupo kami sa settee. Nagfo-fold rin ako ng paper crane. Dun na namin hinintay si mama.
Nakatulog na si Heno habang ako naman ay tuloy pa rin ang pagfo-fold at pakikinig sa lyrics ng music.
Mayroon na si mama.
"Oh! Yang ading mo! Nakatulog na naman! Heto oh, pasalubong. Dalawang cupcake yan and ten cookies", nakangiting sabi ni mama sakin.
Ang happy ko talaga ngayong day na 'to. Lot of fun pa!
Nagwalis ako sa facade ng bahay namin. Ang raming leaves na nakakalat sa lupa. Natapos ako ng 5 pm. Linagay ko na ang mga nawalisan kong leaves sa compost pit na matatagpuan sa backyard namin. Hindi kasi pwedeng magsunog ngayon dito sa planet natin. Masisira ang ozone layer.
Nagluto na si mama ng ulam para sa dinner.
Dumating na rin si papa...
Nagsalo-salo na kami.
"Ma, pa, Heno, itong araw na to ang happiest day ko. It's fun, fun Friday talaga!", sabi ko kina mama habang kami ay kumakain.
Of course, sinulat ko ito sa personal diary ko. Hindi ko makakalimutan 'tong araw na 'to. Yesss...!
BINABASA MO ANG
The Last Fold
Teen FictionFlossie, a 15-year old simple student had a plan to fold 1000 paper cranes. Because she'd like to grant her wish. These is for her sake. But a tragedy happened to her. She has only 999 paper cranes. She haven't finished it yet. But the love of her h...