Minutes later, bumalik ako sa pag eedit ng video namin after I composed myself.
Then pagkabalik ni Ice ay may dala siyang isang pitchel na tubig.
Hindi ako lumingon sa kaniya at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
Hindi siya nagsalita at hindi na muling tumabi sa akin. Thank goodness, dahil di ko alam kung makakapag isip pa ako ng matino kung bumalik siya sa tabi ko.
Naramdaman ko nalang na nag dala siya ng upuan sa likod ko, sa right side.
Mas pinag focusan ko nalang ang pag eedit kesa sa kaniya. Baka maging panget pa ang kalabasan nito. Nakakahiya naman.
After an hour, I guess, ay natapos ko din ang ginagawa.
"You didn't even let me help." biglang sabi ni Ice.
"It's not finished, tho. We still need to polish them." I answered and tumayo na. Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.
Nakita ko siyang napatingin sakin bago ulit tiningnan ang gawa ko.
"It's already 10:33." I mumbled while looking at my wrist watch.
"You're leaving?" Ice asked ng makita akong lumapit sa bag ko.
"Yup." sagot ko at sinuot na ang bag ko.
"I'll drive you home." he suddenly said.
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita.
"No, it's okay." sabi ko sa kaniya.
"No, it's already late." seryosong tugon niya naman.
"No, it's—"
"No, whether you like it or not, I'll drive you home, or you will sleep here." seryosong sabi niya. Hindi ko tuloy natapos ang sasabihin.
"But I have my car." bagot na saad ko naman.
Bakit ang kulit niya ngayon. 10:34 palang naman, hindi pa naman masyadong late.
"So? Drive your car and I'll drive my car behind you. Alright? Let's go."
Hindi na ako nakaimik ng agad siyang lumabas matapos sabihin iyon. Sumunod nalang naman ako at nakita ko siyang lumabas mula sa isang kwarto at may dala ng susi.
"Let's go." sabi niya at naunang bumaba ng hagdan.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakasunod lang sa kaniya.
Binuksan niya ang gate at pumunta sa sasakyan niyang nakaparada sa garahe. Habang ako at lumabas ng gate at pinuntahan ang kotse ko.
Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ito. Lumingon ako mula sa gate nila kung saan papalabas siya.
I was planning to drive full speed earlier pag umuwi ako, pero wag nalang pala.
Toyota lang naman ang kotse ko, at nababagalan ako, kaya gusto ko sana mag full speed man lang para makauwi agad, pero di ko yata magagawa yun ngayon.
Habang nasa biyahe ay talagang nakabuntot lang siya. Nasa 20+ minutes lang naman ang biyahe papunta sa bahay namin. Depende sa bilis nang pagpapatakbo syempre.
Isang liko lang mula sa main road ay malapit na ang bahay namin.
Nag stop ako sa gilid ng daan at sumenyas sa kotseng nasa likuran ko.
Nag stop naman ang sasakyan niya sa tabi ng akin at binuksan niya agad ang bintana.
"What?" he immediately asked.
"Dito na ang bahay namin. Pwede ka nang bumalik." sabi ko sa kaniya habang nakaturo sa daang paliko na nasa harapan namin.
Tumingin siya don saglit at kunot noong bumalik ang tingin sakin.
YOU ARE READING
PLUNDERER CHIC (COMPLETED)
ActionFreedom? I don't think she have such privilege. She opened her eyes one day with such gap and emptiness in her memories. That's why she grew up without knowing the truth about herself. Carnage and plundering's her specialty. Second thoughts while ai...