MAYNE'S POV
Ha? Ba't nasa labas siya ng boarding house?--Teka, pa'no niya nalaman kung nasa'n ako?
"Mayne, may naghahanap sayo sa labas," rinig ko mula sa boardmate kong si Nikki. "Winwin daw pangalan,"
Hala ka dyan.
"Kitkat ko," pagtawag ko sa aso kong si Kitkat. Lumapit naman siya sa 'kin at kumandong. "Behave ka lang ha, may bisita tayo,"saka ako ngumiti at binigyan si kitkat ng halik.
Pinahiga ko siya sa kama ko't haharapin si Dong Si Cheng na nasa labas. Habang naglalakad ay takang taka ako kung ba't alam niya ang boarding house ko.
"Hoy jusmiyo hala ka dyan Dong Si Cheng," ganon na lang ang naging reaksyon ko nang makita ko siyang nakatayo at nakatingin na sa'kin. Naka-shirt, black jackrt at black mask, intimidating at medyo nakakainis yung titig niya.Nasusungitan kasi ako. Pero bahala na.
"Ang tagal mong lumabas," salubong niya.
"Pa'no mo nalaman address ko?" Tanong ko.
"Kay Chenle," sagot nito. E, kay Mayor Chenle na naman?
"Ba't mo hiningi?"
"Obvious ba? Magpa-practice tayo, Mayne," pati sinasabi nito nakaka-irita.
"Pwede namang online," umiling ako sa kanya.
"Nandito na ako tapos papaalisin mo lang?" Saka niya ako tinaasan ng kilay. Nauna pang umirap. Mabuti na lang, hindi strikto si Mrs. Landlady dito.
"Sumunod ka," tinalikuran ko siya at naglakad papasok sa inuupahan namin. Bumuntong hininga nang maalalang kakalinis lang namin ng space namin ni Nikki nung isang araw. "Pasok. Upo ka dyan, kukunin ko lang yung ginawa kong vow,"
Pumasok ako sa kwarto at nagmamadaling kinuha yung sinulatan ko no'n. Tapos dinala ko rin si Kitkat. Sinabihan ko ulit na mag-behave siya kasi may bisita ako. Sumunod naman siya kasi nang makarating sa sala ay tahimik lang itong humiga sa upuan.
"Aso mo?" Tumingin ako kay Winwin. Tinanggal niya ang mask niya. Ako naman ay tumango, "lalaki?"
"Oo," sagot ko.
"Anong pangalan?"
"Kitkat," saka ko binasa yung gawa kong vows.
"Why Kitkat? Pambabae yon," sabi niya naman.
"A," ngumiti ako at naalala kung pano napunta si kitkat sa 'kin, "Ganto kasi 'yon. Nakita ko siyang mahina sa kalsada nun one time na naglalakad ako, pauwi na galing school. Kinuha ko siya,"
"Then?"
"Inalagaan ko..."
"Hindi ba siya hinanap ng may-ari niya? I mean, baka may nagmamay-ari sa kanya," siya. Umiling ako. "Then why his name's kitkat?"
"Kasi, nung bago pa siya rito sa boarding house, lagi niyang tinatangay yung Kitkat na paborito ng landlady namin tapos binibigay niya sa 'kin," saka ako natawa.
"Kitkat," pagtawag niya sa aso ko. Tinapik niya ang lap niya, at lumapit naman si kitkat sa kanya. Kumandong, at para bang komportableng-komportable siya kay winwin.
"Pet lover ka?" Tanong ko.
Tumango siya, "May tatlo kaming alaga sa bahay. Dalawang pusa at isang aso,"
"A," ganon pala. "Nga pala, may vows ka na?"
"Oo," sagot niya. Buti naman.
"So, start na tayo? Kitkat, move ka muna, magprapractice lang kami--"
"Hayaan mo lang siya rito,"
"A, oo, sige..." tumango na lang ako. "Start na tayo, so ako ang mauuna?"
"Sige," sabi niya.
"I, Mayne, will promise to..." nagsimula na akong magsabi ng vows. "Love and cherish you, will be with you... in sickness and in health, through ups and downs,"
"Iba yata 'yan kumpara sa sinabi mo sa kanila," ha?
"Anong... ibig mong sabihin?"
"Nabasa ko yung vows mo with them," ano? "Pinasahan ako ni Chenle," ay nakakatatlong mention na 'to kay Mayor, a.
"Pero..."
"Sinabihan ko siyang ipasa sa 'kin. Kukuha ako ng idea do'n," dito ay unti-unti naman siyang ngumiti, "you better change it now. Gawin mong mas sweet kaysa sa sinabi mo kina Lucas,"
"A-ano? Pero..."
"O magba-back out ako," wow ha, ano to? Blackmail?
"Oo na," wala naman akong magagawa. Kumuha ako ng ballpen at nagsulat ulit ng vow na gusto niya. Yung sweet daw, kaya natagalan ako sa paggawa. Ang hirap kayang magpa-sweet sweet, hindi ko alam kasi kung pa'no.
Huminga ako ng malalim nang matapos ako. Medyo maiksi pa 'to pero sasabihin na lang sa kanya na dadagdagan ko, tutal nagpra-practice pa naman kami.
Nang... may tumawag na lang sa kanya. Hindi masyadong malakas ang volume niya pero rinig ko. Hininaan lang niya yung volume pero sure ako na nakalimutan niyang i-loidspeaker 'yon, siguro. Babae ang kausap niya.
"Where are you? Kanina pa ako nanghihintay--" rinig ko.
Pero pinutol ni Winwin yung pagsasalita niya, "Busy ako,"
"Come on, monthsarry natin ngayon," a, may gf na siya. Gf niya yata tumatawag. Rinig kong may monthsarry, e.
"Fine," para bang napakadali niyang kausap kasi yon agad ang sinabi niya. Pero pinatay niya ang tawag na para bang naiiritia siya. Umiwas ako agad ng tingin at inayos ang sarili ko para hindi niya mahalatang nakikinig ako sa kanya at sa kausap niya sa telepono.
Binasa-basa ko na lang kunwari 'tong gawa ko.
"Let's do this next time. I have to go," marahan niyang hinaplos si kitkat at inihiga na sa upuan. Tumayo siya't sinuot ang mask niya.
"Umm, sige," iyon lang ang sagot ko. Hinayaan ko na siyang umalis kasi baka kanina pa naghihintay yung gf niya na ka-date niya.
Tinawag ko si kitkat at hinaplos-haplos lang, nang narinig ko naman ang... boses ni Nikki.
"Boyfriend mo 'yon? Gwapo ha," bungad niya at umupo. Malaki ang ngisi niya, "Ano, bf mo? Ba't di mo sinabi?"
"Gaga hindi ko boyfriend 'yon, kaklase ko lang saka ka-group ko sa online project namin, naalala mo? May practice kami kaya pumunta 'yon dito," pagtanggi ko naman.
"Heeeee, deny ka pa," para bang ayaw niyang maniwala.
"Ay bahala ka kung ayaw mong maniwala--"
"Pano ako maniniwala e kayong dalawa lang magpa-practice? Sus ka, Mayne!" Hindi talaga siya naniwala sa sinabi ko.
"Ewan ko sayo, basta kaklase ko lang 'yon," umiling na lang ako.