Chapter 30

14 1 8
                                    

A/N: Last chapter. Thank you so much for reading.
———

MAYNE'S POV

Katatapos lang naming ayusin ni Mayor Chenle ang mga upuan sa auditorium. Sabi kasi si Teacher E, papanoorin daw namin yung naging mga presentation namin.

"Parating na daw sina Teacher saka yung mga kaklase natin," rinig naming sabi ni Vice. "Okay na yung upuan?"

"Oo! Yung usb na'kay Lucas daw sabi ni ma'am," ani Mayor. "Uy Mayne,"

"O? Ba't mayor?" Naupo ako sa isang upuan saka tumingin sa kanya.

"Sa'n asawa mo?" Ha? Hindi ko na-gets yung tanong niya. Bumaba ang tingin nito sa kamay ko, "yung asawa mo,"

"Asawa? Mayor, ni wala akong boyfriend—huy!" Nang mapagtanto kung sinong tinutukoy niya ay natampal ko ang braso ni Mayor Chenle. "Ano ba, Mayor... walang ganyanan,"

"Sus! In-denial e gusto mo naman yung tao," umiling-iling siya saka umupo sa katabi ko, "so, miss mo?"

Ewan. Pagkatapos nung presentation namin ng online wedding e wala na siyang paramdam. Wala na kaming chats. Nung nagsisimula na nga kaming pumasok ulit sa school e hindi rin siya nagpapakita.

"Ilang weeks na rin siyang hindi pumapasok. Tuloy pa rin kasi yung suspension niya," si mayor. E kung gano'n, pa'no siya nakapag-perform— "sabi sa 'kin ni Teacher E, nakiusap daw si Winwin na makasali sa presentation. Buti nga pumayag sila,"

Gano'n? "E, alam ni Renjun? Diba siya dapat magiging kapalit niya?"

"Oo, alam niya. Kaya nga parang wala lang siya nung nag-present tayo," tumango ito, "so, miss mo nga siya?"

"Mayor naman–"

"Umamin ka na kasi. Alam naman namin ni Monching na gusto mo siya, pati naming lahat sa online wedd gc natin. Inunahan ka na namin, haha!" Tumawa siya.

"Siguro, tingin ko... pero hindi naman pwede—"

"Hindi pa. Pero malapit nang matapos ang school year. Magiging malaya na kayong mag-jowa," sa pagkakasabi niya ay mukhang mas excited pa ito. Napailing na lang ako. "At uy... speaking of..."

Itinuro niya ang isang direksyon. Sa may pinto. Do'n, nakita ko si Winwin. May... dalang bouquet ng kitkat. Eh?

"Ehem-maiwan ko muna kayo," tinapik-tapik ni mayor ang balikat ko at nag-apir pa kay Winwin bago tuluyang umalis ng auditorium. Naiwan tuloy kaming dalawa rito.

Medyo na-akward ako ng very very very slight.

"Akala ko, suspended ka pa rin?" Pag-uuna kong tanong. Para na rin mawala yung nararamdamang akwardness.

"Oo, suspended pa rin. But I'm not good. Hindi ako sumusunod sa rules," mukhang walang epekto sa kanya yung parusa, a. "Here," saka nito ibinigay ang bouquet.

"Para sa 'kin?"

"Mm."

"H-hindi ka na dapat nag-abala—"

"Wala 'yon," saka naman ito tumabi sa 'kin, "how are you?"

"Hmm? Ako nga dapat ang magtanong sayo n'yan."

"Nah, wala naman sa 'kin tong suspension na 'to. How are you?"

"Okay lang, ikaw?"

"I'm fine... thank you," napatingin din siya sa kamay ko, "it's been weeks. You still wearing it?" Kaya ako napatingin din sa kamay niya't suot niya pa rin pala yung singsing na gimamit namin do'n sa online wedding.

"Ikaw din..."

"I'm not gonna hide this anymore," hide? Ang ano? "I like you—"

"Wag kang magbiro, ha—"

Nagulat na lang ako nang medyo tumalim ang tingin niya. Ano to? Galit siya? Nairita ba siya sa sinabi ko? Wala naman siguro akong nasabing mali, diba? O meron ba?

"Huy... galit ka?"

"Uh—ha?" Siya. Ngayon, hindi ko na gets si Winwin. "A—um.. kasi, na-nando'n silang walo sa may pinto," walo? Sino?

Nilingon ko naman at nanalaki na lang ang mga mata nang makita sina Yangyang na nasa pintuan nga. A, napansin niya pala siguro 'yon. Pati sina Vice Mayor at Mayor nando'n din!

"Ya! Y'all get out—"

"Wag mo na lang kaming pansinin! Nakiki-tamis na nga lang kami sa sweetness n'yo!" Ani Yangyang, at nagtawanan naman sila. "Come on Dong Si Cheng, confess as if you two are only here!"

"Gagong paslit 'yon..." bulong niya, na rinig ko. "Get out, for damn sake,"

Pero tinawanan lang siya ng mga ito. Pati si Kun. Bumuntong hininga na lang ako, at nag-isip ng paraan kung pa'no walain itong nakabusangot na niyang mukha. Hay, nako.

Inasar pa nila si Winwin, pero nag-unahan na lang ang mga ito sa pagtakbo nang hubarin niya ang isang sapatos at ibinato sa kanila. Tawang-tawa ako nang makita ang nagtutulakang sina Yangyang at Monching na nasa mismong pinto.

Napikon na yata siya sa mga ito.

Pinulot niya ang sapatos at nakita ko na lang na isinarado niya ang pinto. Ini-lock pa!

"Huy, ba't mo ni-lock yan—"

"Trust me." Ha?!

Umupo siya ulit sa tabi ko't nadako ang tingin niya sa 'kin. Unti-unting kumalma ang mukha niya, naka unti-unti rin akong napanatag.

"Hey, Mayne?" Pagsasalita niya, "You know... it feels good to be wedded... with you."

"Ha?"

"I'm glad that after all what happened... we ended together."

"Huy..."

"Totoo yung sinasabi ko..." ngumiti siya, at ang cute niya, sa totoo lang. "Thank you for that. And I was more than satisfied, do'n sa vows mo,"

Natawa na lang ako, "Hindi scripted 'yon."

"Mine too..." talaga? Ang ganda no'n. "At yung sinabi ko sayo kanina..." 

"Ang alin?"

"Na gusto kita. I'll court you," aniya. Ano? "And... the kiss,"

"Anong kiss?" Maang-maangan kong tanong kahit alam ko naman ang tinutukoy niya. Pero imbis na sagutin ay nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Inilapit niya ang inuupuan sa 'kin. Kinuha niya ang bouquet na hawak ko at walang pagdadalawang-isip na sinapo ang magkabila kong pisngi.

"Win—" Una niya akong hinalikan sa noo. Hindi na ako nakapagsalita pa nang... nang ilapit niya ang mukha niya sa 'king mukha.

Magkalapit na rin ang mga labi namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Magkalapit na rin ang mga labi namin.

Mas nagulat nang nilapat niya na talaga ang... labi niya sa labi ko. Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman! Mga mata'y paulit-ulit na pumikit-bukas dahil sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng labi niya't kita kong nakapikit siya habang ginagawa ito.

Unti...unti na lang din akong napapikit. Naglapat at nagsiklop din ang magkabila naming kamay. Hindi ko alam kung ilang segundo ba itong tumagal, pero hindi ko na rin inisip.

"Pananagutan ko ang mga halik na 'to. Be mine, until I ask you to marry me. Until we can be wedded... legally." saka nito muling nilapat ang mga labi sa 'king labi.

Online WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon