Chapter 17

9 1 2
                                    
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mayne's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mayne's POV

"Malungkot ka yata," napatingin ako kay Nikki. Inabutan niya ako ng isang baso ng kape, "O,"

Tinanggap ko ito at bumuntong-hininga, "Okay na 'yung... yung project,"

"O, ayos na pala, e. Pero ba't parang sinakluban ng lupa't langit yang mukha mo?" Tumabi siya sa 'kin, sumimsim ng kape at tiningan ako, "hmm? Ba't?"

"E kasi, hindi makakasali si Winwin,"

"Ha? Ba't naman?"

"Kasi... dahil do'n sa picture. Binigyan siya ng parusa, tatlong linggong suspension," sagot ko.

"Ha? Tatlo? Gano'n kalala? Nang dahil sa picture?" Gulat siya, ako naman sobrang nakokonsensya.

"Sabi ng mayor namin, one week daw dahil hindi siya nakapagtimpi nung nasa guidance siya. One week ulit dahil may girlfriend siya. Bawal kasi sa mga first at second year na... makipag-relasyon," paliwanag ko.

"Ay, oo nga... naalala kong binanggit mo yan at... nage-gets ko na," tumango-tango siya. "E, ba't nga tatlong linggo?"

"Kasali rin ako sa suspension na 'yon. Kaso sinalo niya," inilapag ko sa lamesita ang basong hawak at napasandal sa upuan. "Nakokonsensya ako,"

"Eh? Talagang sinalo niya? Pero eto ha... ang lupit ng rules n'yo. Isang offense, isang linggong parusa. Hay nako," umiling-iling siya, "pero sinalo talaga no'n? Baka naman may gusto 'yon sayo,"

"Wag ka nga, Nikk. Imposible 'yon. Saka ang inaalala ko lang naman talaga e yung hindi siya makakasali. Makakapag present na kami pero hindi siya makakasama dahil sa punishment. Sabi ni mayor maghahanap na lang kami ng ibang groom," hays.

Napatingin na lang ako nang maramdamang may kumandong sa 'kin. Si kitkat. Hinaplos-haplos ko siya habang hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Winwin.

"So affected ka?"

"Affected? Sa'n?"

"Dun sa winwin. Kita ko yung sobra mong pag-aalala, Mayne. Pag-aalala ng isang girlfriend yung peg. Pag-aalalang may halong pagkagusto sa isang tao. Gusto mo yung Winwin, no?" Ngumisi ito, "diba?"

"Gaga walang gano'n. Hindi ko siya gusto. Pag-aalala lang to bilang classmate at teammate--"

"At bilang bride niya! Ayieeeeeeeeeeee!" Hindi siya mapakali kakatili at kaka yugyog sa mga balikat ko, "Yieeee, alalang bride yan, yieeeee!"

"Tumigil ka nga!" Tinampal ko na ang braso niya pero hindi siya natitinag. "Loka loka ka din talaga minsan, Nikk. Kitkat, wala tayong naririnig, ha?"

"Ayieeee, gusto niya yung Winwin, nag-aalala siya para dun sa winwin! Ayaw mo ng ibang groom, no? Kasi gusto mo si Winwin! Yieeeeee!" Paulit ulit niyang sinabi pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang kunin ang cellphone ko at nasakop ng matinis niyang tili ang buong boarding house namin. Kinikilig kuno, kasi nabasa niya ang mga messages at chats namin ni Winwin. Timang talaga.

"Eh?" Hmm? Napatigil na lang siya, "May nag-message,"

"Sino?"

"Vaness," hala...

Kinuha't tiningnan ko ang phone screen. Nanlaki na lang ang mga mata nang makita yung mga messages nung... Vaness.

Naloko na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naloko na.

Online WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon