Mayne's POV
"Huy, kay aga aga nakabusangot mukha mo?" Ani Nikk, "Presentation n'yo ngayon, diba? Smile ka naman,"
"E kasi..."
"Kasi?"
"Kasi parang hindi na talaga makakapag-present si Winwin kasama namin," pag-aalala ko. Iyon naman talaga ang iniisip ko mula pa nung nakaraan.
Sobrang dami ng nangyari noong mga nakaraang araw, at lahat ng mga iyon ay sobrang bibilis din. Hindi ko expect na ito ang kahihinatnan ng lahat.
Simpleng project lang naman sana ang ipre-present namin. Isang simpleng araw lang naman sana ito para makuha ang grades namin. Simpleng team lang kami at simpleng oo lang din ang hinintay namin kay Winwin para gawin siyang groom pero dito lang hahantong ang lahat. Hindi siya kasama sa performance namin ngayon.
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan.
"Huy..." tinapik-tapik ni Nikki ang balikat ko, "Gusto mo na siya, no?"
"Anong klaseng tanong yan--"
"So, gusto mo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero umiling ako. Ewan, hindi ko kasi alam. "In-denial ka talaga. Gusto mo yung tao, wag mo nang ipagkaila,"
"Pero hindi naman pwede... hindi pa-"
"Ayun... gusto mo nga," dito ay hindi na ako nakasagot pa sa kanya. Siguro nga? Hindi ko alam talaga. "Hay... ang Mayne namin..." marahan niya akong niyakap, "Alam mo, kung gusto mo siya, i-confess mo na. 'Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa, malay mo mutual feelings n'yo,"
"Hindi ko alam Nikk..."
"Kaya mo yan, at basta... nandito lang ako handang kumain ng mga chocolates na ibibigay niya sayo pag naging kayo," sabay tawa niya.
"Ano ba, Nikk... hindi naman pwede kasi bawal sa pa sa 'min 'yon. School rule, diba?"
"Sus! Wala namang masama do'n, as long as alam n'yo lang yung tama at mali.. at nirerespeto ninyo ang isa't-isa. Hays. Di bale, magthi-third year na kayo. Makakapaghintay pa rin naman yan," humagikhik siya't pinanggigilan naman si Kitkat, "diba kitkat? Yieeeee,"
Natawa na lang ako nang tumahol ito na para bang sang ayon kay Nikki.
"Ready na yung singsing at yung susuutin mo. O siya, maghanda ka na. Aayusan na rin kita," tumango na lang ako, at nadako sandali ang mga mata ko sa phone ko.