(A/N): first of all. i would like to say thank you.. wala lang! hehhe
kahit walang nagbabasa okay lang sa akin..
chapter two na atleast nakagawa na ako ng kasunod. hehehe!! please read naman oh...
naville's POV
"papa!" nagising ako dahil sa napanaginipan ko. Napanaginipan ko kasi si papa.. masaya kaming naglalakad sa may park at magkahawak kamay kaming tatlo pero bigla na lang siyang naglaho.
Palagi ko siyang napapanaginipan paggabi. At palaging ganun na lang ang nagyayari sa panaginip ko. hindi ko tuloy maiwasang hindi umiyak. nasasaktan ako.. sana kung nandito siya, sana hindi naging miserable ang buhay ko. sana masaya pa siya hanggang ngayon ( ang tinutukoy ay ang Mama niya ) na kasama kami. SANA. Pero alam ko naman na hindi na mangyayari iyon dahil hanggang sana na lang naman ako..
*....Kinaumagahan... *
After what happen kagabi naging okay na naman ako. nakatulong siguro ang pag-iyak ko.. Actually hindi naman talaga ako maiyaking tao.. nagiging iyakin lang ako pag sina mama at papa na ang involved.. kaya from this moment. pupunta na ako sa trabaho at magpapayaman ako.. bwahahaha!! kaya dapat itigil na ang pag iyak dahil hindi bagay sa akin.! Hindi bagay kasi parang OA ko na masyado.
lumabas na ako ng bahay ko at sakto rin na lumabas yung neighbor ko. Pero ang pinagtataka ko eh bakit parang namumula ako. What does it mean? for sure naman na hindi ito love. kasi kung love to sasabihin ko sa kanya agad-agad wala ng pero-pero, go na agad baka makuha siya ng iba. pero dahil kakikilala ko lang sa kanya kahapon. imposibleng maging love ang nararamdaman ko. ano yun LOVE at FIRST SIGHT??! oh come on man! thats really bullsh*t! i don't believe in love at first sight churva!! that was so pathetic. you can't just in fall inlove with him, dahil nakita mo lang siya. pero kung CRUSH pwede pa.
" ui! good morning!" nakita ko siyang papalapit sa akin.
"ha?" actually nawawala na naman ako sa mundo. hindi ko naintindihan yung sinabi niya kasi tinitignan ko lang ang mukha niya. Sh*t na malagkit. bakit ang gwapo ng mukha nito pag umaga? nakita ko din siyang ngumiti sa akin.
sa akin? .....
sa akin siya ngumiti??......
pero ba't lalo ata akong namumula!?? what the hell is happening to me.... and this world???!!!
"ui! okay ka lang??" bumalik na din ako sa katinuan ko. pero nagulat ako nung makita ko siya ng malapitan. as in sa sobrang lapit niya halos di na ako makahinga. umattras ako para naman makahinga ako kasi sa lapit ba naman ng isang to halos maubusan na ako ng hininga..
nakahinga na rin ako ng maluwag. kaya hinarap ko siya. eye to eye ang drama namin. tumingin na naman ako sa mukha niya. bwisit lang nakaka adik siya. sana drugs na lang siya eh.. aii!. banat yun ah.. .hahahaha!!!
" Naville! ano bang nangyayari sa yo?" tanong niya sa akin na may halong pag alala..
"ha?.. ah wala.. bakit mo naman na sabi yan??" curious kong tanong. syempre naman kailangang sabihin iyon para may topic naman kami.. hehehe
"kasi naman nung nag good morning ako sa iyo, hindi ka sumagot. lumapit na nga ako sa iyo pero tulala ka naman. nagdedaydreaming ka ba? o baka natulala ka sa kagwapuhan ko?? hahaha joke!" naku naman tumatawa na naman siya..
" parang ganun na nga ata eh."
"ano? ?may sinasabi ka ba,??" nagulat naman ako dun. hindi ko na nga linakasan para hindi niya marining. pabulong na nga yun eh.. ang lakas tenga nito ah..
"wala no!! ikaw ata tong nananagnip ng gising eh..ahahaha!!" yan galing kong magpalusot.. ako na! ako na talaga!! hahaha...
" ano ka ba! may narinig kaya ako.. parang sabi mo is ........ganun na nga?? oh well sige di bale na nga lang.." hala! buti na lang di niya masyadong narinig lahat ung sinabi ko. hay buti na lang talaga..
" san ka nga pala pupunta? bakit ang aga mo naman ata. 6:30 pa lang oh" tinignan ko yung relo ko. sabay tingin sa kanya..
" Malamang sa work. hello! monday ngayon. Gusto ko kasi maaga ako sa work. eh ikaw bat ang aga mo naman lumabas. huwag mong sabihing maguumpisa ka nang magtrabaho sa opisina?"
"ofcourse not! may jetlag pa ako. I'm just having my morning excercise! you know para mas lalong maging maganda ang katawan ko. hehehe" pagmamayabang na naman nito.
"Oh, saang banda ang maganda sa katawan mo? ang yabang naman nito." pabulong niyang sabi.
"Ayan ka na naman eh, bumubulong ka na naman. Sabihin mo na kasing gwapo ako hindi yang bumubulong ka..HAHAHAHA!!" bwisit! sige tumawa ka pa diyan.
"HAHAHAHA!" Aba't talagang , sumosobra ka nato ah.. isssshhhh!!
"Sige tumawa ka lang diyan! Bahala ka sa buhay mo! Goodbye and Good day!" Maglalakad na sana ako nung marealize ko yung sinabi ko. " Mali pala. Hindi pala dapat good day, kundi BAD DAY! Che!" sabay walkout ko sakanya.. HA! akala nung maputing BAKULAW na yun. Syempre hindi ko siya uurungan no! Pero nakakatawa yung itsura niya! HAHAHA!
"Hoy BAKLA! Anong tinatawa-tawa mo diyan ha??" Tumingin ako sa harap ko at tadaaa!! si ate guard pala ito. Ate kasi bakla yan. Close ko nga yan dito sa subdivision namin. Aba akalin mo yun isang bakla kaclose ko, pero in all fairness ako lang yung kaclose niyang girl dito yung iba lalaki na..hahaah!! Alam niyo naman..heheehe! Teka nga napapansin ko kanina pa ako tumatawa ahh.
"Oh nawawala ka naman sa mundo, kanina tumatawa ngayon naman nagdedaydream! ay ewan! Oh bakla! Ano na machismis ha?" kinalabit niya ako "Huyyy!!" niyugyug na naman niya ako. Nung wala pa akong reply "Hoy bruha!" akalain mong sinabunutan ako! doon na ako nagising sa natutulog kong diwa.
"HOY ate guard subukan mong iyugyug at sabunutan ulit ako ilalabas ko yan tunay mong pagkatao nang wala nang lalapit sa iyo gusto mo??!!!" HIndi nman ako yung taong madaling magalit pero walang iyang bakalang to sinabunutan ako. Ayoko pa namang pinapahawak tong buhok ko pag umaga, lalo ba't pupunta ako sa work! Isshhh!!!
"Ito naman di na mabiro!" arteng sagot ni ate. Haayyy naku.. bakla talaga siya. Buti hindi nahahalata ng mga lalaki dito. hayy.. " Oh suklay, suklayin mo na yung hair mong sinabunutan ng magandang baklang ito..hahhaa" sabay abot saakin yung suklay niyang madaming buhok na nakasabit! Great just great! Umagang-umaga badtrip na agad ako..
"hindi na. Mayron naman akong suklay eh. Salamat na lang. At Ate mamayang gabi na lang yung chismis ha, nagmamadali na kasi ako. Alam mo na traffic.." Paumanhin ko sa kanya. Aba siyempre kailangan respetuhin mo pa rin yan. Mas matanda siya eh. " Oh sige te alis na sko. BYE!!