" So here we are! This day is really amazing!" masiglang bigkas ng host ng isang tv show na si Krish.
" Yeah.. cos we have this awesome award winning writer and director diba. Blockbuster hit pa ang mga movies!" ani glister, the co-host."Yez,yez,yez, ang expensive naman ng guest natin today". si Krish.
"You're right partner, pero who's this ba? Hahaha kidding aside, kilala na namn yata ito ng lahat, sa dami ba namang movie lines nyang tumatak sa atin."napapalakpak pa ng kamay si bakla, akala yata hephep horey ito.
"True glister, kaya e welcome na natin, the one and only... Ms. Gab!"kasabay ng pagbigkas ni Ms. Krish ay ang hiyawan at palakpakan.Weeww, ang energetic nila. Syempre dapat ganon din ako, bawal akong malamangan.chur.
Isang purple cardigan, high waisted light blue jeans at white sneakers ang aking OOTD. With my matching favourite chanel na black sling bag, pero of course ay hindi ko to pwedeng dalhin sa stage kaya iniwan ko ito sa aking assistant, oh taray diba may pa assistant ako, di tulad ng iba diyan puro chismis lang wala namang perang pambayad pang hire ng assistant. Pero churchur lang po, wag niyo ako ibash.
Medyo na hassle pa nga kanina dahil sobrang traffic, that's why I tied my hair in a high ponytail, may nakapagsabi kase sakin noon na bagay daw sakin ang Ponytail kaya tinuloytuloy kona, or in short nauto ako, hehe.
Lumabas nko galing sa backstage, bumungad sa akin ang matamis na ngiti nina Ms. Krish, Sir Glister at ang mga tao sa studio.
Kakaiba yung feeling ko ngayon sa interview nato, there's something I can sense, siguro may white lady dito,chur. Muli na namn akong paparangalan at babatiin sa aking mga achievements. I'm happy and contented na, sino ba naman ang hindi, nang mabatukan ko.Nang nasa stage na ako, my smile widens seeing the familiar set of my fans. Until now, hindi parin ako makapaniwala na malayo na nga ang narating ko, before only my friends are my supporters.
" Welcome ulit Ms. Gab, such a pleasure to have you here, please have a sit." anyaya ni sir Glister. Ngumiti uli ako bago maupo, kangawit din ang pagsmile a, haha joke lng bayad naman to kaya keri lng, pero di po ako mukhang pera a, ang pera ho ang may kamukha sakin, hshs joke ulit, at btw my smiles are genuine a, baka sabihin nyo plastik ako e medjo lang naman.
" Ms. Gab, ang pretty mo lalo today a." Im aware about that, sabay smirk kunyare, char lng, nako nako focus self kung ano ano na naman ang iyong naiisip, bawal mag mukang lutang today. " Nako ms. Krish di naman masyado." Sabay pabebe kong smile ulit, asus, d bagay sayo self, mukang tanga.
"Hala sya oh, pero hindi ko na talaga kaya to, ang intrigera mode ko ay activated na." Sir glister giggled.
Ay, wala na, hot seat na naman ako, Iba pa naman ang dalawang to makatanong, kala mo ay isususlat nila to sa book of history, haha char lng, ang totoo ay trip ko naman ang chikahan, graduate pa nga ako at may highest degree sa paninirang tao, chur uli, baka mamaya ay may maniwala na.
"So how does it feel ba, na yan nga ang successful mo na?"
Tumingin muna ako sa mga tao, para kunyare may pang Oscars ako na speech." Syempre po, basic lang naman yan na masaya agad, but to feel blessed hits different, I never expected to come this far, I'm just a dreamer before, and now I'm someone's inspiration to achieve their dreams and goals." Sumulyap ako sa camera, kunyare naintindihan ko sinabi ko.
YOU ARE READING
The Storyteller
Teen FictionCan it still be called love if what you are holding on to is only the past? Maybe not, because maybe you are no longer in love with that person; you just love the idea of being in love with that particular person, you are in love with the memories. ...