Chapter 14:You Break are Relationship

19 2 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 14

Jimin's p.o.v

Gabi na kami nakauwi at sobrang pagod ako, hindi ko alam kung bakit.

'' Magpahinga kana, magwawalis lang ako ng bahay,'' sabi ni yoongi at lumabas ng kwarto.

Kumuha naman ako ng damit na pantulog at dumeretso sa banyo, naglinis ako ng katawan at nagbihis, naghilamos narin ako at nagtoothbrush.

Patulog na sana ako ng maisip kong hindi pa napasok ng kwarto si yoongi.

Bumangon ako at sinilip ko sya sa sala. kaya naman pala anong oras na naisip nya pang uminom ng alak. bahala nga sya basta inaantok na ako. bumalik na ako sa higaan at nag umpisa ng matulog.

********

Nagising ako nang makaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko, dumilat ako at nakita ko si yoongi na nakapatong sakin.

'' Yoongi,'' bulong ko.

'' Jimin, akala ko sa akin kana, pero hindi pa pala,'' sabi nito at sinubsob ang muka sa leeg ko.

'' Ang baho mo,'' sabi ko at nag takip ng ilong, amoy na amoy ko ang alak sa hininga nya.

'' Nakuha ko ang iniingatan mo, nakuha kita mula sa nanay mo, nakakasama kita sa isang bahay, nakakasama kita mag hapon, ako yung ama ng dinadala mong bata pero hindi ako yung mahal mo,'' sabi ni yoongi habang nakasusob parin sa leeg ko.

'' Tama na, mabigat ka,'' sabi ko at tinulak ko ito.

Napahiga sya sa tabi ko at nakita ko itong pumikit.

'' Hindi ko rin kaya 'yung amoy mo,'' bulong ko Kay yoongi kaya bumangon ako at dumeretso sa sala.

Nahiga ako sa sofa at doon na nakatulog.

*********

Yoongi's p.o.v

Nagising ako dahil sa ingay ng nag-usap na isang babae at isang lalaki, pagmulat ko ng mga mata ko ay nagulat ako ng makita ko si jimin at may kasama itong lalaki na kausap sa harapan ko.

'' Ano 'to?'' sambit ko at bumangon.

Nakita kong hawak ng lalaki ang maleta ni jimin.

'' Aalis na kami, sasama sakin si jimin dahil ako ang mahal nya,'' sabi ng lalaki at hinawakan ang kamay ni jimin.

'' Wag! hindi pwede! ako ang ama ng dinadala nya! may sarili na kaming pamilya Kaya layuan mo na kami!'' sigaw ko sa lalaki.

'' Ayako pumatol sa 'yo ngayon, Kaya si jimin na ang magsasabi sa' yo jimin? sinong pipiliin mo? ako o si yoongi,'' tanong nung lalaki kay jimin.

'' Ikaw, sa 'yo ako sasama,'' sabi ni jimin na ikinadurog ng puso ko.

'' Ikaw ang sumira sa relasyon namin! Kaya wag mo syang tawaging pamilya,'' sabi nung lalaki at naglakad na sila paalis.

'' Jimin! please!'' pagmamaka-awa ko.

'' I can give you all i have!'' sigaw ko pa at tuluyan ng napahagulgol sa sakit ng nararamdaman ko.

Nagising ako ng mag-isa sa kama, agad akong bumangon at napraning ako dahil baka totoo ang nangyari.

'' Jimin?'' sigaw ko at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si jimin na mahimbing na natutulog sa sofa.

'' Jimin?'' bulong ko at napahawak ako sa puso kong mabilis parin ang kaba.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now