Chapter 15:Who Is Allyson In Yoongi's Life

20 2 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 15

Yoongi's p.o.v

'' Bakit parang hindi ko nakita si jimin sa bahay mo? wala ba sya ron?'' tanong ni Allyson.

'' Nasa kwarto sya kanina,'' sagot ko.

'' So, ako lang pala ang nakakaalam na may anak kana pala, grabe ka talaga,'' sabi nito at tumawa.

'' Bakit ba? hindi ko naman kaylangan iradio na magkaka-anak na ako,'' sabi ko.

'' Sayang hindi ko sya na-meet, saka sayang ka din. akala ko crush mo rin ako,'' matatawang sabi ni Allyson.

'' Sus, Kaya ko nga sinabi sa 'yo para wag ka nang umasa kase ayokong saktan ka, matagal na tayong magkaybigan,'' sabi ko.

Si Allyson ay kaybigan ko simula college pa kami, isa sya sa mga tropa ko, galing syang Singapore at nag-aya siyang lumabas kami once man lang.

Pauwi na kami ngayon at hinatid ko lang sya.

'' So, kini-keep mo bang sicret ang anak mo? dahil estudyante mo si jimin?'' tanong ni Allyson.

'' Hindi sa ganon, may tamang oras kasi para sabihin sa lahat. iniisip ko lang si jimin. parang kinakahiya nya pa dahil nga rin hindi magiging pabor sa nanay nya kaya sya nakatira sa akin, ayaw nyang malaman ng nanay nya dahil hindi nya naman ako mahal tapos nabuntis ko sya, 'di ba?'' natatawa kong sabi.

'' Pero aminin mo masakit, mahal mo pero hindi ka mahal, parang tayo? mahal kita pero hindi mo ako mahal,'' sabi ni Allyson.

'' Baliw ka talaga,'' natatawa kong sabi.

'' Paano Kaya kapag nalaman na ng mama nya? ano kaya mangyayari sa inyo?'' tanong nito.

'' Ewan ko ba,'' tugon ko at hininto ang kotse sa tapat ng bahay nila allyson.

'' Sige na, salamat sa lunch, ingatan mo yung magiging pamilya mo balitaan mo ko,'' sabi ni Allyson at bumaba na ng kotse ko.

'' Oo naman, thank you rin, take care,'' sabi ko at umuwi na.

***********

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si jimin na nakaupo sa sofa at natutulog, may hawak pa itong baso buti nalang nakalapag ang kamay nya sa sofa Kaya hindi nabasag yung baso unless nasasagi nya dahilan para mahulog.

Bakit kaya dito na to natulog? bukas pa rin yung tv. kung inaantok sya, dapat sa kama sya para komportable pati si baby.

'' Jimin, wake up sleepy head,'' bulong ko sa tenga nito.

Kinuha ko ang basong hawak nito. mukhang gatas ang ininom nya, mabuti kong ganon.

'' Anong ginagawa mo dito? umalis ka nalang wag ka nang bumalik,'' sabi nito sakin at inirapan ako.

'' Ha? anong sinasabi mo?'' tanong ko at hinugasan ang basong ginamit nya.

'' Bingi ka ba? sabi ko umalis ka nalang,'' sabi nito at lumapit sakin, kumuha sya ng plato sa tabi ko.

Napakunot ang noo ko. '' oh? hindi ka pa rin nagtatanghalian? ala una na. jimin? may vitamins ka pang dapat inumin para sa baby,'' sita ko sa kaniya.

'' Alam ko, hindi ako tanga, nakatulog kasi ako di 'ba?''mataray nyang sabi at kumuha ng cornbeef sa estante.

'' Ako na ang magluluto maupo ka nalang don, bakit ka nga pala doon natulog?'' tanong ko.

'' Nakatulog ako sa sama ng pakiramdam kanina. nahilo ako tapos pumikit ako tapos wala na nakatulog na ako. kasalanan ko ba 'yun?'' pagtataray sa akin ni jimin saka lumakad papunta sa sofa at nanaood na muli ng tv.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now