Chapter 21: Katherine

18 2 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 21

Jimin's p.o.v

Kinabukasan sinamahan ako ni yoongi sa mama ko, balak na namin sabihin ang lahat, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nagkagulo pero bahala na. ang importante wala na akong tinatago.

'' Dito ka nakatira 'di ba?'' tanong ni yoongi at hinawakan ang kamay ko.

Tinignan ko naman sya, parang gusto ko nalang mag back-out.

'' Kaya natin 'to, handa akong saluhin lahat ng responsibilidad,'' sambit nito at ngumiti.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na kami sa bahay ni mama. maayos naman ang lahat, nakita ko si mama na naghuhugas ng plato.

'' Mama,'' sambit ko, agad naman itong napalingon sa akin. kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya.

'' Magandang araw ho,'' bati ni yoongi.

'' Jimin?'' ani ni mama at lumapit sakin na para bang hindi sya makapaniwala.

'' Mama may kay---'' napatigil ako sa pagsasalita ng maramdamam ko ang palad ni mama sa aking pisnge.

'' UMALIS KA BA PARA MAGPABUNTIS,'' sigaw ni mama.

Hinawakan ako ni yoongi at pinaatras ako nito, lumakad si yoongi papunta sa mama ko.

'' Ako nalang ho ang saktan nyo, ako po ang nakabuntis---'' hindi na rin natuloy ang sasabihin ni yoongi dahil nagulat ako ng sampalin din sya ni mama.

'' EH G*GO KA PALANG LALAKI KA?! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?! HINDI PA KAMI NAKAKAAHON SA HIRAP! PERO TIGNAN MO! SINIRA MO ANG BUHAY NG ANAK KO?'' sigaw ni mama at nagulat pa ako ng bigla nyang hinagis ang picture frame sa tabi nya.

'' Mama,'' bulong ko at tuluyan nang napaluha.

'' Hindi kita pinagtapos ng pag-aaral para lang magpabuntis, hindi ako gumapang sa hirap para lang magpabuntis ka!'' sigaw ni mama sakin.

'' Tita, patawarin nyo ho ako, sakin ho kayo magalit---'' muling sinampal ni mama si yoongi, agad akong lumapit kay yoongi at hinawakan ang braso nya.

'' Mama please, tama na, sorry na po, sorry talaga, ''sabi ko at akmang hahawakan si mama pero tinaboy nito ang kamay ko.

Maya-maya lang ay biglang bumulagta si mama sa sahig.

'' Mama!'' sigaw ko at sinalo ito.

Binuhat ni yoongi si mama, agad kaming lumabas ng bahay at sinakay si mama sa kotse.

'' Si jimin 'yun diba,''

'' Buntis na agad, kinasal na ba 'yan?''

'' Baka kinasal na, diba umalis na 'yan dito?''

'' Sabi nang nanay nya nagtrabaho daw sya sa maynila,''

'' Tingnan mo nga mukhang iba ang trinabaho,''

Napabuntong hininga nalang ako sa galit, gusto ko silang sampalin isa-isa, mga kapit bahay na chismosa.

*****'*********

Hawak-hawak ni yoongi ang kamay ko habang magkatabi kaming nakaupo sa labas ng room ni mama.

'' Medyo nahihilo ako,'' bulong ko at pumikit.

'' Naiistress kana siguro, sorry,'' yoongi said and hold my hand tighter.

'' Kamusta na kaya si mama,'' i whispered.

'' I hope she's okay,'' sabi ni yoongi.

Lumabas ang doktor mula sa kwarto ni mama, tumayo si yoongi, akmang tatayo rin sana ako pero nanlata ang mga binti ko kaya nanatili akong nakaupo.

'' Tumaas ang presyon ng mama mo iha, binigyan namin sya ng gamot na makakatulong sa kaniya, dati na syang pumunta dito, hindi ko nakakalimutan 'yun dahil bigla syang hinimatay nung araw na yun. binigyan ko sya ng maintenance pero mukhang hindi sya umiinom ng mga gamot na nireseta ko sa kanya,'' sabi ng doktor.

'' Doc, ano-ano po ba yung mga gamot na kaylangan nyang i-take? bibili na po sana ako ng marami para may stock sya,'' sabi ni yoongi.

'' Sundan mo ako, nandon sa opisina ko ang papel ko, ililista ko ang lahat, pero binigyan ko na sya dati,'' sabi ni doc.

'' Kaya mo ba? hintayin mo nalang ako dito,'' sabi ni yoongi at umalis na sila ni doc.

Sinubukan kong tumayo at hinawakan ang doorknob ng pinto.

'' Miss, ok lang po ba kayo? namumutla po kayo,'' sabi ng isang nurse at hinawakan ang bewang at braso ko.

Inalalayan nya akong makapasok sa kwarto ni mama.

'' Buntis kayo, baka makasama sa baby nyo 'yan,'' sabi ng nurse pero hindi ko ito pinansin. naupo ako sa tabi ni mama at hinawakan ko ang kamay nito.

'' Mam, hintayin nyo ako, tatawag lang ako ng doktor,'' sabi ng nurse at agad itong lumabas.

'' Pakiramdam ko walang magandang nangyari simula ng mabuntis ako,'' natatawa kong bulong.

'' Ni-hindi kita naalagaan dahil umalis ako, hindi ko na alam, m-may na-nanaramdaman ka na palang hi-hindi maganda,'' sabi ko at tuluyan ng napaluha.

'' Sorry, ma,'' bulong ko.

Pumikit ako at naramdaman nanamang sumakit ang ulo ko.

'' Jimin?'' rinig kong tawag sakin ni yoongi.

'' Sir, kayo po ba ang asawa nya?'' nakita ko pong nanghihina sya kanina kaya tumawag ako ng doktor,''

Naramdaman ko ang mga kamay ni yoongi na humawak sa mga balikat ko. nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

'' Jimin?''

'' Let's check her vitals.''

'' Jimin, ok ka lang ba?''

'' Ma'am, idilat nyo po ang mga mata nyo, ayos lang po ba kayo?''

'' Anong naramdaman nyo? misis?

******************

Yoongi's p.o.v

Nawalan ng malay si jimin kaya dinala rin sya sa ibang room, hindi pa sya kumakain at hindi pa rin sya nakakainom ng vitamins, dagdag pa ng stress at sama ng loob kaya sya nanghina.

Napabuntong hininga ako, naguiguilty ako sa mga nagawa ko. pumunta ako sa cr at naghilamos, walang tao kaya sinarado ko ang pinto at nilock ito.

Tumitig ako sa salamin at napaluha.

'' This is all my fault,'' bulong ko at napasabunot sa buhok ko.

Ginulo ko ang buhok ko at napasuntok sa pader.

'' She's f*cking supper because of me, f*ck that,'' bulong ko at muling sinuntok ang pader.

'' Tang*na! pero kung hindi ko naman ginawa 'yun, hindi sya mapapasakin, ayoko-ayokong mapunta lang sya sa ibang lalake, sakin lang dapat sya. pero putcha!'' bulong ko at napasipa sa katabi kong basurahan.

'' When i see her cry, it f*cking kills me,'' bulong ko.

{cellphone vibrate}

'' Who's this?'' tanong ko.

'' Hey, just got back here in the Philippines, how are you?'' sabi nito, hindi ko naman matandaan ang boses nito pero babae sya.

'' Sorry, sino 'to? I don't recognize youre---'' she cut me off and laugh.

'' Silly yoongi, it's me Kathrine,'' sabi nito.

'' Sorry, hindi agad kita nabosesan, matagal ko rin hindi narinig ang boses mo,'' sabi ko.

'' Yeah, i understand, let's meet, balita ko successful professor ka na ngayon,'' sabi nito at tumawa.

'' Not really, but Kathrine, i'm sorry, i'm kinda busy right now, let's meet soon i'll just call you and welcome back,'' sabi ko.

'' Yeah sure, thanks,'' sambit nito and she dropped the call.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now