Chapter 18:Bridal Style

28 2 0
                                    

  WARNING THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT, READ YOUR OWN RISK!!

CHAPTER 18

Jimin's p.o.v

Hawak-hawak ko ang tyan ko habang naglalakad kami ni yoongi papunta sa lugar kung saan pwedeng mag-strawberry picking.

'' Ok ka pa ba?'' tanong sakin ni yoongi.

'' Oo naman,'' sagot ko.

Pero sa totoo lang ay nangangawit na ako sa kalalakad. wala naman akong choice dahil hindi naman uso wheelchair dito, hay naku!

'' Hinihingal kaba?'' muling tanong ni yoongi.

'' Oo, pero ok lang ako 'no!'' sabi ko at mahinang tumawa saka nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya lang ay hinawakan ni yoongi ang braso ko kaya humarap ako sa kanya.

'' Baka mapano yung baby natin,'' sabi nito.

'' Ha? kaya ko pa naman eh,'' sabi ko.

Bigla nya akong binuhat ng pang-bridal style.

'' Hindi ako sanay ng ganito,'' sabi ko at napakapit sa leeg nito.

'' Baka ilaglag mo ako,'' sabi ko pa.

'' Tsk, baliw ka ba? alam mong hindi ko kayo pababayaan mag-ina,'' sabi nito.

Para bang nakaramdam ako ng kung anong kilig at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

Bakit kase ganon yung mga banatan nya ng salita. grabehan kasi!

'' Nakikita ko na, medyo maraming tao,'' sabi ni yoongi.

Tumingin ako roon, nakakita ako ng lugar na pwedeng pagpicturan. Kaya agad akong nagpababa kay yoongi at pumunta sa statue ng strawberry.

'' Picturan mo ako dito bilis!'' sabi ko at ngumiti kay yoongi dahil pipicturan ako nito.

'' Ikaw ba? dali picturan din kita,'' sabi ko.

Umiling naman ito.

'' Ang K.J mo naman! dali na,'' sabi ko.

'' Hindi ako mahilig mag picture, jimin,'' sabi nito.

'' Kaya nga sinasanay kita 'di ba,'' sabi ko at kinuha ang cellphone sa kanya.

Tinaasan ko sya nga kilay kaya agad syang pumunta sa pinwestuhan ko, ngumiti naman ito at pinicturan ko sya. sobrang gwapo nya talaga, matanda na sya pero bagets parin ang look.

'' Tara na, baka wala na tayong makuhang magandang strawberries mo,'' sabi ni yoongi at pumunta na kami doon.

Mayroong entrance fee at kilo-kilo lang ang babayaran sa strawberry.

Binigyan kami ng basket at gloves.

'' Shems! natatakam ako yoongi! parang gusto ko diretso kain na pagkapitas!'' sabi ko at umupo para tignan ang mga strawberries na hinog.

'' Syempre huhugasan mo pa 'yan,'' sabi ni yoongi at nakita ko syang namimitas na ng strawberry.

'' Eto yoongi malaki, sana hindi maasim,'' sabi ko at tinuro yung nakita kong malaking strawberry.

'' Siguro naman, malalaman mamaya,'' aniya at namitas pa ng marami.

'' Hindi ba parang sobra na 'yang pinitas natin?'' tanong ko dahil halos mapuno na namin ang isang basket.

'' Sapat na ba 'to sayo?'' tanong nito.

'' Oo madami na 'yan eh,'' sabi ko.

'' Tayong dalawa ang kakain hindi lang ikaw---este tatlo tayo, kulang kay baby 'to,'' sabi ni yoongi at naglakad pa saka namitas.

**My Professor Obsession**(Yoonmin)Where stories live. Discover now