Chapter 2: Sweet side? Masungit side?

44 3 0
                                    

Jane's P.O.V

Ayan nakapagbihis na ako buti na lang bumagay naman yung suot kong shoes sa damit kong denim dress, mukhang mamahalin 😖.

"Oh my God! Jason what happened to you?! Bakit basang basa ka? Si Robbie? Where is your brother?! Sya ba may gawa nito?" Ha? Ano yun may sigawan sa labas.

I was about to open the door kaso naunahan ako at ayun sumalpok sa akin ang pinto -_- aray naman 😖 d pa nga nawawala ang migraine ko naumpog nanaman ako =_=.

"She's here.... Manang isakay mo sya sa black kong sasakyan! Dumaan kayo sa back door." bakit ba parang tense na tense sya?! Aaahhh!!! Ang sakit talaga.

"Ma'am tara na po?" Sabi nung matandang babae, kaya tumango lang ako.

Robbie's P.O.V

Arggh! Bakit ngayon pa sya umuwi?! I hope that girl wouldn't encounter this bitch.

"Robbie! Anong ginawa mo sa kapatid mo?! Pano pag nagkasakit si Jason?!" Sabi ni Cecilia. Nagtuloy tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan at paglakad papuntang pinto.

"Tsk parang nabasa lang ulan magkakasakit na agad?! Lumayas ka nga sa dinadaanan ko!" Sabi ko habang nilampasan sya.

"How rude of you para lampasan mo ako?! At saan ka na naman pupunta?" Sabi nya kaya hinarap ko sya at laking pasasalamat ko at nakadaretso na sila manang sa kitchen para makalabas sa back door.

"Ma I'm fine hayaan mo na si Robbie... Halika na si Pau nasa taas na." sabi ni Jason.

"I'm leaving!" Sigaw ko at lumabas na ng bahay.

Binilisan ko na ang pagpunta sa garage para macheck kung nandun na yung babae. Pagdating ko doon nasa loob na sya ng kotse mukhang natutulog, nakapikit kasi 😕 kaya sumakay na lang ako sa kotse.

Jane's P.O.V

"Robbie! Anong ginawa mo sa kapatid mo?! Pano pag nagkasakit si Jason?!" Paglabas pa lang namin ng kwarto ni Robbie yan na agad ang narinig ko.

"Tsk parang nabasa lang ulan magkakasakit na agad?! Lumayas ka nga sa dinadaanan ko!" Ang galang talaga nito sumagot =_=.

"How rude of you para lampasan mo ako?! At saan ka na naman pupunta?" humarap si Robbie dun sa babaeng andaming suot na alahas, nilingon nya muna kami ng mapansin nya nakababa na kami ni manang para dumaan sa back door. Hindi ko na narinig ang mga sagutan nila kasi nakalabas na kami ni manang pagkadating namin agad sa kitchen para dumaan sa back door.

"Ma'am iyan po yung sasakyan ni sir.Robbie, sumakay na po kayo para pagdating nya aalis na kayo." sabi nung matandang babae.

"Ah manang pwede kaya ako pumasok dito? Para magtrabaho sige na po manang baka po may bakante pa kailangan ko lang po talaga ng pera 😔" aba pakapalan na ng pagmumukha excuse me hahaha mukhang malaki ang sahod dito eh.

"Hahaha nakakatawa kang bata ka, ganito na lang kukunin ko contact number mo tapos itetext kita pag kailangan ng katulong ni Ma'am Cecilia." Sabi nya.

"Sige po manang 😊 eto na po ang number ko." sabi ko sa kanya sabay abot ng ballpen at papel na binigay nya.

"Ikaw talaga haha, Nanay Romina na lang ☺️" sabi nya.

"Sige po nanay Romina 😊" sabi ko at sumakay na ako ng kotse grabe bago lang kaya to? Walang kascratch scratch eh. Arggh! Ang sakit na naman ng ulo ko, wala pa naman si Robbie, ipipikit ko muna mga mata ko, nakalimutan ko pa ang gamot ko -.-". Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kotse at nagstart ng engine.

"Buti naman at gising ka san ka nakatira? Ihahatid na kita." Sabi ni Robbie, ano ba to? Sweet? Masungit?

"Malapit lang dito, hindi ko alam yung mismong lugar pero alam ko ang daan." sagot ko, tumango lang sya at nagdrive na paalis ng mansion nila.

Arrggh! Nasakit na naman ang ulo ko, bakit ba kasi kinalimutan ko ang gamot ko? 😖 napapikit na lang ako at sumandal habang hinihilot ko ang sentido sa gilid ng ulo ko.

"Ok ka lang? Anong nangyayari sayo Jane?" Napadilat ako at lumingon kay Robbie.

"Ah medyo masakit lang ulo ko nadali kasi ako sa pinto nung pagbukas mo." sagot ko.

"Haha clumsy mo kasi, buksan mo yang compartment may gamot ako dyan eto naman ang tubig malinis yan wag kang mag-alala." sabi nya kaya sinunod ko sya at kinuha yung gamot, saktong ganitong ganito din ang gamot ko, siguro dahil sa migraine lalong lumalaki sungay nya sa pagsusungit sa akin at sa ibang tao 😑.

Pero sweet sya ngayon ☺️ parang biglaan naman yata yon haha, after kong mainom ang gamot binalik ko na yon sa compartment.

"Ok ka na?" Tanong nya.

"Ah oo, medyo... Salamat ☺️" sagot ko.

"Your welcome 😃" hala? 😧 totoo ba yung nakita ko? Ngumiti sya? 😄.

"Oh bakit? Ngayon ka lang nakakita ng gwapong nangiti? 😄 haha." hala? Totoo nga hahaha ngumiti sya 😂 pero bakit biglang humangin 😑.

"Robbie todo na ba yung aircon? 😅" tanong ko.

"Ha? Bakit? Nilalamig ka ba? Teka hinaan ko." hala? Naging concern? XD.

"Hindi Robbie hahaha nung sinabi mo kasing gwapo ka biglang humangin kaya tinanung ko kung todo na yung aircon kasi baka galing lang sa aircon yung hangin hahahahaha." sagot ko sa kanya haha ang hangin nya eh.

"Hahaha barado ako don ha! 😂" sabi nya habang natawa grabe ang sweet at mabait din naman pala sya hahaha.

"Haha so saan na ba tayo? Daretso o kakanan tayo?" Tanong nya, ay oo nga pala! Bakit may crossing?

"Uhm Robbie... San na ba to papunta?"

"Yung daretso papuntang Balayan na yan... Yung kanan naman sa Nasugbu.. At etong kaliwa sa Tagaytay na ang labas.. So san ka?" Sabi nya.... babalik pa kami -.-.

"Robbie balik tayo... Lampas na sorry ah." sagot ko.

"Ano?! Kaya naman pala kanina pa ako drive ng drive hindi naman pala lalampas ng Calatagan ang bahay mo! Tsk sayang ang gas =_=." patay nagalit nanaman 😕.

Wala na syang nagawa kaya ibinalik na nya ang kotse sa daan papuntang Calatagan at ngayon mas alerto na kami hanggang sa makarating na kami sa bahay ko at ayun si Tita garagal na sa may pinto kausap ata si Tito Earl.

I was about to get out of the car ng pagbuksan ako ni Robbie ng pinto, bilis naman nito mala-Edward Cullen ang peg?

"Get out of my car now!" Ay garagal din pala syang mapababa na ako =_= kaya bumaba na ako agad.

"Jane?! Oh my God! San ka ba galing?! Hindi kita macontact." sabi ni tita at niyakapa ako pero napatigil sya ng makita si Robbie, kaya napalingon din ako sa kanya.

"Stop staring at me you old lady =_=." sabi nya at sumakay ng kotse sabay pinaharurot ng mabilis =_= bastos yun ah!

Binabawi ko na ang mga sinabi ko! Hindi sya sweet napakasungit at nakapaka bastos nya! Nako nakakainis!

"Tita kilala mo po ba sya?" Tanong ko kay Tita at hindi pinapahalatang naiinis ako.

"Ah hindi hija, mukhang familiar lang." sagot nya. Familiar? So nagkita na sila ganun?

"Tara na sa loob Jane kumain ka na ba? Halika na't kumain at magpahinga ka na." sabi nya kaya tumango lang ako at pumasok na kami sa loob.

Weird ata ni tita ngayon.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon