Chapter 11: Goodbye Batangas Part 2

2 1 0
                                    


Jane's P.O.V

"Mag impake ka na pupunta tayo sa manila malapit na din ang pasukan sa condo tayo tutuloy." sabi ni Robbie sakin, hala? Eh hindi pa ako nakakapag paalam kayla tita at tito pano na to? Pagbaba ko ng hagdan sakto namang nakita ko si Nanay Romina 😁😁

"Nay, mag papaalam po sana ako kung pwede po sana ako magpasama sa inyo sandali sa amin, magpapaalam lang po ako kayla tito kasi gusto po na umalis ni Robbie eh" sabi ko kay nanay Romina pagkadating na pagkadating namin sa kusina.

"Sige iha, magbibihis lang tayo at aalis na tayo sasabihan ko na lang sila Mara ang mag ayos dito sa bahay para sa welcoming party ni Ma'am Cecilia mamaya." Sabi ni nanay Romina kaya nagtungo na kami sa maid's quarter, nagbihis na lang ako ng isang simple white jeans then polo 3/4 sleeves ayan sa baba ang itsura haha sophisticated db??

" Sabi ni nanay Romina kaya nagtungo na kami sa maid's quarter, nagbihis na lang ako ng isang simple white jeans then polo 3/4 sleeves ayan sa baba ang itsura haha sophisticated db??

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So ayun nga mamaya na lang ako mag iimpake pag balik namin ni nanay.

*Tillado Residence*

"Tita? Tito?" Sigaw ko sa may labas ng gate.

"Iha sandali lang tayo ha? Mag aayos pa ako sa garden mamaya tapos kayo naman ni Robbie para makaalis na agad." Sabi ni nanay Romina.

"Sige po nay, mag papaalam lang po ako at kukunin ang mga ilang school supplies na naitabi ko pa last year." Sagot ko, sakto rin namang lumabas na si Tito Earl kaya napag buksan na kami.

"Jane? Kaya mo na ba ng ikaw lang mag isa? Wala na ako para umalalay sayo doon 😔" sabi ni Tita Belle

"Belle hindi na bata si Jane, kaya nya na yan 😁" singit naman ni Tito Earl.

"Sige na ho tita kukunin ko lang po yung mga sketch pad at ibang school supplies ko na hindi ko nagamit last year ☺️ aalis na po kami ni Robbie ngayon eh" sabi ko kaya naman tumango na si Tita Belle at pumanig na ako sa kwarto ko.

"Earl, alam mo naman ang sitwasyon ni Jane di ba? Pano pag makaalala sya?" Naririnig kong sabi ni Tita Belle sa labas. I gotta admit lahat talaga hindi ko na maalala, from my childhood I may say.

Kaya nga ng maulila ako laking tuwa na lang ni Tita Belle na mapunta ang custody ko sa kanila kasi wala silang anak ni Tito Earl eh. Hindi na nabiyayaan.

"Maigi na yun Belle, ano ka ba? Hindi naman magbabago ang pakikitungo nya sa atin pag bumalik yun. Mas makakasama lang pag masyado mo syang hihigpitan edi hindi ka na nya kikilalanin bilang tita o pangalawang nanay." Sagot ni Tito Earl. Tinapos ko na ang pag liligpit ng mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.

Wait sabihan ko na lang kaya si Robbie na dito nya ako suduin sa amin? Hahanapin ko muna yung kwintas. Baka pag nakita ko yon may maalala ako. Tama ganun na nga. Tinext ko na si Robbie na sunduin nya ako dito at kunin nya yung mga gamit ko sa Maid's quarter kasi nakaimpake naman na ako, kukunin ko lang dito sa amin ang mga ilang gamit na kailangan ko sa course ko. Hindi nagtagal nag text na din naman sya at sinabing "okay".

Lumabas na muna ako para sabihing susunduin na ako ni Robbie.

"Nanay, susunduin na lang daw po ako ni Robbie dito kaya pwede na po kayo makabalik. Sensya na po." Sabi ko.

"Ganon ba? Sige ako mauuna na para mag ayos sa bahay mag iingat kayo ni Robbie ha? Belle uuna na ako." Sabi ni Nanay Romina.

Bumalik na muna ako sa kwarto ko at hinanap ang kwintas pagkakatanda ko sa jewelry box ni mama na iniwan sakin nandon yon. Nasan na ba ang jewelry box na yon?

Tinignan ko sa cabinet ko yung jewelry box dito ko naman lagi nilalagay yon para tago. Naupo ako sa kama ko atsaka isa isang inalis ang mga kwintas, bracelet o kung ano pa na meron sa loob ng jewelry box at tama nga ako, ano lang sya. Niligpit ko na ngayon ang mga ibang alahas na nailabas ko at binalik na sa cabinet ang box.

Ang ganda nya pala, at mukhang mamahalin, JR ang pangalan ng nagbigay nito sakin, may 4 na bata, ako, yung JR, si Jason at si Pauline. Laging si JR ang nakakasama o nakakalaro ko lagi kasi yun ang laging nagpapakita sa panaginip ko.

*beep.beep*

Itinago ko na ang kwintas sa bag na dala ko, at kinuha ko na ang isang box na naglalaman ng mga gamit ko para sa Architecture.

"Tita aalis na po kami ni Robbie, text na lang po kita pag nasa Manila na kami." Pag papaalam ko kay Tita na nasa sala.

"Sige, mag iingat kayo ha? Magtext ka ka agad. Sige na baka magalit pa ang boss mo." Sabi ni Tita kaya nagdaretso na ako sa labas.

"Ang tagal ha? Akin na yan dito mo na ilagay sa trunk." Bungad ni Robbie, pumuwesto na sya sa likod ng kotse at binuksan ang trunk, inilagay ko na ang bitbit ko doon at isinara nya na ang compartment.

"Sorry sa abala Sir." Sabi ko pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse.

"Wala yon, pero ipagluto mo ako mamaya ng fried rice ha?" Sabi nya habang nakangiti ☺️ pogi hahaha.

"Sige po sir" sagot ko sa pakiusap nya.

"Robbie na lang, same age lang tayo Jane." Sabi nya sakin. Tumango na lang ako bilang sagot, sumasakit nanaman ang ulo ko. Kinuha ko ang gamot ko sa bag at ininom ito.

"Bakit may ganyang gamot ka?" Tanong ni Robbie.

"Ah gamot ko sa migraine, sa totoo lang kasi naaksidente ako nung bata dako. That time namatay ang dad ko. 8 years old pa lang ako non, matagal ko ng ginagamit to siguro nung 11 pa lang ako?" Sabi ko sa kanya, naalala ko may ganito din syang gamot eh.

"Ahh bakit kailangan mo uminom ng ganyan?" Pagtatanong ulit.

"Ewan ko ba basta ang alam ko lang gamot ko sa Migraine everytime na nasakit ang ulo ko lalo na pag may mga memories na parang bigla kong maalala. Alam ko din kasi na baka matrauma daw ako sa memories na bumalik sakin." Sagot ko sa tanong nya. Infairness ang bilis ng biyahe namin ah nasa tagaytay na kami ngayon.

"So meaning to say yang gamot mo ay para mawala ang memories mo?" Panibagong tanong nya.

"Oo? Siguro? Side effect lang siguro sya ng gamot. Nga pala may ganitong gamot ka din diba? Bakit meron ka non?" Sabi ko sa kanya.

"Binigay lang sakin yon last year pero hindi ko din ininom yun kasi ang sabi ni Kuya Earl, nung namatay si daddy ang sabi nila kasama ako sa incident na yon ayaw lang nila na matruama ulit ako kaya pinapainom ako non pero natatandaan ko bago yon may sinasaksak sakin na gamot para mapakalma ako everytime na may maalala din ako." Sagot nya. Weird so parang parehas pala kami ganon? Pero sya kaya si JR? No impossible yon.

"Ganon pala, parang same lang pala tayo. May nawawalang piece sa atin." Tanging naisagot ko.

"A missing piece that needs to be found." Sabi nya, hindi na ako makasagot dahil inantok na ako dala na din sa traffic at dahil sa side effect ng gamot.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon